I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

OTHER EMPLOYER WANTS TO PROCESS MY SPASS

Good Day po. First time ko po sa SG. May work na po ako, kakastart lang mga 1 week pa lang po. Tanung lang po, may isang employer na gustong magprocess ng pass ko. Mas gusto ko po kasi dito kasi kesa sa present employer ko. mas madaming pinoy na pwedeng tumulong sa akin (nameet ko na sila nung interview ko dati) Dito po kasi sa present walang pinoy kahit isa kaya medyo nahihirapan po ako.

Any advise po please. ipapaproceed ko po ba yung application ng spass dun sa isang employer?

Maraming salamat po

Comments

  • @dumdum Madami ba under spass sa current company mo? Kung wala mashado at same sahod lang, jan ka nalang. Madaming pinoy sa kabila so baka mas madaming under spass dun. Pag renewal time at nag-alisan mga local ayun araw2 ka na kakabahan.

    Hindi sa akin sapat na rason na lumipat dahil me lang me pinoy sa kabila at nahihirapan ako sa current company ko. Anung klase bang tulong mabibigay nila pag nagkataon?

    Try to be independent as much as you can. Independent from anything. Solid na advice yan hehe

    A lot of things to consider pa. Company benefits, company business plans etc.
  • Tama si @Kebs ,The lesser the foreigner the higher the quota for you, Mas higher din ang chances mo especially for renewal process. Kailangan mo rin planuhin yung stability mo lalo na kung plano mo magstay sa SG ng matagal (unless you go for PR route). Bago rin lang ako dito and solo pinoy sa main office, pero mas pabor ako dito kasi less competition and you will learn to be independent tlga.

    Kung okay naman yung current company especially management then think twice bago lumipat.
  • Maraming Salamat po. Ako lang po yata yung spass dito so far po sa pagkakaalam ko. Ang iniisip ko po, masusuportahan ako ng mga pinoy dun in terms sa work sabi kasi nung manager dun yung mga senior na pinoy itratrain ako. Dito po kasi medyo hindi ko gamay ang trabaho. Wala ako mapagtanungang iba, workers na po mga kasama ko dito ibang lahi. Alam ko po kailngang maging independent, pero since first time ko mabuti na may mag guide sa akin kahit papano. Tsaka wala po halos benefits dito. Ako po nagbayad ng medical ko, mga gamit ko ako nagproprovide since very small company sya. Site po ako by the way, Civil Engineer po.

    In case po na magdecide ako, may magiging problema ba sa MOM kung sakaling wala pang 1 month may nagapply na ulit agad ng pass from ibang company?
  • @dumdum Ok lang naman lumipat kahit kakasimula mo palang, walang magiging problema sa MOM - unless nalang hindi pumasa talaga application mo due to common reasons such as salary, quota, experience matching the job position etc. Pa-apply ka lang then magdecide ka pag approved na. You can eventually still say no in case nakapagdecide ka na wag nalang lumipat. Hindi naman maapektuhan current work pass mo.

    Naaprub na din ako dati while on my existing company. Pero di ko tinuloy kasi merong kalokohan na isosoli part ng sweldo kasi epass ako inapply para maaprub since wala na sila quota for spass.

    Good luck kabayan, balitaan mo kami.
  • @Kebs Maraming Salamat! Nakakatuwa na may ganito at sumasagot sa mga tanung ko.
    Balitaan ko kayo. Salamat kabayan!
  • edited December 2018
    naranasan ko dati, maraming pinoy, kala ko angsaya2. haha un pala sila2 din maninira at hihila sayo. superior ko pinoy, ayw masapawan. diko naman nilalahat, pero u know, crab mentality, base lng naman to sa experience ko. hehe. wag mo tignan as reason na dahil may pinoy, ibase mo sa benefits and stability ng company.
  • @dumdum aralin mong mabuti. kung saan ka mas mapapabuti dun ka. pero tandaan mo din yung sabi nila na mas maraming foreigner na naka s-pass, mas may risk sa renewal mo

    God Bless
  • @dumdum , daming advise nyan, pero in the end, kung san ka liligaya at maggo-grow career wise, dun ka. True, if madaming Pinoy, madaming kalaban sa SPass renewal, pero kung tingin mo na sa new company eh dun mo mailalabas ang iyong potential, so be it. First thing to keep in mind is never resign sa current job mo. Let the new company apply for your pass, and if na approve, it means meron silang quota and nothing to worry about. Thats the time na you tender your resignation. Na mention mo din na mga senior na ung pinoy dun, so bka karamihan sa kanila is PR na din. I'm a risk taker, so if ako nasa kalagayan mo, I will grab it, especially kung hindi helpful ang colleague ko sa current company. Its still up to you. Pray and weigh the pros and cons, para din no regrets pagdating ng araw. God bless and Merry Christmas!
  • tama sila..wag ka masilaw sa dami ng pinoy. :) iba kalakaran dito, mga pinoy pa manghihila sayo pababa..haha
  • oonga, may nabasa ako thread dito, hinihila siya ng kapwa pinoy....sa BEER HOUSE! hahaha
  • @dumdum civil engineer ka pala jan pre. Baka naman pwde ka mag kwento ng karanasan mo sa pag aapply mo jan. Maappreciate ko yan pre. Anyway, goodluck jan.

    Pasensya mejo off dun main topic mismo. Hehe
  • @dumdum sa experience ko dito, mas ok lesser pinoy haha. Saka matuto kang kumilos on your own kasi dito ala ka aasahan kung hindi sarili mo lang. Hindi lahat ng pinoy dito, mababait.
Sign In or Register to comment.