I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.
Pi-Ar Application: Conflict with Parent's Citizenship
Gandang araw sa inyong lahat!
Mayron ako'ng medyo komplikadong tanong, sana ma-advise-an nyo ko. Mag-aapply na ako sa susunod na buwan, hinihintay ko lang ung sulat galing sa employer ko ngayon, pero may isa akong kinakatakot fill-outan, ung "mapping" ng family. Hindi ko pa kasi sya nakikita at hindi ko alam kung ano'ng hinihingi dito.
Isyu: Ang mother ko ay half chinese. Pure chinese ang father nya, pure filipino ang mother nya. Born, raised, married, lived forever sa pinas, never set foot sa labas sa pinas. Sa birth certificate nya, chinese ang citizenship nya. Pero hindi sya registered sa China kasi nu'ng time na 'yon, ang katanggap-tanggap lamang maging anak ay lalaki. Lumaki sya sa hirap - samakatuwid ay hindi rin sya registered as Filipino Citizen, hindi rin nagbayad noon (hanggang ngayon) ng alien tax (di ko na alam kung magagawa pa ba to ngayon at kung pano ba to aayusin). Tuwing kailangan ng citizenship sa any form na fini-fill outan nya, Filipino ang inilalagay niya. Hindi naman naging issue dahil ang SSS at TIN nya ay makalumang panahon pa filed, hindi pa computerized kaya nakalusot pa...
Mga tanong:
1) Tinatanong ba sa PR application ang citizenship ng magulang?
2) Kelangan ba i-upload as supporting documents ang birth cert nila? Don lang naman kasi makikita ng Chinese ang citizenship nya. Wala naman sa list of required documents 'yon eh.
3) Anong mai-aadvise nyo kapag magfifill out na ko ng family mapping?
Thanks in advance.. sana may makatulong sakin.

Comments
But this was in 2007 ha. I dont know if may mga nabago na namang requirements. maybe the new appicants and the newly approved PR can share some info.
birth certificate nya ay from from China tama ba? kung hindi sya registered it means hindi original or authenticated ang birth certificate nya?
Mga tanong:
1) Tinatanong ba sa PR application ang citizenship ng magulang?
- sa pagkakatanda ko ay oo; name, age, bday, citizenship, civil status, work...
2) Kelangan ba i-upload as supporting documents ang birth cert nila? Don lang naman kasi makikita ng Chinese ang citizenship nya. Wala naman sa list of required documents 'yon eh.
- hindi ako hiningan dati; pero may mga kilala akong hiningan ng RESUME ng buong family as additional requirements; this is after submission (pinadalan sya ng letter asking him to submit)
3) Anong mai-aadvise nyo kapag magfifill out na ko ng family mapping?
- since chinese sya sa birth certificate, chinese ang ilagay mo
pero will still advise you to go to AySiEy para mas maturuan ka ng tamang gagawin.
* nung nag-apply ako para sa mga anak ko, hindi naman kasama sa documents to be uploaded yung birth certificate ko (as a parent at sponsor). pero ang requirements kasi ay depende din sa scheme ng pag-apply mo
good luck
1.)Tinatanong ba sa PR application ang citizenship ng magulang?
- yes tinatanong po doon but I think in your case chinese yung mother mo since yun yung nakalagay sa birth certificate niya
2.) kelangan ba i-upload as supporting documents ang birth cert nila? Don lang naman kasi makikita ng Chinese ang citizenship nya. Wala naman sa list of required documents 'yon eh
- nope no need na i uplaod ang documents ng parents. So no worries if chinese or filipino nakalagay but much better na may document for future reference in case hanapin.
3.) Anong mai-aadvise nyo kapag magfifill out na ko ng family mapping.
- Please fill up the form correct and accurate lang. Parents, siblings, wife and children ang need ng information. Marriage certificate lang at birth certificate lang ang need to upload. For parents and siblings no any other documents needed.
@lbw3 @rcpag1103 @nexxon salamat sa info & experiences nyo.
@kabo salamat sa info. Yung birth certificate ni mother ay galing Pinas, kasi born sya sa pinas. Nakakakuha sya sa NSO ng BC. Kaya lang don sa "citizenship" field, nakalagay ay Chinese. Tapos di naman sya nakalista sa China as citizen. Kaya kung iisipin mong mabuti, hindi sya Chinese, hindi rin sya Filipino citizen.. Wala syang citizenship Gusto ko man magtanong sa AySiEy, hindi ko magawa - kasi ang ibig sabihin nito ay illegal alien sa Ph ang mother ko.. pwede syang makulong. sa totoo isa sa mga kapatid ng mother ko ang tinatry i-legalize ang citizenship nya, 200k PhP ang running bill nya sa lawyer fees, still unsuccessful
Overall tingin ko tama, ilalagay ko na lang Chinese.. Tapos cross fingers na hindi humingi ng kahit anong document na magpapatunay, maliban sa Birth Cert, na kaduda duda rin kasi Republic of the Philippines na BC sya. / Huhu. Hirap naman. Pero somehow napalagay ang loob ko na hindi sila humihingi ng kahit ano, unless magduda sila.
Nga pala, pra makumpleto ang impormasyon, single & unmarried ako, Spass ang hawak ko ngayon at mag-2 years pa lang ako dito sa Sg. Hindi naman ako umaasa na maaapprove, pero sabi nga nila at ninyo, kung hindi ka maaapprove kung di ka mag-apply. I dont want to to say later on that I did not do my best. Salamat sa mga advice nyo. Ano man ang maging resulta, ipopost ko sa forums natin para nakikita rin ng iba.
Goodluck po Ma'am. Ako po wala p s isip ko yan. Kakastart ko p lng po kasi dito last Jan this year.
Mga tanong:
1) Tinatanong ba sa PR application ang citizenship ng magulang?
Yes, both Parent
2) Kelangan ba i-upload as supporting documents ang birth cert nila? Don lang naman kasi makikita ng Chinese ang citizenship nya. Wala naman sa list of required documents 'yon eh.
Not necessary, they just need Present Whereabouts (Residence)
3) Anong mai-aadvise nyo kapag magfifill out na ko ng family mapping?
Just declare their names and nationality.
@Admin sorry, medyo nalito ako sa sinabi mo. ganito ba?
you (father) - filipino citizen, chinese race
grandparents - chinese citizen, chinese race
son - born in Sg:
citizenship: filipino?
race: filipino (sa Ph birth cert)? dinala sa Sg, pinapalitan into chinese?
Basta legal willing ako gawin. Pero mukhang medyo komplikado ung sa mother ko kasi citizenship ung may issue sya, hindi race... ung sa birth cert ko naman, Filipino race & citizenship.