I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

PUB / KTV BARS

24

Comments

  • Wow, ok etong thread na to @blair_w , eye opener sa mga bisyo dito sa SG, hehe. Speaking on personal experience ko dati, bago pa man mag asawa. Pag nag bar kasi kasama ung tropa, parang merong trill at minsan is kilig pag yung babae na andun e gusto ka din, pero syempre sa kanila boladas lang yun, kami namang lalaki, akala mo tlga eh meron ding gusto samin, kaya napapa dami yung ladies drink. Unless i-take out yung girl, wala namang nangyayari sa loob ng bar. Pinaka extreme siguro is oral sex, but depends kung gano na sya ka regular nung babae. Dun kami sa Tanjong Pagar, so andami dun mga seaman. Sila talaga ang nagwawaldas ng pera para sa LD (Ladies Drink).

    Hats off to you for giving ur husband a second chance. I think ipagdasal mo sya na tuluyang magbago. Lahat naman pwede magbago, walang imposible sa Diyos. God bless kabayan!
  • @RDG salamat kabayan. well difficult to judge talaga eh. what is important is you know your limits as a married guy. like what i said married or committed is still the same. You owe your partner a respect.

    sabi ko nga sa hubby ko, isipin na lang nya na kada bili nya ng ladies drink sa isang babae dun kung gaano nya napapasaya ang mga babae sa pub eh triple naman nya ako nababastos at nasasaktan. so na sa knya na ang bola talaga for our marriage. Its either he keep it or break it, its up to him.

    YEs. @RDG number 1 talaga is PRAYERS. Nothing beats that. ;)
  • edited November 2018
    @blair_w magpakatatag ka, sa tingin ko bata pa naman kayo or if not baka nasa midlife crisis na !
    Have more time together, have more talks... even non-sense conversation.
    Si misis pag 1hour na akong walang activity sa chat/sms, magtetext na yan, (basta lang makuha attention)
    Prayer is virtue.
    God bless your family.

  • @carpejem Salamat kabayan. Ayun din plan ko, Lagi ko papa feel presence ko sa kanya para naman ma remind sya palagi na andto lang ako sa tabi tabi :D
  • @blair_w hehe, remember this:
    “Fool me once, shame on you. Fool me twice, shame on me. Fool me three times, shame on both of us.” - S.King
  • @carpejem wag naman sana umabot sa 2nd and 3rd time :D
  • edited November 2018
    @blair_w nasa barkada rin yan. kung ung barkada eh talagang hilig pumunta sa mga ktv/bar talagang madadamay ung asawa mo dahil need makisama syempre.

    kung mahilig sila uminom pwede na sa tabi tabi, Alcapones, brotzeit nagkatalo na. :) unless talagang may suki na silang babae doon :)
  • @Vincent17 hahaha. malamang meron na suki binabalikbalikan eh. :D pero I will hold his words. pero tama ka yun din sabi nya. kalimitan daw kasi yung boss pa nila mismo nag aaya. kaya kapag ganun yun lang daw talaga mga time na hindi sya makatanggi at bumabalik balik sa mga pub. sabi ko nga well sa ganun case wala ka talaga choice. pero yung pag table ng babae yun choice mo na yun. ;)
  • @Vincent17 twice a month going to a pub yan yung pattern nya. Though the bill says it all. :D
  • edited November 2018
    @blair_w yap, tiwala lang. as long as both parties gumagawa ng paraan, worth it yan. basta tandaan lang na kailangan laging kayong dalawa at hindi ikaw lang. God Bless

    side note lang....
    and Girls at the PUB are not allowed to go unless after there business hours.(according yan sa babae na naka table ko sa same pub) So I hope tama ang logic ko :D
    - not necessarily true

    and better nga kung titigil na sya. kung once every 3 months siguro pwede pa (opinyon ko lang po), pero kung regularly... money and time na dapat para sa inyo na nasasayang lang

    God Bless
  • @kabo kinabahan naman ako bigla
  • @blair_w hindi naman. kasi sabi no naman willing magbago at magbabago na husband mo. kasi, nasa tao talaga yan. kahit kasama mo palagi o ldr kayo ng asawa mo, kung gustong magloko, magloloko pa rin.

