I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

I am being harassed by landlord

Kamusta po. Higit na tatlong buwan na po akong nakakareceive ng rude treatment sa tinutuluyan ko. 6 months po yung contract pero pang-apat na buwan ko pa lang po.

1. Basta-basta papasok sa kwarto ko (di na nangyayari ngayon Kasi nakalock na po parati door ko)
2. Accusing me na more than 12 hours yung gamit KO sa aircon kahit di na nga po umaabot ng 10 hours madalas.
3. Demanding 50 dollars pa dahil sa no. 2
4. Snapping at me (always)
5. Sinaraduhan ako ng gate nung papasok na ko (nilock as in right at my face)
6. Hinawi sa isang side ng sampayan mga damit ko (basa pa po iba)
7. Tinanggal lahat ng damit ko sa sampayan at nilugmok sa isang upuan katapat ng kwarto ko (same day din ng no. 5 pag-uwi ko po galing work)
8. Snapping at me again (cause I put my coke sa ibabaw ng washing machine para mabuksan yung pinto ng room ko). Cause I might 'break the glass' daw
9. Tinanggal mga shampoo at conditioner ko at nilagay sa lapag sa banyo
10. Sinara ilaw ng shower room habang naliligo ako at sinabing magbayad ako ng 25 dollars Kung gusto Kong maligo more than once a day (nagshift Lang po ako ng ligo from morning to evening).
11. Once na nagwashing ako, Di ko po Sana iddry Kasi bago yung mga silk na damit ko, pero iniba nya por setting. Nagshrink po yung undies ko :((

I tried to communicate and explain pero yung wife rude pa rin po. Gusto ko na sanang umalis pero ayaw syempreng ibigay nung husband yung deposit ko. Recently, nalaman Kong Di ako legally na nakalist as a tenant po dito. Di po nila alam na alam ko. Anyone po who can help me. I am mentally being traumatised by what's happening to me. Please. Anyone.

P.S. I am living with Indian family po

Comments

  • edited August 2019
    @Ber magpaalam ka na na hindi ka na magre-renew at subukan kung makukuha mo yung deposit mo.

    may ahente ka ba? kung meron, sya ang kausapin mo

    mga pwedeng gawin:
    1) tapusin ang kontrata kung kaya mo pa.
    2) umalis na at hindi na kunin ang deposit.
    3) o makipagmatigasan at lumaban. sabihin na isusumbong mo sila dahil sa nalaman mong hindi pala ligal ang pagrenta mo. tandaan lang na medyo magulo ito at isipin kung worth it ba? at maaaring ang maging resulta ay hindi pabor sayo

    kung ako, aalis na lang ako at charge to experience yung deposit na maiiwan. kesa naman ma-stress ka o may magawa ka pang mali.

    pwede ring subukan mo na arapin silang dalawa. tyempuhan mo na nasa labas sila ng kwarto nila tapos bigla mo silang kausapin na nandun sila pareho

    at ilathala o i-pm samin kung saang tahanan yan para wala ng mabiktima

    sa itemized items mo naman...
    1. Basta-basta papasok sa kwarto ko (di na nangyayari ngayon Kasi nakalock na po parati door ko)
    - kuhanan mo ng video o maglagay ka ng webcam para may katibayan ka
    2. Accusing me na more than 12 hours yung gamit KO sa aircon kahit di na nga po umaabot ng 10 hours madalas.
    - kung wala namang nakalagay sa kontrata na limit at wala din sa pinag-usapan nyo, gawin mo lang
    3. Demanding 50 dollars pa dahil sa no. 2
    - wag magbigay kung wala sa kontrata o kasunduan
    4. Snapping at me (always)
    - pa-sikreto mong i-record ang audio
    5. Sinaraduhan ako ng gate nung papasok na ko (nilock as in right at my face)
    6. Hinawi sa isang side ng sampayan mga damit ko (basa pa po iba)
    - sa kwarto ka na lang mag-sampay
    7. Tinanggal lahat ng damit ko sa sampayan at nilugmok sa isang upuan katapat ng kwarto ko (same day din ng no. 5 pag-uwi ko po galing work)
    8. Snapping at me again (cause I put my coke sa ibabaw ng washing machine para mabuksan yung pinto ng room ko). Cause I might 'break the glass' daw
    - dito ay ikaw ang may kaunting pagkakamali
    9. Tinanggal mga shampoo at conditioner ko at nilagay sa lapag sa banyo
    - gawin mo din sa kanila (joke pero pwede din) at ilagay mo sa kwarto lahat ng gamit mo para sigurado ka na maayos
    10. Sinara ilaw ng shower room habang naliligo ako at sinabing magbayad ako ng 25 dollars Kung gusto Kong maligo more than once a day (nagshift Lang po ako ng ligo from morning to evening).
    - maligo ng maligo pag wala sila.... at magdala ng led light tuwing maliligo
    11. Once na nagwashing ako, Di ko po Sana iddry Kasi bago yung mga silk na damit ko, pero iniba nya por setting. Nagshrink po yung undies ko :((
    - bantayan pag naglalaba. at pwede mo ding handwash ang undies mo para sigurado
  • grabe ung bawal maligo ng more than once. ang init sa sg. xempre before pumasok maligo, at paguwi din magshower dba? kaloka. kaya may anghit ung ibang mga ganyan eh. haha paalam kna, 2mos nlng. konting tiis if dmo kaya igive up deposit.
  • @maya sabi ng kasamahan ko dati na parehong lahi, malamig daw kasi... sabi namin, eh kaya naman pala...kahit hindi ka pa kumain, magkakaamoy ka pa rin kasi hindi ka laging naliligo. and palusot nya kasi kaya sya may amoy ay dahil sa kinakain
  • Big NO NO tlga na makitira with ibang lahi, kahit mura ung offer sayo.

