I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

What is your health medical Insurance here in SG?

edited May 2019 in Health
What is your health medical insurance in SG and how much per month?

Comments

  • covered na ng company ung basic like at least 15k sgd coverage pag naospital ka. pero sa company ko may extra pang benefits. but impt din na may sarili ka, kasi pag nagresign kna, dka na covered during those perood. and sometimes di sapat ang 15k.

    AIA ung personal ko. dpende yan sa coverage na kukunin mo, sa age, at kung smoker ka.
  • Age: 31 , Non-smoker.

    No medical or group insurance from company kasi ako kaya looking for one.
  • meron yan. required yun ng MOM bago maissue pass mo kung wp/spass ka. google mo insurance required by MOM for spass. pero maganda din may personal ka, di lang health pati life insurance. ung sakin nung 27y/o ako nagavail, 60+ sgd per month. AIA health shield, unlimited un. as charged kung ano bill sa hospital, un ung bbyaran ng insurance.
  • edited May 2019
    pm ko sayo ung contact number ng agent ko. maginquire ka dun, pinoy yun at mataas position sa AIA. importante din na pag kuha ka insurance, dpt stable ung agent mo. ung iba kasi makabenta lang, mahirap na hagilapin pag magclaim ka na. so hassle pag wala magassist sayo. ung iba naman na nagsstart pa lang, di mo alam kung later on, agent pa din sila, baka di na. so piliin mo din agent mo dpt.
  • Pag Epass po ba kahit walang medical benefits pede?
  • mas kailangan mo nga ng personal kung wala medical benefits sa company nyo.
  • Try ko reach out dun sa pm mo @maya salamat
  • @isorn4x , kagaya ng sabi ni maya parang required ng MOM na may provided ung company.. tanong mo din sa company nyo baka meron talaga.. kasama sa checklist ung medical coverage pag nag apply ng employment pass..

    ung sakin meron provided ung company, personal meron na ko sa pinas kaya di na ko kumuha pa
  • Ok waiting for my HR confirmation before they apply my epass
  • @maya baka pwede rin po pa PM nung agent nyo sa AIA. Thanks po!
  • AIA sa company natin. ang problema naka limit ng 16k per year and need mo muna bayaran tapos irereimburse nila sa AIA. Halos ata ng company ganon pag sa kanila galing insurance mo. Ang problema doon pag nireimburse ni AIA di mo makukuha GST na binayaran mo sa hospital so di 100% balik.

    Kaya recommended nga ang personal insurance. Yung akin naman bukod sa company, Inofferan ako ng insurance mismo ng CC provider ko, bukod sa Hospital payment, bayad yung per day mo habang nasa hospital ka 200 per day pag out mo sa hospital may 100 per day ka, covered din nya kahit sa labas ng SG.
  • Yung saken AIA din, hindi ko alam limit pero nung na ospital ako wala naman ako binayaran kahit magkano.

    Tanong ko nga sa HR namen anu ang mga kasama dyan, di ko alam may limit pala yan hehe
  • Inapply na yung Epass ko ng wala ako medical benefits sa job contract kaya need ko talaga kumuha kapag na approved.

    Anong AIA Policy yung meron kayo?
  • @isorn4x paiba2 mga policy every yr. pwedeng ung naavail namin noon ay di na available ngayon dhl may bago na sila. check mo with agent, sila makakapagadvise ng best for you.
  • edited May 2019
    @maya thanks i meet ko sa linggo yung financial advisor mo, nasa greece pa kasi siya ngayun at weekend pa balik
  • @isorn4x yup kuha kayo ng Insurance nga dito gandang move yan. Ako kung alam ko lang dito ako kumuha. My life insurance kasi ako at kinuha ko sa pilipinas kaso yung same amount ng binabayaran ko sa pilipinas vs dito na offer sakin same lang. Kinaganda pa dito ang assured amount is aabot 3.5m pesos while sa atin 1m ang assured amount ko pero same lang ng bayad monthly. Kaya kung wala kapa life insurance sa atin dito ka nalang din kumuha bukod sa hospital insurance.
  • @mcbmaya meron na ako life insurance at investment policy sa pinas ko nag start mahulugan. Sayang nga mas mataas tlga dito kasi $ hahaha
  • e pass wala yang inpatient coverage required by mom. depende sa company if meron sila medical benefits at health insurance. tapos dapat ka magkuha ng personal insurance para sa hospitalization mo. sa company ko meron amount na ma claim for health insurance premium if hindi cover sa 15k mom health insurance at separate ang medical benefits such as outpatient coverage.
  • I'm with Prudential :) maglalaho lahat ng taon na pinaghirapan mo dito sa SG, important and hospital insurance wag i risk ang sarili. nasa 600 plus pero may cpf kasi. but kahit 1k a year pa to. nabawi ko na kasi naka 2 hospital nako na worth 20k. bawing bawi na ang binayad ko na premium ng ilang taon.
  • true. yung kakilala ko naman kung kelan tinigil ung insurance, saka naospital. laki ng bill umabot ata ng more than 100k. kasi naoperahan. so ayun, ubos na savings, may utang pa. parang nagwowork nlng sya para mabayaran ung bill nya. hayst.

    tas ung isa ko naman kakilala saka na lang kumuha ng insurance after nya maospital.
  • @isorn4x kuha ka din hospital insurance.. not enough ang life insurance and investment. Anyway if you can stretch your savings kuha ka pa din ng life insurance dito bukod sa Pinas. Atleast mas malaki ang magiging retirement amount mo. Mabilis lang ang 10 years, ako di ko namalayan 6 years na ako sa SG hehe parang kelan lang.
  • sabi nga nila hindi ka lugi sa insurance, hindi mo man magamit, may ibang member na natulungan mo
  • @Samantha1 thanks sa info, atleast makampante ako may chance approved yun application ko hehe.
    if ma approved need ko kumuha ng personal medical insurance for hospitalization bago i release yung pass?
  • @mcbmaya naka plan na talaga ko kumuha after ma approved yung pass. kasi now, naka company group insurance lang ako dito sa SG. scout scout muna ano may magandang policy na fit sa needs ko..
  • thanks @Admin and @carpejem for sharing some thoughts - tama di dapat puro work work lang hehe dapat invest din sa sarili
  • @isorn4x mag browse ka , check on Insurance + Saving Plan... marami kang choices, pwede mo din ako i-PM for referral
  • @isorn4x kung gusto mo may kakilala ako refer ko sayo. under sya ng AIA. okay yung policy nila and dont worry hindi makulit yung agent ko. pag sinabi mo ayaw mo hindi ka kukulitin kumuha hehe ang ayaw ko kasi sa iba pag nag inquire ka pipilitin ka.
  • @mcbmaya share ko lang. nag apply ako ng job sa aia tapos after few days meron tumawag sa akin nag offer ng insurance. tinanong ko san mo nakuha number ko at pls remove me in the loop. hahaha
  • @Samantha1 hahaha oo nga eh di lang naman sa insurance pati sa mga CC dito. magtataka ka nalang bigla inoofferan ka kahit wala ka account sa kanila. feeling ko nagbibigayan sila ng mga details which is i think bawal yun.
  • AXA is actually quite good and cheap

    Anyone taking saving or investment plan also?
Sign In or Register to comment.