I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

Philippine Agency and Singapore agency

Hi po, nag-apply po ako ng work sa workabroad bound to SG and selected na po ako. Kaso nung last na tawag sakin nung agency, need ko daw po magbayad ng placement fee na katumbas ng dalawa at kalahating buwan ng sahod ko. Ang offer po sakin ay 2600SGD per month, bale ang kainlangan ko pong bayaran ay 6500SGD (around P230,000). magbabayad ako ng 2600 SGD dito sa agency sa Pinas bago ako lumipad tapos another 2600SGD naman sa agency sa Singapore, tapos yung 1300 ay salary deduction.

-Normal lang po yung ganto kalaking bayaran?
-Saka normal lang po ba na dalawang Agency yung kumakausap sakin, isa dito sa Pinas isa sa Singapore?

Thanks po!

Comments

  • @Meck22 dumaan ka ksi sa agency sa pinas syempre kikita sila syo. kung magaagency ka sa sg nalang atlis sila lang babayaran mo. pwedi mo kontakin yung agency mo sg kung pwedi kyo nalang mag-usap wala nman mgagawa yung agency sa pinas unless binigay mo passport mo sa knila.
  • Thanks sa reply @reyven, Parang malabo po yan, kasi last time po nag-email ako sa Singaporean Agency via email, sinagot nya ako via skype, sabi nya hindi raw nya ako pwede replyan dun dahil ayaw nya i-bypass yung agency dito sa Pinas. :(
  • @Meck22 in dat case nsa syo iyan if willing ka magbayad dalawang agency kaya mahal or yung ibabayad mo sa knila pwedi ka mna magpunta dito at mg-try malay mo dmo pala kelangan agency para mkahanap ng trabaho.
    pwedi ba malaman anong line of work inaapplyan mo?
  • @reyven Siguro nga po atras nalang ako, sobrang laki kasi.
    So normal lang pala talaga na mangyari na dalawang agency ang maghawak sayo.
    Landscape Architect po ako.
  • @Meck22 maybe pag walang direct contact mga agency s pinas s mga company dito dumadaan sila thru agency din kaya lalong lumalaki babayaran.

    maganda nman pala work mo pwedi ka mna mag try pumunta sg.
    pwedi krin apply thru online jobstreet/jobsdb at gawa krin profile mo sa linkedin

    sa experience ko ksi, nkita sa linkedin profile ko tas tinawagan ako sa pinas nung agency
    (note: wala ako binayaran sa knila, yung company ang nagbayad)
  • Wow, Thanks sa advice. Try ko paghandaan yung sinasabi mo, next year na siguro. Thank you so much!
  • sayang yung ibabayad mo.
    approve na ba visa? baka naman hindi pa approve ang visa.
    kung alam mo na ang employer, search ka na lang sa mga job portals dito nung posting ng employer na yun or agencies dito na nag-ssource for that employer tapos dun ka mag apply directly.
    tubong lugaw na naman ang mga laway lang ang puhunan.
    ubod ng laki, invest mo na lang yan sa stock market, baka maging 1M pa yan in a year or two. hahaha
  • Hello po @Meck22! In my experience since madami na ako natawagan/navisit na agencies dito sa PH, normal naman yung 2x worth of your monthly salary ang kinukuha as placement fee sa SG. Pero lahat ng nakausap ko, via salary deduction nila kinukuha yung fee.

    Kung medyo nabibigatan ka sa isang bagsakan na payment, madami naman ibang agencies dyan (though yung problema is very limited agencies yung may JO for non-FDW positions). If ako nasa situation mo, I'd rather use the money para dumalaw sa SG and try my chances there. Hintay and tiyaga lang, don't forget to try out other channels din like Monster, JobStreet, LinkedIn, etc. :smile:
  • @tambay7 Hindi pa po approve yung visa, tinanong ko minsan sa agency kung ano pangalan ng employer pero hindi sinabi. Anyway, nag-back-out na po ako dahil wala naman po ako mailalabas na ganun kalaking pera. Salamat po sa advice.

    @arvs0z Yun nga po, kung salary deduction yung gusto nila okay lang po sana sakin. Try ko po next year magtravel at job hunting sa SG. Thanks po sa tips.

    Buti nalang nagmember ako dito, very helpful yung site na to.
  • basta wag ka mag lalabas kahit sentimo hanggat wala kang IPA or approved visa, at walang job contract na naipapakita sayo, kasi kung wala kang IPA or visa o mas lalo wala kontrata, ibig sabihin walang employer. dahil kung inapply ka ng visa karapatan mo malaman kung sino ang employer mo bago ka i-apply ng visa, the fact na hindi nila maibigay, medyo nangangamoy scam yan.

    daming scammer ngayon, at daming nababaon sa utang makapaglabas lng ng placement fee tapos maloloko lang pala ng agency, due diligence tayo mga kababayan.
  • @ Meck22- pwede ko ba makuha e-mail add ng agency mo sa SG. Try ko lang mag apply direct from UAE. Balak ko kasi mag job hunt sa SG this month
    @reyven- pwede ba malaman kung anung company mo at anu pang possible companies na pwede ko i follow thru linked inn, baka sakali lang swertihin din.
    Salamat po sa reply nyo parehas.
  • Noted Sir @tambay7 , Thanks!

    @reyven pm ko po email add.
Sign In or Register to comment.