I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

E Pass approval

Hello po. Bago lng po sa pinoysg.net, nice to see na meron pa lang ganitong website para sa pinoy community sa SG at sa mga naghahangad na makapagwork sa Singapore.

Tanong ko lang po. Ano po ba chances na maapprove E pass ko? May offer po kasi ako, around S$5500+. Pero sabi ng employer, qouta na daw S Pass nila so iaapply daw nila E pass at tinaasan offer ko. So ngayon ang offer na po is S$7k+. Which is mas ok po hehe. Ang position po is Senior iOS developer, 7 years work experience ko sa mobile app development. 30 years old po ako. Currently working sa dubai for the last 3 years. As per SAT, mukang ok naman pasado e pass.

Gaano po ba katagal ang approval or result ng mom assessment ng pass?

Nabasa ko rin po na kapag job hopper ka o palipat lipat ng work is less chance mapprove.
In 7 yrs po naka 6 jobs nako. Shortest is one month contract project based. Then yung iba mga 10-11 months. Longest tenure ko sa work is mga 2.5 years.

Thank you mga sir and ma’am.
«1

Comments

  • Sa SAT, na 7K, wow big time!
    usually takes from 1-3weeks process
    basta qualified ka naman no issue, just pray!
    All the best!
  • Salamat po sa reply. Pray nga lang at staying positive. After po ba ng approval ano usually ang process? Ofw na rin po kasi ako sa UAE/Dubai. Mas ok ba kung diretso ako from here or from Pinas? If may pass naman po hindi na madedeny ng immigrstion?
  • @bananaQ mas ok na diretso ka muna dito at ayusin ang mga docs mo bago ka umuwi ng Pinas. ang prob mo kasi pag umuwi ka muna satin, baka maharang ka palabas ng Pinas. papasok naman dito, basta may AyPiEy ka na, normally wala ng problem. good luck
    H0merSimpsons
  • @bananaQ , wag kna muna mag tender ng resignation dyan sa dubai, just to be on the safe side. Like they said, usually mga 3 weeks ang labas ng IPA. Ilang months ba ang notice mo? Aware ba si SG company dito at willing to wait? Kasi valid nman ng 6 months yung IPA mo, so anytime pwede kna pmnta sa SG to process all the necessary thumbprint, etc para sa issuance ng iyoing EP. Then tsaka kna bumalik sa Pinas for vacation. Lapit lang nman and madaming promo. hehe. All the best and congrats in advance!
  • @RDG yes po ganun advice sakin ng company sa sg. Wag muna resign till maapprove pass. Ok naman sa kanila willing to wait. Pinagreresign nila ako before sabi ko wait muna pass kasi hindi nga 100% guaranteed. One month ang resignation dito sa UAE. Sana lang maging smooth.
  • less than two weeks lang yung akin, may result na. kaso rejected. :(
  • @alegria ano pong line of work kayo? At range ng salary?
  • @alegria ano reason ng rejection ng e pass mo?
  • overpaid daw po which is sabi ng employer di daw totoo. baka daw di lang across sa IT market yung nag-handle. nag-appeal na daw sila, not sure lang kung gaano katagal.
  • Pwede rin pala mareject if overpaid. Makes sense. Pero ano specifically position mo as IT?
  • @alegria anung field ng IT po ung sa inyo at ilan taon ung work experience?

    plus points po ba pag ung experience ay overseas (eg.Malaysia)?
  • Technical Consultant po, Salesforce.

    Bale 6 years exp ko in total sa IT, 3 years web muna bago 3 years Salesforce
  • So bale 3 years relevant experience lang sa salesforce?

    Akalo ko dati dahil mataas ung sweldo mas malaki chance maapprove.. Dapat pala talaga balance lang sa experience,sweldo at current market value ng skills nadin cguru.

    Ang advise din sa akin ay wait for Passs approval before mag resign sa current.

    Sana swertehin.
  • yup, may friend din akong rejected epass, dhil mataas masyado salary compared sa qualification and experience. tintignan dn ng MOM yan dhl gawain ng ibang company pag wala quota, epass ang inaapply kht di qualified ung candidate.
  • nabasa ko din pala dito sa forum na hindi pinapasa sa emOem ung cert of employment. Ibig sabhn irrelevant kung saan ka ngtrabaho at kung ilang kumpanya napagtrabahuan? Ung relevant lang ay ung years of experience na ilalagay sa application?
  • yes po, 3 years pa lang sa salesforce. @newbieSG

    yan din advise sakin nung recruiter, saka mag-resign pag may IPA na. willing to wait naman daw sila.
  • kinikey in lang details ng previous jobs, pero hindi required ang certificate.
  • Hi husband ko rin epass reject kahit 7.2k senior proj manager pero sa s pass naging ok po same salary 7.2k kaya pwede makakuha ng dependent pass. Pahirapan po e pass talaga try try lng po mga kapatid.
  • @Jamila ano daw po reason for rejection?
  • ang epass kasi kailangan iprove ng company na walang local na qualified sa position naun. so kung may quota naman, mas mdali maapprove spass. tsaka bali balita na baka magkaron na dn ng quota for epass, based on the number of locals, pr hindi counted.
  • sa akin reject din first attempt ng e-pass.. ang rason ay hindi na-post ng company ko ang opening na yon sa local job portals ng Singapore for 2 weeks (priority kasi PR o citizen). na approved ako nong 2nd attempt after pinost sa local job portals. ewan ko kung pareho tayo ng case.
  • gaano katagal bago na-approve yung 2nd attempt sayo @walawee ?
  • 2-3 weeks ata.. halos pareho nong 1st attempt.
  • around 2 to 3 weeks ang approval at pag may IPA ka na pwede nang lakarin yung EP pass, company na ang bahala dun after you sign the IPA declaration form, yung EP pass card mo mapupunta sa company mo at yung company mo na lang ang mag bibigay sa yo yung EP card mo.

    Huwag ka munang uuwi sa Pinas hanggat wala sa yo yung EP card mo, at pag uuwi ka naman sa Pinas katakot-takot na requirements na naman ang hahanapin sa yo sa pagkuha mo naman ng OEC base yan sa based sa new requirements ng OWWA etc..etc..
  • Nareject E pass ko :( after one week lang.

    Sana maappeal pa ng employer ko.
  • @bananaQ hindi sinubukan ng s-pass? o walang quota sa s-pass? good luck
  • @kabo qouta na raw s pass nila e. Kaya e pass inapply sakin.
  • anong line of work po nyo @bananaQ saka po range ng salary?

    shinare ba ung reason ng MOM kaya na reject?
  • @Playfish IT / Software development po. Specifically iOS development. 7k+ salary. Hindi pa sinabi ng employer kung ano reason, pero tinanong ko na. By end of the day siguro malalaman.
Sign In or Register to comment.