I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

Part-time offer for the meantime

Hi po, gusto ko lang sana malaman yung opinion about dito sa sinabi ng potential employer ko

Less than 2 months ago pumunta ako sa SG para maghanap ng work, ayun may nahanap ako ng isang maliit na company na willing naman ako ihire kaso lang hinde nila ako mahire agad kasi inaantay pang matapos ung contract nung isa nilang empleyado so kinailangan ko muna umuwi at mag antay kasi mga 2nd week of April matatapos ung contract nung emp nila, tas nung natapos na ung contract nung emp, ayun inapply ako sa MOM, nagshare screen pa talga ung isang personnel nila para nakikita ko ung application nila para sakin sa MOM website, tas un nag apply sila tas after ng 2-3weeks nalaman ko na nareject yung application kasi raw may isang local employee raw na biglang ngresign so nagkaroon ng quota issue kaya ako nareject..

So after ng 1 week after ko malaman na nareject ako, yan ung sinabi nila (PLEASE See attached image).
They are showing naman they are really want to hire me kaso may prob lng sa MOM, sabi nila in 2 months magkakaroon na raw sila ng quota pero for the meantime mag part time na lang raw muna at sa kanila, sa tingin ko para di masyado mahaba ung pagantay ko kaya nila ako inofferan ng ganun.

Ang mga concerns lang naiisip ko ay ang mga sumusunod

1. Wala akong assurance na babayaran nila ako sa duration ng part time ko kasi sa tingin ko wala akong pipirmahan kasi illegal ung set up na un

2. Baka hinde ako makapasok sa SG kasi 2 months pa lang nakakaraan nung pumunta ako dun so tatanungin tlga nila ako ng matindi (though may pinaplano na ako mga alibis ko)

3.Iniisip ko sana na dumaan sa KL para ung PH IO hinde maghihinala, tsaka gusto ko rin subukan sa KL kasi nandun ang brother ko

[UPDATE]
After ko makabasa ng mga isang thread na malaki ang chance na hinde ako makakalabas ng pinas kasi kakagaling ko lang sa SG, bigla akong kinabahan :(, baka gigisahin talga ako sa PH IO

iniisip ko lang ngayon what if tanungin ko na lng sila kung pwede ba ako mag remove work, kasi nung nakausap ko ung CTO dati nabangit nya na pwede ako mag part time remote....
[UPDATE]

Un lang, gusto ko sana humingi ng opinion/tips/advice dito para mas magiging better ung pagdedesisyon ko.

Salamat po

Comments

  • edited May 2019
    sabi mo nga alam mong illegal, so yun pa lang wag mo na ituloy. pag nahuli ka, forever kna maban sa sg. kung gusto ka tlg nila ihire, edi daanin nila sa legal na paraan.
  • better wait for your Pass
  • @Cheeno tama sila. kung alam mo ng bawal, mas mabuti na wag mo nang ituloy
  • edited May 2019
    Uhmm anong pong mga instance na pwede akong mahuli?

    I think na need nila ng tao kaya gusto nila gawin un...
  • @Cheeno kung ako di ko iririsk, mahirap na. kaliit ng singapore, bawat sulok may cctv. dka man mahuli ngayon, pedeng may magreport. nung tourist pa lang ako sa sg, naranasan ko na marandom check twice sa public places, bigla na lang may lalapit na pulis na nakacivilian at checheck ang passport at svp ko. at kht sang anggulo mo tignan, ikaw dehado. ung company, warning or fine lang yan. ikaw deported at banned na. tsaka isipin mo ngayon pa lng, kapos na sa quota. wala dn kasiguraduhan na magkakaquota after 2mos. sa twing may magreresign na local sa company na yan, kht may pass kna, need icancel yun. so parang lagi nakadepende sa quota nila ung pagstay mo.
  • edited May 2019
    anong work pala yan? kung pwede naman work from home, edi work from phils kana lang muna while waiting. sbhin mo kht bawasan nila bayad kung work from home while waiting for pass. either way, pumunta ka man ng sg or jan ka sa pinas, wala kasiguraduhan na babayaran ka. mrami kasi ganun, nagtitipid at ung job ay pangshort term lang kaya nagpapaasa.
  • Huhuhu, hirap...

    Software Developer po ung work, sa katunayan nasabi ko na aa kanila if possible ba na mag work ako remotely then sabi nila mas efficient raw pag nandun ako and para mas matutunan ko raw ang mga products nila.... Weeew

    Di ko alam ako sasabhin sa kanila...
  • Iniisip ko kasi na kung hinde ako papayag baka susumpungin sila at maghanap na lng ng iba instead, pero un nga, kung gusto tlga nila ako kukunin tlga nila ako kahit anong mangyari... Pero lam mo un ung gusto ko na magwork sa singapore.... Haysss ung tipong iniisip ko na chance na tlga to kaso sobang uncertain ng situation
  • @Cheeno kahit pa anong reason, sa tama ka na lang lumugar. pwede nakalusot ka ngayon o sa una, pero tandaan na lahat ng ginawa mong mali dito ay pwedeng maging dahilan ng pagpapauwi sayo. ngayon man or sa darating na panahon

    halimbawa... yung mga nameke ng papel, nakalusot sila nung una at naging PiAr pa yung iba, nung nahuli, kaso at uwi ang inabot
  • Okay po, cge po, thank you po sa advice.... :) :) :)
  • ok naman ung field mo pala, makakahanap kpa ng iba. apply lang ng apply. wag pakadesperado.
  • @maya salamat po....patience is a virtue :) :)
  • @Jamila pwedeng mahuli. kasi may mga kilala ako na kahit matagal na dito, bigla na lang nag-check sa school nila yung EmOEm. mahirap yang ginawa ng kaibigan mo
  • Kya nga sir di ng iingat lakas loob sinabihan ko ba eh wala ko magawa bahala cla haha inaplay na wp nya ng aantay n lng ipa. Kalowka
  • Tama sila lahat dito, mahirap isugal yang ganyan. Mas lalong malaki mawawala sayo kapag nahuli ka dito.

    Wala rin assurance na babayaran ka, saka okay yang field mo . Wag ka mag settle sa alanganin.

    Apply lang ng apply makukuha mo rin ang para sayo na work :smile:
  • Hi, update lng, may quota na raw sila and iaapply na nila ako ulit, sana tuloy tuloy na to...
  • @Cheeno good luck. dasal lang, dasal at marami pang dasal
  • Lol, di ko pa siya kinoconsider na nakuha ako.. Ayoko umasa hehe
  • Mga boss, may alam po ba kayo na room for rent malapit sa paya lebar? Salamat po
  • Nagiscout na ako ng matitirhan if ever matuloy
Sign In or Register to comment.