I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

IO exp, Pwede b magbyahe ulit after 45days?

Hi mga kabayan, umalis ako dito sa pinas ng March 2019 papuntang Singapore as a tourist. May barkada ako kasabay ko lumipad pero business permit (Ph employed) sya may Spass na. Nung sa immigration, magkatabi kmi ng Immigration officer at napansin nung IO n magkakilala kmi. Medyo madami tuloy tanong sa akin lalo't first time travel ko.

Like,
Magkasama kayo??!!
Bakit sya magtatrabaho dun ikaw vacation?
Ilang taon na kayo magkaibigan?
Ilang days ka dun?(3x tinanong)
Kelan flight mo pabalik? (3x tinanong)
Employed kaba? Patingin ng Id?
Ilang years kna dito sa company?
(Humingi pa sya ng tulong sa likod nyang IO)
Meron ka na bang healthcard dito sa company?
May credit card kba?

Buti nlng at nasagot ko nman ng maayos lahat at pinalipad ako papuntang SG. Nagstay ako dun ng 6days lang dahil nga employed ako at yun lang nakuha kong vacation leave.

Ask ko lang kabayan kasi nakakuha ulit ako ng murang flight sa jetstar. 45days ang difference from arrival this march at departure ko n susunod.

Possible kaya n mahold or maharang ako sa IO on my next trip to SG?
Iniisip ko kc possibleng tanungin n kakagaling ko lang sa SG ng March bakit pupunta ulit ako. Ndi ko tuloy alam kung ireresched ko b yung flight ko.

Etong 2nd trip ko sa SG is for 7days naman.

Ask ko lang din kung mas okay b na solo travel ang gagawin ko kesa may kasamang tropa na may business permit?

Comments

  • kung 6 days ka lang nag-stay dito, mas madali mong maipapaliwanag na turista ka lang at gusto mo lang ulit bumalik. ang medyo natatanong lang ay kung nagamit mo yung 30days, 60 days or 89 days mo nung huling byahe mo tapos ay babalik ka agad
    Concon-chan
  • wala naman problema siguro since bumalik ka naman noong una.
  • surebol yan, madali ma justify yung pagbalik mo dito, lalo pat nag spend ka lang 6 days dati. And ngayon meron ka nman return ticket for 7 days. Wag mo na ipa-rebook. Larga na!
  • Salamat mga kabayan. Magproceed na ako sa May. Nga pla meron tumawag sa akin n agency nasubmit na yung resume ko sa client at scheduled na for interview.

    Prior this agency, may 4 companies na tumawag sa akin pero ang hanap is PR or Singaporean.
  • Sa IT industry po. More on network with more than 5yrs exp
  • sir @jhamesk nakahanap ka na ng work sa sg? plan ko kasi pumunta next year.
  • @cardentoinkss nandito na ako sa SG since May8. So far wla pa ako invite for interview. Mostly ang mga tawag sa akin is from agency at sabi na ipapasa dw resume ko sa client kaso wla pa cla mga feedback. Looks like mahigpit cla ngaun. May pinoy rin dito sa hostel n tinuluyan ko. Wla pa rin sya invite for interview.

    Today ngsend ako ng online application for extension ng 30days visa. Bukas ko pa malalaman result. Hopefully maapprove.

    Grabe nga pla pinagdaanan ko sa AyOh ng pinas dito sa 2nd trip ko. Since ngpunta na ako dito last March, tamang hinala na sila. Ang sbi ko kc solo travel ako wla ako kamaganak sa SG. Meron nman tlga ako relative dito..ndi lng nila alam kaya ndi ko nlng sinabi. Bka hanapan pa ako ng convo.

    Nahold ako at dumaan sa 2nd interview. Dami tanong family background, Line of work, anong tinapos, Pic ng Graduation, monthly salary, payslip, bank account history, FB convo, HR contact number, latest pic ng nsa trabaho. Since engineering tinapos ko, lalo sya nagduda, dito sa SG dw kc bagsakan ng mga IT at Engineers. Since ngresign n din ako from work, buti nlng ndi nila tinawagan ofis nmin. Sbi ko lang wla ako contact from HR.

    Sa kabutihang palad nasagot ko nman ng maayos yung AyOh na ng2nd interview sa akin at pinalipad naman ako. Imonitor nalang dw nila ako. Hehe.

    Mas okay sbhin nyo nlng n may kamaganak or kakilala sa SG. Mahirap pag ssbhin n solo travel. Better lung may invitation letter from relatives.
  • Itong link na po ba ngayun yung ginagamit pag apply ng visit extension?

    https://eservices.ica.gov.sg/esvclandingpage/extend

    Saka yung payment na nya is once na approved?

    TIA mga Ka PinoySG
  • Thank you po sir @jhamesk bale nasa field dn ako ng engineering/IT sir. naka 3 lipad naman na ako sa SG. May dala ka nun mga payslip sir? Sinabe mo dn ba dun sir sa IO na ngresign ka na dito sa pinas?
  • @jhamesk i dont forsee any reason para ma-hold ka ng IO dito SG since you were here for just a few days your first time. Ang mas dapat paghandaan is yung mga tanong ulit sa yo ng IO sa pinas. All the best! :)
  • edited May 2019
    @jhamesk Similar to what I shared in some related posts here, use linkedin as your main application site. I used it 90% of the time. I engaged directly with either dept managers or Talent Acquisition specialist (my FOE: Industrial / Lean / Process Eng'g). I got 2 job offers, 1 from seagate & the other 1 from jabil. I chose the latter for obvious reasons (better remuneration package). Been here in SG since 2012
    Concon-chan
Sign In or Register to comment.