    pero since dalawa pa naman kayong willing mag-ayos sa sitwasyon nyo, kaya pa yan

    God Bless
  • Guys ask ko lang, ano pinaka extreme na pwede gawin kapag ka table ang girl aside sa take out thing :#
  • Oh @blair_w ndi pa din pala tapos toh? Hahaha akala ko ba magtitiwala ka nlng? Don't think too much. Trust is impt. :D
  • @stacey hahahah... yah i trust him and hoping he will change. But I really having a difficulty sa pag forget nung mga ginawa nila ng girl. Parang hndi na xa mawala sa isip ko
  • oh well. Men are born to be polygamous. nyahahahahahaha
  • may kilala ako. mag asawa babaero ung lalaki nahuhuli pa ng misis ung asawa nya sa check in motel na hubud hubad with the another girl paulit ulit ilang beses na nangyari un. lumayas na ung misis, sinuyo ng asawa repeat again etc..pero u know what? they are still tgt. at first syempre nagagalit ung babae pero in the end sila pa din. pag mahal mo kasi ang lalaki kahit na mambabae yan or what sayo pa din uuwi yan after all ikaw pa din ang wagi.kasi mas pinili ka pa din nya. palipas oras nya lang ung ibang babae. may mga ganyan talaga na lalaki pero syempre may mga matitino din na lalaki pero super bihira talaga un. parang out of 10 mga 2 or 3 lang mabait. ung iba babaero na.eh since anjan ka na din sa situation na yan. let it go nalang. life goes on. Kapit lang. haha
  • @stacey awww! You have a point girl! Cguro may process din ang paglimot lol!
  • @stacey thanks for your thoughts. Saktong words lng. Those were the words i really needed to hear.
  • Hahaha. Syempre naman babae din ako alam ko ung magging feeling. Hahaha. Partida pa yan. Wala akong asawa at boyfriend pero alam ko na ung feeling. Haha. Advance ako mag isip eh. HAHA :D :D
  • hindi naman kasi basta2 nabibigay ang tiwala, ine-earn dapat yon.

    @stacey yung situation ni @blair_w pwede pa yun ilet go nlng, dhl nahuli habang maaga pa, kumbaga naagapan bago pa magkadamage(huwag na lang sanang lumala pa)

    pero para dun sa kakilala mo, nahuling hubot hubad at may ibang kachukchakan sa motel, pinatawad pa at binalikan, aba matinding kalokohan naun. kahit together pa rin sila, kung miserable na relasyon nila, hindi rin yun masaya na paulit2 sya ginagago ng jowa nya.
  • @maya ibigsabihin ba pag nahuli mo ang asawa mo na may kabit at hubud hubad na babae ilelet go mo nlng agad? Para saan pa ung sumpaan nyo sa harap ng Diyos?? So meaning madali lang ba sayo sumuway sa ARAL? ndi naman kasi ganun ka dali mag let go eh.Lalo na pag nasa unahan nya ung FAITH nya. Ndi naman naging miserable buhay niya. Kasi once you forgive u also forget. Depende nlng sa tao kung paano nya ihahandle ang sitwasyon. Oo masakit sa una pero kung si GOD ang center ng buhay mo. You can conquer every challenges in ur life. Believe ME. Proven and Tested na yan. Kaya nga pinakasalan mo eh. Kasi mahal mo. Tska may pangako kayo sa isat isa. Sumumpa kayo sa harap ng DIYOS. "TO HAVE AND TO HOLD FROM THIS DAY FORWARD, FOR BETTER, FOR WORSE, FOR RICHER, FOR POORER, IN SICKNESS AND IN HEALTH, UNTIL DEATH DO US PART" . At oo pa ulit ulit niloko ung kakilala ko. Pero pa ulit ulit pa din sya nagpatawad at nag mahal. Tska IGLESIA NI CRISTO din kasi sya. Walang divorce or whatsoever. Handog sya at convert lang ung asawa nya. Pero humahawak sya sa ARAL. At nagpapatawad pa din. Kasi naniniwala sya at Ako din na kamatayan lang ang makakapaghiwalayan samin. Sakin in the future kung magloko man ang magging asawa ko papatawarin at papatawarin ko pa din sya. Ang DIYOS nga nakakapagpatawad tayo pa kaya na TAO? kagaya ng kakilala ko SUMUMPA sila sa harap ng DIYOS. na for better or for worse. Only DEATH DO US PART. Kaya @blair_w KAPIT LANG. Lagi mong iisipin ang wedding vows nyo kung nakalimutan mo man mag Google ka nalang. HAHAHA
    BASTA LAGING TANDAAN. ONLY DEATH DO US PART. magpatawad ka ng magpatawad Tao tayo. Kung si God nga sekundo sekundo nagpapatawad ikaw pa kaya?? Tska No ONE is perfect naman. Lahat tayo nagkakasala at nagkakamali. It's just how you face it. Tska ndi mag bibigay ng PAGSUBOK ANG DIYOS kung alam nya na ndi natin ito makakaya at malalapasan.
    Everything Happens for A Reason. One of the reason siguro is magtiwala ka. TRUST. kung masira man TRUST ulit. Asawa mo yan pinakasalan mo yan nagsumpaan kayo. Then PROVE IT. Ang mag asawa ang nagtutulungan. Ndi yon isang Mali or pagloloko sayo aayawan mo na at ilelet go mo na. Ang Pagpapakasal ay ndi parang isang mainit na kanin na pag napaso ka iluluwa mo na. Wedding is so SACRED kaya dapat pahalagahan mo. @blair_w okay? Take note. Ang haba na nian nag effort pa ako ah. HAHAHA
  • @blair_w tama si @ekme depende sa kung anong pub

