I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

return tix and extension

hello po everyone...Punta po kami SG by August,hahanap pa po kami ng work ng husband ko...Tanong ko lang po sa mga experts dito kung anu po tamang gawin namin regarding sa return tix?...tama po ba na atleast 2 weeks po ang return tix namin?kasi may nakapag sabi po sa husband ko which is friend niya na nag work na po sa SG ng 10 yrs.Dapat daw sakto 1 month iyong return tix namin kasi daw magkaka problema daw po kami pag humingi kami ng extension.kasi ma tetrace daw iyong sa finill-out namin dun sa immigration??? at dapat daw ipa rebook na namin iyong tix namin habang nandito pa kami sa pinas kasi baka mahirapan daw po kami ipa rebook pag anjan na po kami sa SG (airline is air asia) advice naman po ng cousin ko sakto lang naman daw po iyong 2 weeks para iwas maraming question sa immi and madali lang naman magpa rebook thru online.

totoo po bang maka affect iyong 2 weeks lang nilagay namin tapos pag mag apply po kami ng extension hindi ma grant? or mat.trace po ba iyon? Anu po ba dapat gawin? salamat po sa magbibigay ng insights.

Comments

  • @Dyl hindi po ako expert. pero normally, dapat around 7 days or not too long ang return tix. kasi ang tanong dyan? bakit 30 days ang ticket mo? do you think kailangan ng 30 days para makapag-ikot kayo sa SG? ano-ano ba ang gagawin nyo?

    kung ako po, ok na yang 2 weeks or around 7 to 10 days.

    re sa rebooking ng ticket, normally pag budget airline, kumukuha na lang ng bagong ticket kasi same or mas mahal pa pag nagpa-rebook ka

    totoo po bang maka affect iyong 2 weeks lang nilagay namin tapos pag mag apply po kami ng extension hindi ma grant? - wala namang data to support and base sa experience ko at ng mga kakilala ko, hindi naman nakakaapekto. halimbawa, yung mother ng kaibigan namin nasa 20 days ang return tix nya, pero nag-apply ng extension at ok naman ang result
  • @kabo i see. po.thank you po sa reply.appreciate it po.
  • @Dyl

    much better if 7 or less than 2 weeks ang return ticket nyo. Maliit lang ang SG hindi nyo need ng 1 month para lang malibot SG. Kung sasabihin nyo sa IO sa atin na papasyal lang kayo dito 1 month is sobrang tagal. Ma oopen lang kayo sa mga possible questions.

    Hindi din totoo mahihirapan kayo mag pa rebook pag nasa SG kayo. wala kinalaman SG sa pagpaparebook ng ticket nyo. But take note pag budget airline like air asia at walang rebooking option yung ticket, rebooking cost is almost same pag bumili kayo ng normal ticket. probably 5-15% na mababa lang.

    online extension is hindi mo alam basis talaga nila so regardless kung mahaba araw ng return ticket nyo hindi talaga basis yun para ma approve.
  • salamat po sa reply @mcbmaya ....we'll take note of this po. Will it be wise po to extend or exit lang po kami sa neighboring country? Your thoughts po?
  • @Dyl pag pupunta kayo dito much better kung may interview na naghihintay sa inyo para mamaximize nyo pag stay dito. Kaya advisable talaga na may SG sim kana na gamit sa Pinas.

    Pag nag exit kayo minimum atleast 5 days wala kayo sa SG and dapat may return ticket kayo pag pumasok kayo ulit sa SG.

    You can try online extension pero gaya ng sabi ko di natin alam ano criteria nila para ma approve.
    Kung mag eexit naman kayo wag nyo sagarin na almost 1 month na nag stay kayo sa SG tapos saka palang kayo mag eexit. Baka mahirapan kayo pumasok ulit kung after 5 days babalik kayo.
  • @Dyl I also agree dahil 30 days sobrang tagal unless may kilala keo s Immigration walang problema. Mahirap paliwanag s IO natin ung 30 days dito s SG at hindi nman din 100% sure n 30 days ang itatatak s passport pagdating dito. Bago lng din po ako dito s SG, started working here last January 2019. Try nyo muna po mag apply for extension kung sakali kapag denied prepare for Plan B, exit po keo s ibang bansa. Goodluck po and Godbless. Hope for the best and expect the worst.

