I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

ATM QUESTION

Hi! Pag po ba nag bbukas ka ng account sa sg sagot ng company or need ng deposit ganun? Kasi po dba sa pinas sagot ng company mo pag bbukas ng atm card, ganun din po ba sa sg o iba po?
Para po mapagahandaan ko. Thank you po!

Comments

  • @kpatriceb sagot mo po. not sure kung $500 pa din ang initial opening amount sa posb. pwede mo din ma-wdraw after 1 day. sa mga bagong nagbukas ng account, pareho pa din po ba?

    one way is hiram ka ng pera sa friend mo, open an account, tapos withdraw the money and return to your friend the next day
  • may mga companies na sasabihin kung anung bank ka pwede mag-open pang Salary, libre yun
  • @kpatriceb si DBS pag first time mag open ng account and if okay lang sau mag wait ng 5 days para i release ang card (parang gagawin kasi sya as online application), wala lang initial deposit.
  • @kpatriceb POSB po ako. kakastart ko lng s SG this Jan. Online application po no need for initial deposit and no need for a specific maitaining balance. nasubukan ko n din po n 2 sgd n ng natira wala nman po naging problema. hehehe! 5 working days contact k nila either email ata or sms. or after 5 days punta k s POSB branch. Ako po kasi d n ko nakapag hintay nag punta n ko s POSB branch.
  • @all mas ok na pala ngayon, at least kahit bago ka wala ka ng worry at makakapagbukas na agad ng account

    sorry, hindi updated... matagal na kasing hindi nagbubukas ng account
  • Pag POSB or DBS through online nalang ang pag oopen di na pede walkin sasabihan ka din nila na mag apply through online. Though mas mabilis dati kasi walk in tapos paglabas mo may card kana. Ngayon you need to wait for approval max 5 days bago mo makuha card. No initial deposit required. Sa OCBC alam ko 2k ang initial deposit required pag mag open.
  • @mcbmaya mismo! same tyo. OCBC 2k initial deposit tpos hindi mo pwede galawin then i learned ung POSB online application nung nagtanong ako s branch nila, nagtry din ako s Maybank kaso ang tagal ng wait time don s branch for inquiry kaya umalis n ko. Ok din tong POSB matic 2 agad ung account n bubuksan para seo.
  • @zhypher33 yup, ok POSB/DBS lalo na sa remittance. Hindi na ako pumupunta sa remittance center since inimplement nila overseas transfer nila. Ang bilis lang pagka transfer pasok kagad sa BDO account wala man 2 mins ata hehe. Ganda din CC nila.
  • @mcbmaya pero mababa po kasi ang palit. Ako po kasi s LP nag reremit, medyo malaki kasi difference aabot din ng libo kapag na convert na. Pero syempre kng convenience ang habol nyo, sobrang seamless ng remittance.
  • edited August 2019
    @kpatriceb you may also try Standard Chartered (Super Salary account)...eto official payroll account nila.. no initial deposit required...no maintaining balance... Makukuha mo atm card the very same day (within an hour or two), may cashback feature (certain %) and most of all advance ng 1 day na papasok sa account mo ang salary mo... Yan eh in case di ka pa nakakapag open ng account sa POSB or any other banks.
  • @Gwapito_Ron san po kaya meron nyan? Plan ko kasi mag inquire sa posb / dbs kasi yun lagi kp nakkita dito
  • edited August 2019
    @kpatriceb mag posb ka 1k maintening balance (hindi ka madeduct ng 2$ per month) pwede naman below 1k balance kaso meron deduction. for new account, not sure last time way back 2012 500 diniposit ko. sa posb din ako nag papadala ng pera sa family ko. kaso yung rate not as good as lucky plaza.
  • Nay BDO po sa lucky plaza pwede ba dun mag padala sa pinas? Mas mahal po ba pag dun?
  • @kpatriceb Ma'am madami po options s Lucky Plaza. My family also have BDO sa pinas. Pili n lng po kayo don ng pinakamataas ang palit, ang gamit ko po ngyon 4 or 5$ ata charge. 1 to 2 hours nasa account n nmin s pinas.
  • @kpatriceb open ka ng normal account sa posb nasa $500 maintaining balance long time back. d ko alam kung same pa rin. tapos once may employer ka na, usually aask nila bank mo . automatic na un magiging salary credit na bank type yan alam ko. then mawawala na ung maintaining balance. but better confirm with the bank pag naswelduhan ka ng ng 1st time. sakin kasi alam ni POSB na salary credit ang bank account ko na so wala ng maintaining balance.
  • @zhypher33 same lang po halos.

    Currently 20 cents difference sila. 37.40 sa iremit and 37.20 sa POSB

    kung papadala ng 1k sgd 200 pesos difference pero ang catch sa iremit my 4sgd payment kung ibabawas sa 1k sgd same lang din 37,200+ pesos hehe.

    Pero kinaganda lang sa LP makakapag jollibee pag andon na hehe
  • @mcbmaya yung dbs acct nyo po nag ooline transfer kyo s BDO?
  • @mcbmaya Yep correct, naghihintay aq n tumaas ng konti, sayang din eh. haha!
  • @kpatriceb

    Yes maam, sa BDO pagka submit ng request sa DBS/POSB pasok kagad sa BDO acount until 4pm ka pede mag remit pag lumagpas na next day 8am na papasok.

    Sa BPI/ChinaBank/UCPB pag morning ka nag send before lunch mga less than 1 hour, pag after lunch next day na papasok.
  • @mcbmaya sige po salamat po sa tulong nyo!:)
  • @kpatriceb ako din i suggest DBS/POSB. Yan din ginamit ko, zero maintaining balance, online application, at very convenient remittance. Kumuha ako Feb 2018. Ganun, pumunta ako sa branch tapos sabi online daw ako mag-apply. Pag dun daw ako sa bank nag-apply, ang ibibigay na account sakin ay un may maintaning balance.

    Kailangan mo lang ng sulat galing sa employer mo na magpapatunay na hired ka, tapos ia-upload mo 'yun online. walang service charge tuwing magpapadala, kaya kahit mga pa-500 500 pesos lang pambayad sa inutusan/inutangan/pinakiusapan gumawa ng bagay, bagay, pwede. offer lang yata nila ito sa mag-oopen ng first bank account nila sa sg.
  • Hi po sainyo! Nag apply ako sa DBS online nagpasa na ko ic, contract and hdb kaso nanghihingi padin ng local mobile phone bill, ganun din po ba sainyo?
  • @kpatriceb they need proof of billing address, kung wala, pwede rin PUB billing,
  • @carpejem baka di nakapangalan sknya pag PUB.

    @kpatriceb ung address sa IPA mo, pwede naun.
  • Nag bigay na po ako hdb eh, Ngtanong ako sa posb kanina kailangan ko lang daw humingi certificate sa singtel
  • @kpatriceb oo hiningian ako ng ganyan. ang isinubmit ko ay yung Starhub bill ng landlady ko.. humingi ako sa kanya. Kahit sino dyan sa kasama mo sa bahay, hingi ka. Di ko maalala kung hiningan ako ng sulat ng DBS, may nakatabi kasi sa akin na sulat galing sa landlady ko pero hindi ko maalala kung nirequire ng DBS.
Sign In or Register to comment.