    till death do us part... pero kasama din sa sinumpaan na hindi ka magkakaroon ng iba... pag una, pagkakamali. pag ikalawa, ikatlo... hindi na pagkakamali yan.. sakit na yan

    pwedeng patawarin pero hindi i-tolerate.

    sabi nga... bago ka magmahal ng iba, matuto ka munang magmahal ng sarili mo. kung paulit-ulit na, magtira ka para sa sarili mo kasi kung talagang mahal ka ng isang tao, yung nagawa nyang pagkakamali minsan, hindi na nya dapat ulitin yun lalo na ang pambababae
  • edited November 2018
    Well as what I said. Out of 10 guys mga 2 to 3 lang ung mababait. Lahat babaero na. It doesn't mean naman na itolerate. Kung sinasabi nya ba naman na magbabago sya edi give ur trust. If ever na masira ulit mag bigay ka pa din ng trust. Trust and trust lang ulit. Asawa mo yan eh. Tska don't say na iwanan ung asawa. Ndi madaling mag let go esp asawa mo yan. Oh well. Madali naman kasi talaga mag sabi at magbitaw ng word na iwanan na. Esp when ur not in her shoes. Ang need niya dito ay tips how to make relationship stronger not to break the family she's building all along.
  • @stacey hindi ko ibig sabihin na iwanan ni @blair_w yung iwanan ay kung paulit-ulit na ang ginagawang pambababae katulad nung halimbawa mo sa itaas

    are all marriages worth fighting for? syempre naman. pero ang laban ay dapat kayong dalawa at hindi mag-isa ka lang
  • edited November 2018
    @blair_w tama si @stacey ipaglaban at tiwala lang. syempre kailangang maniniwala at umasa ka na magbabago ang asawa mo lalo't sabi mo naman ay willing naman sya. kaya constant communication ang kailangan. at kailangan nya din talaga itigil ang habitual na pagpunta sa mga pub lalo na ng may ka-table
  • edited November 2018
    @stacey dba NBSB ka? madali lang magsalita kpg wala kpa kranasan. pero kpg nsa ganung situation na paulit2 niloloko, u will know and understand kung gano kahirap at kasakit. mataas ang pagpapahalaga ko at paniniwala sa kasal, pero kpg nagloko tong asawa ko, oo hihiwalayan ko sya. lalo na kung gaya ng situation ng friend mo na nahuli pa sa motel, sobrang kababuyan na yon at hinding hindi ko yun matatanggap kung sakin nangyari. hindi man divorce or annulment, pero iiwanan ko sya. kaya sa tagal namin from magbfgf to magasawa, never pa kami nagkaron ng problem regarding 3rd party. dahil nilinaw namin yon sa isat isa. pwede pagawayan maliliit na bagay, pero kung 3rd party na, ibang usapan naun. malinaw to saming dalawa. hindi naman ako yung magkakasala if ever eh, siya ung sumira sa sinumpaan sa Diyos. wag tayo magvictim blaming at parang lalabas pa na ksalanan ng girl kpg hiniwalayan ang asawang nahuling may kachukchakan sa motel. una sa lahat, ung asawa nya ang nagloko. at kung gagawin man ng asawa ko un, irereport ko sya sa pamunuan ng INC. madadamay buong pamilya nya, maibababa sila sa tungkulin, takot lang nya noh. tama si @kabo Sa isang relasyon, dapat 2 kayong lumalaban at nagiingat sa relasyon nyo. Hindi ung ikaw lang ng ikaw. kht pa tiwala ka ng tiwala, kung ung isa sira ng sira, mapapagod ka din. Dapat alam mo din ang worth mo, para alam mo kung kelan sige pa at kung kelan tama na. kung ganyan na di ka pa nagaasawa, pero cnsbi mo na publicly na kht magloko ung asawa mo eh patatawarin mo p rin sya at never ka gigive up, aba hindi malayong lolokohin ka nga, dahil alam naman nya na kht ano gawin eh patatawarin mo sya. well, ako lang naman ito. ganito ako, hindi ako ung tipong magpapakamartyr. magkkaiba naman tayo. magkakaiba din naman ng degrees ang pagloloko ng mga asawa. ung iba txt txt, ung iba table table sa bar, at ung iba umaabot nga sa point na nahuhuli sa motel. nasa sayo kung hanggang saan kaya mo itolerate. kanya kanyang style lang din yan ng pagdadala ng relasyon. what’s applicable to me, may not work for others. basta ako nakaset na ang standards ko at hindi ko un ibababa sa point na papayag akong babuyin ng asawa ko ang kasal namin, para lang masabing hindi kami hiwalay. kung hindi nya kayang sumunod at manindigan sa sinumpaan namin sa harap ng Diyos, eh problema nya na yon.

