I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

REPAINTING NA PINAPASAGOT NG LANLORD

Hi everyone!! ask ko lng sana if saan kami pwede lumapit ng housemates ko para ireklamo yung lanlord namin. Ganito kasi yun.. ni rent namin yung house nya for 2 years.. then last month tinurn-over na namin kc nga nag away kami dahil sa bill ng kuryente, ayaw nya ipakita samin ung orginal receipt. ung bill namin sa PUB from the beginning laging made in excel.. Pinaglagpas namin un ng 2 years kc mabait naman sya. So dapat by Nov 26 new renewal ulit. kaso dna sya pumayag kc gusto q na ng orginal bill ng PUB which is ayaw nya, kaya nag galitgalitan sya at dna kami pinag renew ng bahay,,So e2 na nga, pag turnover namin ng bahay marami syang na discover na damage, which is hindi naman kami ung may gawa. nadatnan na namin na ganun un. I asked them kung saan yung pruweba nila na nsa good condition tlga. Then ung agent namin parang panig din sa lanlord ko na mgnda dw ung bahay bago namin kinuha, Ang gusto nyang mangyari pinturahan namin ung buong bahay, eh ang prob lang namn is 3 rooms lang ang mukhang luma which is ganun tlga ung rooms pero sa amin padin binbintang. final decision pumayag kami na irepaint pero sarili namin contructor. pero ayaw pumayag ng lanlord. ang deposit namin is bali $2100 tapos yung quotation na binigay nya samin is 2490. Hopefully may makatulong samin kung san ba kami dapat humingi ng tulong.

Comments

  • edited December 2018
    nakita ko lang sa onlayn yang link sa taas. sana makatulong

    ang isa pang pwedeng makatulong sa inyo ay kung may mga larawan kayo na magpapatunay na ganyan ang kundisyon nung binigay sa inyo ang bahay. kung wala, medyo mahirap yan kasi salita nyo laban sa salita ng may-ari at ahente. medyo lugi kayo

    kung sa papintura naman, wag kayo pumayag na ganyang ang singilin sa inyo. pakita nyo yung mga estimate na makikita sa onlayn at sa mga painting shops
  • @Inique13 Mukang harassment in a way kasi napahiya yan sa pub bill.

    Yung mga nadiscover na damage na di naman kayo me gawa, unfortunately kung di nyo dinisclose yun sa contract nung simula palang, liable kayo dun.

    Yung agent hindi yan papanig sa inyo kasi sa landlord sha kumikita

    As for the repaint, ganun din, wala kayong laban unless meron kayong photo na attached sa contract nun about the current condition ng wall paint around the unit. Nasa tenancy agreement ang repainting/maintenance.

    Lesson learned nalang for your next contract, i-declare nyo lahat ng mga possible na ipa-repair sa inyo in the future. Pwede kang gumawa ng additional sheet of paper na ikakabit sa contract about the current status ng bahay, with photos para sure.

    Sa lagay mo mukang susunod ka sa gusto nila, unfortunately. Mukhang goodbye na sa deposit.

    Mahirap talaga makabangga ang landlords kasi andami nilang pwedeng gawin para ipitin ang deposit.

    Balitaan mo kami dito for future reference

    God Bless!


  • One purpose ng "Agent" is to resolve conflicts between "Tenant" and "Landlord" in cases na hindi maayos ng dalawa ng argument.

    Technically kung ano yung nasa contract ninyo yun ang susundin. Usually my clause na kung paano mo tinanggap yung unit... ganun mo din babalik...

    Regarding the repaint if not stated sa contract kung ano yung mutual agreement ninyo yun ang masusunod. Mediator ang agent for any dispute din.

    You can also tell the landlord na ganito, you are willing to use yung contractor na binigay nya for the repaint for 1 condition... pakita nya yung PUB for the past 2 years.
  • edited December 2018
    kasama ba sa bahay ung lanlord? bakit naka excel lang? so meaning pinapadala nio lang ung bayad ng PUB kahit hindi nio nakita ung actual na gamit nio? tawag kayo sa SP Services baka pwede ibigay sa inyo. at baka may paglabag na nangyari na pwede nio sya kasuhan.

    ako bawat sulok ng bahay may picture bago ko rentahan. lahat ng sira pinicturan ko. para may ebidensya ako sa susunod. :)
Sign In or Register to comment.