    Share ko lng din po, last May my wife and 2 daughters "7 and 8 yrs old" had their vacation here for 30 days. Kahit po n OFW n ko, marami p dn po tanong s knila ng IO s pinas, although ung wife ko never felt any pressure dahil documented nman ako. pagdating dito s SG marami din tanong ung IO dito, kinuha p ung printed copy ng pass ko. hehehe. eventually nakapasok din sila.

    Base po dyan s experience ng wife ko, it proves n mas mahihirapan po kayo makalabas or makapasok kng 1 month ang trip nyo dito. Madali lng po mag rebook ng flight basta may budget. hehehe
  • cge po. @mcbmaya salamat na marami po. we'll take note of this po.
  • @Dyl goodluck! kelan po pla trip nyo? Aug n next week. hehe! update nyo po kmi.
  • May dummy ticket naman if in case wala pa kayo balak talaga bumalik sa pinas. Sakin, galing ako dubai
  • @kris_o @all wag na wag gagamit ng dummy ticket. mali po ito at pag nahuli kayo, matutulad kayo sa ibang hindi na makabalik dito o natagalan bago nakabalik dito. hanapin nyo sa mga discussion dito. meron ng mga ganyan ang kaso
  • Nako, wag na wag ka mag dudummy ticket....
  • marami naman affordable lcc tix wag lang mag dummy
  • @zhypher33 next week na po kami pupunta ng SG,cge po feedback po ako.
    @kris_o kakatakot naman po nang ganun.
    @kabo @jirbin @carpejem undestand ko po concern niyo.salamat sa paalala. di bale nalang po gagastos huwag lang magka bad record.it will no good naman po.
  • @Dyl yap, ganun talaga. kasama sa gastos at kailangang paghandaan yun. Good luck sa pakikipagsapalaran
  • hanapin ko nga ung usapan about dummy ticket. Actually hindi ko tlga alam kng ano ang dummy ticket.
  • May mga package or option naman ang airlines pag bibili ng ticket mag add lang ng 30+ sgd para sa rebooking ng ticket. mas tipid yun compare sa walang rebooking option.
  • @zhypher33 dummy, meaning pekeng ticket. kaya ibig sabihin mali
  • @kabo may pekeng ticket pla. pano un? hahaha! Kasi ang intindi ko s dummy ticket is magbook k ng ticket n wala k nman intensyon gamitin para lng may mapakita s IO dito. or General term ung Dummy ticket s mga taong hindi nman tlga ggmtin ung ticket at irerebook din pagtagal.
  • @zhypher33 wag mo na alamin pano yun, hehehe. baka mapahamak ka lang
  • @zhypher33 Basically ang dummy ticket ay edited and false ticket for showing lang sa IO. Kung matyempuhan ka ng IO na metikyuloso at icheck yung ticket mo online, yari ka... diretso ka sa office =)
  • @jirbin Pwede pla peke ang ticket? Hahaha! May nabasa ko n binabago s pdf file. Grabe ah. Sapalaran tlga.
  • @zhypher Ang point ay hindi nga pwede hahaha. kung baga do it at your own risk =)
  • @zhypher @all sa tama na lumagay. tandaan na nasa huli lagi ang pagsisisi... hehehe
  • @jirbin @kabo tama mahirap n at wala tyo sa sarili nating bansa, bilib din ako s mga taong nakakagawa ng ganon. Sobrang lakas ng loob. either hindi nila alam ang consequence or lakasan lng tlga ng loob.
Sign In or Register to comment.