I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

Pr application

Hi mga kabayan, nag apply ako ng PR last April 2018 pero pending pa din sya hanggang ngayon, may mga naka experience ba sa inyo na ganun katagal ang processing? Salamat
«134

Comments

  • @lutie yap, may mga umaabot ng mahigit isang taon bago nagkaka-resulta
  • After 14months, PR ipa approved.
  • @lutie baka naman may mga tips ka dyan ma share sa mga kababayan naten hehe
  • so true nga, pag daw mabilis, rejected yun. pag mtagal naaapprove. congrats! tips nmn jan!
  • 3 kami nag apply ng mga kasama ko sa work, yung isa from myanmar after 4 months rejected, yung kasama Kong pinoy after 13months approved din then yung akin 14months.. actually underrated kami kasi di naman kami from IT field or engr, or high paid jobs... we are from retail less than 3k per month, we expected na rejected talaga kasi mababa yung salary namin... chambahan siguro
  • @lutie wow galing naman. Blessing tlga. Gano na kayo katagal dito?

    Talagang tyempuhan lang, pero nakaka tuwa atleast may isa akong nalaman na pinoy sa ngayon na na approved.

    Puro rejected kasi mga kakilala ko.
  • @Michaeltan nag start lang ako as TEP before way back 2011, then nung naging spass ako nag try ako last 2014 mag apply ng PR pero rejected.. tapos di na ako nag apply until 2018, naisipan ko lang ulit mag try baka sakali...
  • @lutie okay salamat. Bago palang kami GF ko dito pero sympre isa yan sa mga plans namen na mag apply for PR. Worried lang ako nung una kasi halos lahat nakikita at kakilala ko puro rejected sila. Nakaka tuwa lang na malaman na may na approved na pinoy nabuhayan kami ng pag asa. Hehe. Iipon pa muna kami ng years dito ng GF ko saka kami mag try.

    Sa ngayon 2600 salary ng GF ko and ako around 4k lang,sabi nila wala naman daw sa salary, pero ung iba sabi nila nag matter din un kaya parang nawalan agad kami pag asa about sa pag apply ng PR pero buti nalang nabasa ko tong thread mo. hehe siguro after 4 years or 5 years try din namen . :smile:

    congrats ule kapatid. Godbless
  • wow. nkkabuhay nga ng loob. kami ng husband ko wala din balak magapply sana. at nagbabalak na kmi magmigrate, pero makapagtry nga din ngayon haha.
  • @maya try rin namen. hehe.

    balitaan mo kami ha hehe
  • @lutie Congratulations! God is good.
  • @lutie good news to sa mga kababayan natin nasa retail at sa mga employee na less than salary of 3k like me. tapos 2 kayo sa retail approved. more questions if you dont mind sharing.

    ilang years na kayo sa sg?
    may contribution ba? like blood donation?
    single or married?

    ty in advance.
  • @Samantha1 me since 2011, yung kasama ko 2010, we are both Spass before, no contribution, no activities involved actually. Pero parehas kami nag pending for more than 1 year, yes we are both married, yung wife ng kasama ko nag wowork din sa sg pero single application lang ginawa namin kasi di naman talaga namin akalain na ma approved at tanggap na namin sa sarili namin na rejected, kung baga for the sake of trying lang talaga,
  • Hello sa husband ko naman po 8 months pinaka matagal nya then reject po. ☹️ Pero ng try ulit kami dis nov 2018 nagpasa mag 6 months na wala pa balita ipasa diyos n lng namen bka sa ika 5th na apply ma tyempuhan na hehe, sana maging ok din hehe.. congrats po sa nkapasa sa pr. Godbless po
  • @Jamila wala naman masamang mag try, yung mga nababasa ko kasi matataas salary and matagal na sa sg pero na rereject.. chambahan na lang siguro, good luck
  • may roleta ata sila gamit hahahah....lucky draw ang peg
  • @lutie congrats ulit sayo and your friend.

    para sa akin hindi sa palakihan ng sahod at profession. ang alam ko is if yung work or exp mo maka contribute sa sg, work hindi gusto ng mga local at hindi inaagawan ng trabaho ang mga local. malaki chance makakuha.
  • @Samantha1 siguro nga, or too much na yung mga common na nag aapply like IT or Engr, balance siguro talaga dapat yung industry nila,
  • @lutie ask ko po if working din ba wife mo dito? Kasi i plan apply again for the 4th time last time I applied wayback 2015 pa and sinasama ko palagi wife which is also working here and kids sa pinas. Now i plan na mag solo application lang muna ako to try if mas ok yun. Been here in sg for 8 years already. And laslty need ba ang payment agad pag apply pa lang? Salamat and congrats again at least nabuhayan ang mga pinoy ngayon na mag apply.
  • @nexxon working din yung wife ko, yes yung payment babayaran mo na sya rejected or approve.. try lang... wala naman masama mag try
  • @nexxon at moment need to pay $100 upon application/ no refund
  • tara try na nten lahat . haha. plano ko next month haha 1 year palang ako dito next month lol
  • @Michaeltan try lang may pambayad ka sa application fee why not. pero ewan ko lang sa mga taga process ng application if ano ang impression sa mga taong nag apply kahit 1 year lang sa sg. normally advise talaga 2 years or more. pero wala naman mawala kung d ka mag try.
  • nakalagay sa ICA website 6 months pede na mag apply e, pero syempre maliit talaga ung chance pag 1 year ka palang hehe. Siguro para makita lang nila na gusto ko talaga, pag na reject try ule after ilang years :wink:
  • edited May 2019
    @lutie Congrats kabayan! Just wanna ask you, yung interval between your last PR application and etong na-aaprove ka na, was there a time na bumalik ka ng pinas? Coz sabi nung lokal na kasama ko dito sa work eh factor din daw yung wag ka muna uuwi ng pinas for at least a year or two kung kakayanin. May weight din daw yun for ICA to approve or reject the PR application. Thanks. :)
  • @Gwapito_Ron nauwi din ako pag vacation, pero max na yung 4days..
  • ang tagal pala, ako 6months pa lang dito SG nag apply agad. haha.
    ngayon 6th month na ng application PENDING pa din ang status. pero sa website sabi 4-6 months ang result. ayoooo. tapos maka-cancel pa PASS ko sa 19th, malamang maaabotan PR application ko.
  • Hi @lutie congrats sa iyo at sa kasama mong Pinoy na naapprove. God is good along with good luck bestowed to you. Nakaka inspire to apply and to hope na may chance pa talaga. Via online ba application mo? I had mine just last April. Sana ill have the same luck as yours....ma APPROVE. And i appreciate your effort to reply all the comments. God bless you and your family.
  • congratulations! this is very inspiring! thank you sa pagshare, nakakadiscourage kasi pag puro negative ang nakikita. 16 months pa lang ako dito and looking to apply soon.. sana, sana. :)
Sign In or Register to comment.