I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

Alis na tayo SG

2

Comments

  • @totoypinoy tanung ko rin yan. naisip ko naman panu kung ang dual citizen ka na sa ibang bansa then balik sa SG for work. kasi iba parin talaga ang sweldo dito sa SG kasi ang baba ng tax.
  • @totoypinoy , may mga nakakabalik at meron diin na inde na.
  • yung mga nakakabalik, kamusta naman?
    ung mga hindi na, due to choice yun or na block sila?
  • hello may nkakabalik naman basta yung company is gusto pa din sila ihire under s/e-pass. but you have to take the risk tlaga.
  • May mga nakabalk naman gaya mga kasamahan ko sa work. Balik S-pass ulit sila at may pinipirmahan daw sila na waiver ata dito.
  • We finally moved out from SG after planning it for a year. Almost 5 years din kami ni misis sa SG, stress at gusto na namin bumuo ng family ang one of the few reasons bakit kami umalis sa SG. Although nakakamiss ang SG lalo na it was our first experience away from home. SG is beautiful pero may mga factors talaga na we have to consider lalo na pag may longterm plans and gusto na rin bumuo ng family. With whats happening regarding sa passes medyo mahirap na din para bang lagi nalang kami kinakabahan pag dating ng renewal. Na experience ko kasi sobra dami di na renew sa company namin(mostly mga pinoy pa). Pero so far sobrang saya namin sa bagong bansa na plinano namin mg migrate ito ay sa New Zealand. Maganda tanawin, sobrang laid back, family oriented at maganda health ,school benefits. Mataas nga lang ang tax compared sa SG pero ok lang kasi mararamdaman mo naman ang benefits specially if your planning to have a family or if you already have one :)

    Pero namimiss ko yung roti prata, Briyani, chicken rice, sambal at marami pang iba.
  • Congrats @Tonski for the successful migration!
    Hope to get my visa within this year! :)
  • Salamat @totoypinoy san ka nag apply bro :smile:
  • @totoypinoy Lol good luck bro sa kenneda mo hehe. Akala ko kasi sa NZ tatanong ko sana kung naabutan mo ba yung changes ng immigration policy nila.
  • @Tonski wish kolang na hindi nagbago ang points pa NZ.. saklap... 140 to 160 points.
    tapos sa English, hindi na pwede ang CEMI.. aiyohh..

  • @aweng tama tapos parang biglaan pa. Etong Oct 12 lng nila na implement. Sobrang lungkot nga ng kaibigan ko kasi 150 pts na sana siya at mg lo-lodge na sana this month.
  • @Tonski 140 points naman ako, nagaayos ng papers in advance then suddenly magbabago. saklap..
    pero subukan ko sa SFV this coming Nov3.. pero same din need din mag IELTS.
  • @aweng aah oo abangan mo yang SFV. Pwede ka rin ata mag apply sa holiday work visa pero yun nga need pa rin mg IELTS. kung 140 pts mo tingin ko kung may job offer ka laking tulong din as additional but not sure kung aabot ba sa 160 kaya try din mg apply online wala naman mawawala. Nung ngka interview ako walking distance lang yung company pero gusto skype yung interview nila lol.
  • Kadalasan kasi sa mga may JO, mga programmer. sa support parang malabo.. kaya JO lang talaga pagasa para maka 160..
  • nag try ako SFV last year.. grabe..the website freezes and hangs.. kasi ba naman buong mundo nag aaply.. kelangan maraming kang PC naka open ung site na yung at nakaready na ung details mo
  • malapit na rin akong umalis dito, gusto ko talaga ang singapore kaso ang singapore ata ayaw sakin, labing dalawang taon na ako dito kaya parang pangalawang tahanan ko na ito, kaso ang asawa at mga anak ko ay hindi resedente dito, dumating ang pagkakataon na naghangad akong maging Mamamayan ng Singapore, kaso hindi pinalad ang sabi ay iapply ko daw muna ng Residente ang asawa ko at mga anak ko. Subalit naka 3 apply na nga sila ng pagiging Residente dito hindi pa rin pinalad..kaya mukang walang papatunguan ang estado namin dito, lalo na at mag aaral na ang aming panganay,..kaya nagpasya na ako umalis dito upang makasama ang pamilya...may awa ang panginoon sa bago matapos ang susunod na taong maayos na sana ang mga papeles namin..
  • @bobong,