    Kung kaya mo pag mag tiis ng ilang bwan, tiisin mo, lagay ka ng IP cam may mga mura sa Lazada ($20) lang. In case, pumasok sa kwarto mo ng walang paalam, sampalin ka etc. Pde mo ireport sa police yan harrasment.

    Ang problema mo ung dka legal na tenant sa bahay, pag nag report ka, ksama ka din sa magkakaproblema.

    Kung kaya mo naman lumayas, layasan mo na. Pero make sure, all clear, baka kc baligtarin ka nyan pag bigla ka lumayas, mag police report na may nawawala sa gamit nila. So mag ingat mabute.
  • Marami Pong salamat. Gusto ko Pong linawin na mabait por yung wife sa akin nung unang dalawang linggo ko. Pinagluluto pa po ako at sinabing tuturuan akong magluto etc. Hindi ko pa rin po sigurado Kung bakit biglang nagbago ugali sa akin nung wife.

    @yojna18 nagbigay po ako sa kanila ng lahat ng documents ko po para i-apply nila ako sa HDB nilang tenant. Pano po ako masasama sa problema Kung Hindi nila sinabing Di nila ako in-apply? 2 bedroom Lang po ang bahay nila + small room. Dun po ako sa small room Lang. Pero 6 kami sa bahay. Naisip ko na sinadya akong di i-apply sa HDB Kasi may isang tenant dun sa isang bedroom? Maraming salamat po.
  • @kabo sa Telok Blangah Heights po yung house. Yung dating tenant daw po ay Pinoy din tas tinanong ko Kung Bat wala na sya sa bahay. Change of work address daw po. Gusto ko po sanang kunin contact details nung dating tenant pero baka masamain nung husband Yun Kaya Di ko pa po natatry.

    Gusto ko na po talagang umalis kapag nag-escalate pa ang mga bagay-bagay sa bahay. Tuwing umaga rin po gigising yung wife ng 6AM at Kung anu ano gagawing maingay. One time, ang lakas po ng radyo at parang nakatapat sa room ko. Bibili na po ako ng CCTV dahil Baka po Kung ano mangyari sakin at wala po akong witness :((((
  • @Ber kung 2 bedroom at 6 kayo sa bahay, hindi ka talaga nila maipapalista kasi sobra na kayo sa bilang ng tao para sa uri ng bahay nyo. kung talagang magulo na, mabuti pang magpaalam at umalis. ang deposit, charge to experience na lang kesa may mas hindi pa magandang mangyari
  • @kabo so iligal ako at wala akong magagawa dahil mapapahamak pa rin ako kahit ireport ko sila? Kasi po Kung Hindi ko chineck online yung name ko, Di ko po malalaman. Lumabas na nalinlang din ako. Ako po unang tenant pero Hindi nila ako in-apply Kasi sa small room Lang ako?? Can't I really do something about this?

    Nag-usap po kami ng harapan at sinabi Kong Hindi ako magrerenew na. Okay po yung husband pero irritated talaga sa akin yung wife.
  • @Ber hindi ko alam re kung may problem/fault ka din pag nag-report ka.

    lumalabas na nalinlang ka? - ganun na nga

    since ok na pala na aalis ka pagkatapos, siguraduhin mo na lang na makukuha mo ang deposito mo at walang magiging isyu ang pag-alis mo para sa katahimikan mo na rin

    sa kung magre-report ka o hindi? kung ako, hindi na ako magre-report kung magiging maayos naman ang pag-alis mo at makukuha mo ang deposito mo.

    ingat na lang sa paghanap ng lilipatan
  • yung Deposit ba nakapagpigil sayo?or iba pa?
    hindi mababayaran ng pera ng stress na dulot nito.
    kung ako yan. iiwanan ko nalang (kung may ibalik or wala) basta makawala.
    sigurado naman mayroon, at mayroon ka ring masusumpungan na comfortable sayo.
  • @Ber haha d ko tinapos yung comment mo alam ko na indian na ang landlord mo. mas malala sila as landlord. kaya guys iwasan nyo mga indian landlord
  • @Ber kung ayaw mo ng sakit ng ulo, humanap ka na lang ng ibang mauupahan mo. Di ka pala registered sa hdb dyan, mahirap yan pag natsambahan ka ng random checking. Hanap ka na lng ng iba para may peace of mind ka kesa ganyan uuwian mo. Pagod ka na sa work, stressful pa uuwian mo.
  • Hello po sa lahat! Pinapalayas ako ng wife ASAP. Nagagalit po sya dahil kapag weekends daw dapat umaalis ako ng 2-3 hours. Panibagong rule na naman nya. Hinihingian ako ng bayad per day na Hindi raw ako lalabas ng weekend.

