I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

SHARING MY EXPERIENCE!!!

Welcome back sakin sa pinoysg.net hehehe nakalimutan ko po account ko kaya di ako naging active dito ng super tagal!


So last post ko is October 2018,may magkkey in ndw na pass sakin pero gang sa di ako kiney-in. Sayang paghihintay ko sa Mlaysia nun. So bumalik ulit ako ng SG kasi andito gf ko,natatakan ako ng 30days ulit. Bale ang nangyari sakin, july-august andito ako sa sg. Tas umuwi ako sa Pinas ng 2weeks nung pang28 days ko. Tas september bumalik ako sg ulit kasama gf ko, kasi umuwi siya that time sa pinas. So sabay kami bumalik sa sg. So end of september, nakapag-exit ako sa batam, tas nadagdagan ulit ako 30days. Tas october end sa jb naman ako ngexit, tas nka30days ulit ako. So november wala pa din ako nahanap work,umuwi nako ng pinas. Halos lahat ng company na napuntahan ko sinasabi iaapply na ng pass tas bglang mawawala ng parang bula.

December - napagdesisyonan na namin ng gf ko na magstudent pass ako para makapagstay ako sa sg ng 9months. So january naapprove na ung student pass ko. Feb 4 pumunta ako ulit sa sg,okay naman. Smooth naman. Tas gang ngayon student pass ako pero nag-aapply apply pa din ako ng work ngayon. My mga interviews pero kapag tinawagan ako at nalaman na foreigner, no quota agad. May mga hiring naman kaming nakikita puro female naman ang hanap. Ang hirap pala kapag lalaki tas ang line ay sales, customer service or admin.

So ang inaasahan ko nalang ngayon ay ung internship ko ng 6months, sana iabsorb ako para maging spass nako. Update ko kayo ulit sa mangyayari sakin. Hopefully di ko makalimutan ang account ko ulit hehehe. Internship ko magstart sa June. :)


Ang student pass na un,iba ibang lahi kami sa school. Dapat wala ka sa pinas kapag inapply ung student pass mo. Bale 3months study + 6months internship un. May hostel din para sa students, parang 250 ata per month, bedspace sya. Malapit sa school un. Pero di ako sure sa monthly rent kasi sa gf ko ako nakatira. Sa internship, school ang hahanap sympre, tas merong allowance. $900+ot. Ang bayad pala sa study ay $2,700.


Kapag sa ojt di pa din ako naabsorb, uuwi na ako. Ibig sabihin di para sakin ang SG at ayaw kami paglapitin ng tadhana ng gf ko para magkasama kami :(((

Kasi since last year nakikipagsapalaran na ako.. gang ngayon nganga. Pero ung iba naming friends na babae,may nakukuha naman na work. :(((
«1

Comments

Sign In or Register to comment.