    mag aaral ung panganay nyo as?
  • @bobong halos magkaparehas kayo ng storya ng kaibigan ko na lumipat na rin dito. Ilan beses na rin nya na e-apply pamilya nya ng RV pero walay talaga. Kahit pa ngdodonate sya ng dugo or sali sa mga volunteer works. Sobra na talaga sila ng higpit. Dati sa trabaho ko sa isang primary school halos 80% puro foreigners mga students namin pero nung past 2 years bumaba enrolment dahil na rin sa pag higpit ng moe sa mga ng e-enroll na foreigners hindi lang naman pinoy. Kaya mag isip isip na rin yung iba lalo na pag may family na.
  • @totoypinoy nalala ko tuloy dati na gusto mka book ng piso fair sa cebu pac pero walang nangyari sa sobrang hirap mka pag book. Ang kagandahan lang sa SFV alam mo ano oras mag uumpisa kaya agahan ang gising at todo apply agad pag umpisa :)
  • Hi Kabayans, aalis narin kami ditto, yung anak naming babae lagi denied sa PR Application eh, ang masakit pa lalo wala sya school mapasukan tagal na kasi foreigner sya, kaya nagdecide na kami sumuko nitong December.
  • edited November 2016
    @Ray, saan po ang plano nyo, uwi ng pilipinas or lipat sa ibang bansa? next year alis narin po kami parehas tayo ng kalagayan..
  • nag iisip na rin kami umalis... after 10 yrs ko dito ang hirap na dito pag may pamilya ka na..
    mag primary 1 na ang anak ko next 2yrs . nag iisip na kami umuwi na at kunin ang kaperahan or mag migrate sa OZ .. nag kakaipitan na ang pinapaalis na tyo dito... nalulungkot ako pag naiisip ko na kelangan na umalis..
    dito na ang naging pangalawang tahanan ko. marami na rin mga kaibigan na umalis na..
  • edited January 2017
    @mackie8,

    pwede po ba makahingi ng advise, kaka start lang namen ditu sa sg last october lang, bale dinala namen anak namen which is 2.5 yr old pa lang. sa ngaun pinasok muna namen sya sa hi 5 pre school, medyu mahal pero inisip namen pag nagkasambahay kame halos ganun din mgagastos namen.. ngayun ang dame ko nababasa na mahirap na makapasok sa primary school kapag hindi local. ask ko lang kung mahirap na po ba talaga makapasok or wala po ba ibang option? pero kung wala pala talaga pag asa ditu makapag aral anak naten, mukhang may 3 yrs kame ditu sa sg hangat di pa nag primary school anak namen, after either balik pinas or kung may chance sa ibang bansa hehe.
  • edited January 2017
    hi @jelcel hindi ka nagiisa, kahit kameng mga pr na ang anak ay reject sa PR application namomobelma rin. isa ito sa mga reason kung bakit ang mga long time PR e nawawalan na nggana sa SG, ang iba naman willing na rin mag Citizen at i-give up ang pagiging Filipino pero wala reject rin. no choice kung hindi mag migrate sa ibang bansa.
  • ang choice lang is i pasok sa international school pero ang Fee naman e.. wala sa hulog.
  • yup, international school lang pinaka last option mo.. mga 2k a month
  • last days in sg.. sarap. bakasyon mode
  • @totoypinoy..tsutsugi na po ba kayo sa SG, san po ang punta nyo?
Sign In or Register to comment.