    PS. naisip mo ba na baka ung nangyari sa friend mo, baka parusa yun sa kanya kasi nagasawa sya ng sanlibutan na napilitan lang magconvert at hindi taos sa puso ang pagiging INC nya.

    so pag nagasawa ka, alamona, ipagpanata mo. dahil ang mabuting asawa bigay ng Diyos yan.
  • @maya oo nbsb ako pero from the start kilalang kilala ko sya. Nakita ko lahat ng paghihirap nya. tska oo madali talaga magsabi kapag wala ka pa sa situation na yon. madali din sabihin na ilet go nlng. mas pinili nya kasi mag mahal kesa masira ung pamilya nya. kasi kung maghihiwalay kayo ndi naman. kayo ang maapektuhan eh. Mga anak nyo. Anak nyo ang magsusuffer ndi kayo.
    Oh well. Like what u have said iba iba tayo ng pananaw. tsaka yup sinabi ko dito publicity. Pero ang tanong sino sino ba ang nakakakilala sakin dito personally? Aside from you no one else. Hahaha! Kaya keribels lang.

    P. S I don't think so na parusa un sakanya.Kasi they had so many Wonderful blessings and they have a wonderful children na kaya nya ipagmalaki, mababait sunod lahat sa aral at ung tatay nila gagawin ang lahat para sa anak not like other fathers na walang pakialam kung ano ba nangyayari sa anak.
  • @stacey comment lang po at wag mong mamasamain

    kasi kung maghihiwalay kayo ndi naman. kayo ang maapektuhan eh. Mga anak nyo. Anak nyo ang magsusuffer ndi kayo.
    - tama pero ang mga bata lalo na sa ngayon ay matatalino, makakasama din sa kanila kung nararamdaman lalo na at nakikita nila na nag-aaway ang mga magulang nila
    - so kung ang pinag-aawayan ay ang ang maling ginagawa ng ama, dapat ng itigil na nya yun. sabi mo nga, gagawin ng tatay lahat para sa anak nila. so dapat nya ring itigil ang pambababae nya dahil hindi yun nakakabuti sa anak nila
  • Hello everyone! Wow! So many things happened here. Well all of you has a point. Na gets ko yung main point ni @stacey cguro kapag sobra mo talaga mahal yung isang tao willing ka na lng magbulag bulagan sa lahat ng pain. Prang na immune ka na sa sakit and you don’t care at all kahit pa ano gawin ng nagloko na party. But I don’t thinks its a good feeling. Kasi parang wala ka na pakialam kz tinanggap mo na lang.

    And yung point ni @maya I believed i am quite on that side. Since first offence naman eto and hopefully no sex involved which i think meron parin ako 60% na faith. Lol! Hahaha. Pero seriously hndi daw tlaga umabot sa ganun kasi kahit na nagtable sya alam daw nya limitations nya. And he is asking for second chance to prove himself na kaya nya daw magbago. And if it happens na inulit parin nya kahit alam nya na masasaktan ako sa ginawa nya, aba eh ibang usapan na nga yun.

    @kabo tama din po kayo tiwala na lng tlaga. Na sa knya na kung sasayangin nya ulit yun.
Sign In or Register to comment.