I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

Visit Pass Extension

edited June 2019 in SG Guide and Tips
Hi Pinoys & Pinays, newbie here. Hingi lang po sana ako ng advice. I’ve been working here in sg for 3yrs. Then nagresign to look for another job. Ngayon, malapit na kasi maexpire yung visit pass ko. July 7, 2019. E sabi ng employer na magha-hire sakin sa June 24 pa raw nya maaapply yung pass ko. Since di ako sure kung gano katagal bago lumabas yung result, balak ko sanang magpa-extend sa AySiEy online sa end ng June.
Nabasa ko kasi dapat at least may 3 working days pa ko pag magaapply ng extension.

Any advice po?
1. Mga gano po ba katagal lumabas ang result ng pass ngayon?
2. Kung mag-aapply po ako online sa AySiEy for extension ng visit pass, tinatanong po ba yung reason bakit ako mageextend?
3. Ano po ang advisable reason?
4. Just in case na di po ma-grant yung extension sa online, pag nagdala po ako ng PiAr, kailangan po ba kamag-anak?
5. Any idea po sa mga tinatanong ng AySiEy pag pumunta kami doon?
6. Any other advice pa po?

Pasensya na po kung masyadong mahaba.

Salamat po.

Comments

  • @TheKnight Ngayon, malapit na kasi maexpire yung visit pass ko
    - kung ang visit pass mo ngayon ay yung 30 days na after ng cancellation ng pass mo, hindi ka eligible sa online extension

    Mga gano po ba katagal lumabas ang result ng pass ngayon?
    - wala pong assurance yan; pwedeng 2 days pwede ding weeks bago lumabas

    kung normal online extension, meaning kakadating mo lang ng SG at patapos na yung 30days visit pass mo upon entry, pwede kang mag-apply online
    - kung hindi ma-approve, pwede kang magsama ng PiAr o local sa AySiEy para mag-apply ng manual extension; hindi kailangan na kamag-anak

    normal na tanong, bakit ka mag-extend?

    ulitin ko ulit yung nasa taas, kung ang pa-expire na visit pass mo ay yung 30 days na after ng cancellation ng pass, hindi ka eligible sa extension
  • @kabo Ganun po ba. Salamat po. Very informative. Tama po yung visit pass ko is after ng cancellation ng pass ko. So kailangan ko palang paghandaan yung isasagot ko sa tanong kung bakit ako mageextend pag nagdala ako ng PiAr. Hindi po ba pwede yung reason na dahil hinihintay ko yung result ng pass ko? As much as possible po kasi ayoko mag exit. Pero kung no choice talaga saan po ang advisable na country for exit?
    Salamat po ng marami.
  • @TheKnight on your Q, Hindi po ba pwede yung reason na dahil hinihintay ko yung result ng pass ko? HINDI once meron kang cancellation, you need to exit. they don't care kung may hinihintay kang pass. (not mentioning is better), try other reason like fixing your personal things (house or on-contract) before you leave SG.
  • @carpejem Noted po dito Sir. Most probably kausapin ko na lang siguro yung kakilala kong pinoy na PiAr at ang reason to stay ko na lang is yung sinisettle ko yung sa nirerent naming room kasi nasa contract doon is 2yrs ako magsstay pero wala pa kong 1yr dun. Kung di pa rin uubra mageexit na lang ako.
    Salamat Sir.
  • Ingat sa pagbalik pag hindi ka sa Pinas nanggaling. May tsansa ka pong ma-denied entry

    Suggestion lang po. Kung ako sayo, uwi ka muna ng Pinas
  • @kabo salamat sa tip Sir. Additional question lang po regarding sa sponsor para sa AySiEy. Pwede bang yung employer ang magsponsor o magrequest sa AySiEy for extension ng visit pass ng magiging employee?
  • @TheKnight exit lang option mo. ung pgpunta sa ICA ay para sa mga nagonline extend at nadeny. pag after pass cancellation ang 30days svp dka pede magextend.
  • @TheKnight kung mag- exit ka man (not Pinas), make sure meron ka ng IPA better for you.
  • edited June 2019
    @maya Ah oo nga nu. Tama po. Sige salamat po sa tip. Exit na lang talaga at maghintay ako ng result sa labas ng sg? Yan ay kung iaapply talaga ng employer yung pass ko before maexpire ang visit pass ko. Pero kung wala talaga si Pinas muna ako. Btw, hindi na po ba advisable ang JB para magexit?
  • @TheKnight iba po kasi yung sa case mo, galing ka ng cancellation ng pass kaya ang safe option mo ay Pinas. baka pag sa iba ka lumabas ay maharang ka pa, mas malaking problema yun para sayo

    or exit ka sa iba like Thai, pero dapat may tiket ka pauwi ng Pinas galing sa kung saan ka pupuntang bansa
  • Just an update lang po. Naapply na pala yung pass ko nung 24 June. Pending pa rin sya til now. Balak kong isagad sa last day ko sa 7 June ako maghihintay ng result. Pag wala pa rin tsaka na ako mag eexit sa vietnam. Pinagiisipan ko yung next step ko.
  • tama lang. wait mo until last day bago ka magdecide if exit
  • edited July 2019
    @TheKnight Don't forget na umuwi ng Pinas.. madedetect sa passport mo pagbalik dito na di ka umuwi ng Pinas... ganyan nangyari sa isang kumpare ko... BUT if meron ka ng IPA pagbalik dito, kahit galing ka pang vietnam, no need na bumalik pa ng pinas. Lastly yung sa pass ko naman last year, bale 9 working days after ma approve. Til date, yours is already 10 working days. Sana approved ka. All the best!
Sign In or Register to comment.