    Sabi naman ng husband, if end ng week ako ng August umalis (I paid full month for August of course), half lang daw ng deposit ibibigay sakin. Hindi po Ito ang nasa contract.

    Pwede po bang may tumulong sakin dito? Female po ako :'( Natatakot na po ako.

    P.S. Naghahanap na po ako ng malilipatan. Pero natatakot po ako Kasi Baka ilabas na Lang mga gamit KO once na lumabas ako.

    @iamannedoi @Samantha1 @carpejem @kabo @maya @yojna18
  • di ka ba sumasagot or lumalaban? baka kaya ka inaapi. takutan lang yan, ewan ha pero wala kasi ako sa position mo at dko alam buong kwento kaya ko nasasabi to. pero kung ako lang, di ako papayag na ginaganyan kung nasa tama ako, punta ako pulis maglog ng report na harrassment, sumbong ko ung basta pumapasok sa room. kesa unahan kpa nila.
  • or easy way out, layasan mo, pero goodbye deposit.
  • @Ber pwedeng umalis na lang at paalam na sa deposit

    pero kung ganyan kalala, agree ako kay @maya na reort ko na rin sa pulis para kung may mangyari man o kung may gawin man sila, may katibayan ka

    nung pinapalayas ka, dapat record mo ung mga sinasabi sayo at may video ka na ba na pumapasok sa kwarto mo ng walang paalam?

    ingat
  • @maya kahit ilang beses na pong subukan nung wife na singilin ako ng Kung anu ano, never akong nagbigay Kasi ang Sabi ko ay hindi iyon pwede at wala sa kontrata. Matigas po ako sa lahat lalo't ang daming rules na sa akin lang ina-apply at Hindi sa ISA pang tenant. Kanina Lang na umalis ako, sinabihan akong bawal akong umalis kasama ISA pang tenant. Umalis daw akong mag-isa.

    @kabo ginawa ko po, kahit takot na takot ako kagabi nung kinatok ako nung wife at galit na galit na umalis na raw ako. Nanduduro pa. Yung Mata nya nanlilisik parati sakin. Pero alam ko Pong nasa tama ako kaya sinagot ko.

    Ang gusto ko po ay mediation dahil ayoko po ng pumunta pa sa pulis. Dahil sa obserbasyon ko, parang Hindi talaga normal yung babae. May Mali po e. Hanggang ngayon, iniintindi ko po sya...
  • @Ber mediation? sino? lapit ka sa community leader, yung parang kapitan. pwede mo sigurong subukan. punta ka sa community center office at magtanong
  • @Ber ano ang pumipigil sayo na layasan na sila? Kung takot na takot ka na? Wag mna isipin un deposit kung ganyan din ginagawa nila sayo. Palala ng palala ang sitwasyon. Double time na gwin mong paghahanap ng mlilipatan. Sana maging okay na ang sitwasyon mo kabayan.
  • lalayas ka man, baka ipapolice ka pa (keso may nawala), unahan mo nalang sila, ipa report mo nalang sila at aalis nalang.
  • @Ber Ma'am with all do respect, whats holding you back? Is it the money? If yes, is it worthy all things considered? If its fear, go to the Police station, tell them everything. Most importantly charge it to experience. Godbless po at sana makaalis kayo dyan.
  • @Ber tama si @zhypher33 - just simple go to Police and i complain nyo di naman bayas mga Police dito. Kung alam mo tama ka sa side mo hindi ka dapat matakot. Go to the police station na. Besides may survey ang agency ng govt dito nakalimutan ko sinong agency yun. Feedback regarding sa owner or sa house.
  • hindi kaya napansin ng misis na type ka ni mister kaya biglang nagbago ihip ng hangin at biglang nag iba ugali ni misis? alam mo teh, ako, kuripot ako, makunat. pero pag dating sa ganyang stress, okna sakin mapagastos basta may peace of mind. yun lang. alis ka na dyan. wala ng reason na magstay kp jan unless may kakaiba kang motibo.
  • @Ber Ma'am.
    Ang gusto ko po ay mediation dahil ayoko po ng pumunta pa sa pulis. Dahil sa obserbasyon ko, parang Hindi talaga normal yung babae. May Mali po e. Hanggang ngayon, iniintindi ko po sya...

    -Regarding po dyan s statement nyo.
    1. Bakit ayaw nyo po pumunta sa Pulis, dahil po b hindi keo ksma s list ng tenant?
    2. Kayo po mismo nagsabi hindi normal ung babae, bakit kailangan nyo po intindihin?

    Ano po ung pinaka nag hohold sa inyo dyan s room n yan?
Sign In or Register to comment.