I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

Hospital in SG

sino na pong mga Spass holders ang nakaranas maospital dito? Ano po reason bakit naospital at how much total bill? May at least 15k hospital coverage tayo sa company. Sapat na ba yun?

Comments

  • @maya hindi ako yung nahospital pero ung kawork ko dati, apendicitis umabot ng 9k bill tpos ung isang nadengue fever nasa 20k bill. Tan tock seng ata kung d ako ngkakamali. Pero last 2015 pa nangyari yan dko lng alam kng tumaas na
  • @maya suggest to get a hospitalization insurance. may kasabihan ang mga taga-rito, mas mabuti pa daw mategi (don't want to use the other word) kesa magkasakit ng malubha o matagalan kasi daig mo pa daw ang nategi sa mahal
  • @maya not enough po ang 15k. Much better kung kukuha ka personal mo dito. Usually nag start naman na 30sgd lang per month pero wala kana iisipin kung sakaling may mangyari sayo. Yung kinuha ko bayad yung hospital bill ko + yung araw na na nasa hospital ako 200sgd or 100sgd per day habang naka hospital leave ako. Maliban sa bayad ka sa company. Nung na hospital ako last Jan, simple operation lang umabot ng almost 9k sakin 6 bed room pa yun na di aircon. Kaya doon nalang ako nag decide na kumuha nalang maliban sa insurance na binibigay ng company.
  • definitely, buy ako sarili. chinecheck ko muna kasi baka mag-overbuy ako? kasi aside sa 15k na coverage for spass, meron pang diniscuss samin na group hosp/surgery insurance. tsaka term life. not sure if inclusive na dito ung 15k, check ko pa sa HR namin. by the way @kabo imimeet ko na ung nirefer mo sa great eastern, thank you ha.
  • @maya kung ako, 15k is not enough pagdating sa hospitalisation. kasi you never know with hospital bills.

    mabait yan si Sarah, saka hindi nakukulitan kahit madami kang tanong
  • @maya tsaka clarify mo sa company nyo kung need mo muna abonohan bayad pag nahospital ka.
    sa amin ganon babayaran mo muna tapos irereimburse mo nalang. AIA ang provider namin.

    2-3 months bago ma reimburse ni AIA yung ginastos mo not covered ang GST. Kaya doon din ako nag decide kumuha ng personal.
  • edited August 2019
    sabi ng agent ko sa AIA, tsaka na-try na sa ex-company ko, pede magiissue ng letter of guarantee ang company kpg spass/wp ka. that way, dka aabono.

    nkkaloka ung HR namin, ayaw magshare ng info abt insurance.

    may yearly meeting naman at dinidiscuss ng agent ung coverage, pero syempre hindi naman magagrasp lahat yon kung wala kami kopya. dko gets bakit pinagdadamot ng hr yun.
  • edited August 2019
    @kabo ung sa husband ko 30k sa company. pero kukuha pa rin kmi personal. para sure lang.
  • edited September 2019
    @maya yap, mas ok na may personal ka din. knock on wood, pero pag pag nagamit, unahin mo gamitin yung sa company bago yung personal mo, if applicable

    yung sa letter of guarantee, from what I know, depende sa tier ng insurance. AIA din kami sa company dati, ngayon Tokyo Marine na (same group din). nung sa AIA, pwede din silang mag-provide ng letter of guarantee. yung sa GE ko na personal, pwede din silang magbigay ng letter of guarantee or as per GE agent, pag panel doctor/hospital nila, sila na ang mag-aayos
  • @maya usually merong soft copy ng product summary(company insurance), possible merong nka-upload sa system niyo or just ask your HR for a soft copy para ma-review mo. With regards don sa LOG, in my case(AIA) depende nga sa given plan mo or tier na sabi ni @kabo. Add ko lang din na in some cases, you need to co-pay some certain percentage of the total bill.

  • Naging dilemma ko rin yan, at dahil wala akong makuhang sagot, nagkamali ako ng pagkuha. :P

    Kumuha ako ng personal (AIA), with rider to get 100% coverage. Ung basic coverage kasi, first 3,500 ng hosp bill plus 10% ng excess sa $3,500 eh co-paid ko. Di ko naman alam na may 15k coverage pala ung company, sinubukan ko magtanong sa Great Eastern (ito yong company group insurance namin), sabi iba-iba daw kasi per company yan kaya kelangan sa HR itanong. Tapos di masagot ng HR. nakakagalit lang. di ko naman pala magagamit ung 100% coverage sa first $3,500 ng bill kasi icocover ng company ko yon. :(

    Kaya tanong ka nang mabuti sa HR at sa Agent mo.

  • @ladytm02 @maya yan ang problem sa mga insurance,masyadong maraming fine print. kaya pag medyo hindi masipag or ang aim lang ng agent ay makabenta, malalaman mo lang na may mali or kulang sa insurance pag gagamitin/ginamit mo na. kaso, pano naman natin lahat maiintindihan lahat ng laman ng insurance? eh yung mga ibang agent nga na kumpleto ng training at seminar, d rin sila 100% knowledgeable

  • @kabo true.. eh kaso yang mga ganyan malalaman mo lang pag dumating na ung mismong policy mo. may 30-60 days na free look period - ito ung time na pwede mo basahin lahat ng laman.

    Di naman tayo lahat ay may time magbasa. Kaya dapat di basta-basta kumuha ng agent sa tabi-tabi. still best kumuha ng may experience at ung mapagkakatiwalaan mo.

  • so you mean @kabo ung na refer mo kay @ladytmo2 okay? hmmmm kailangan ko rin ata kumuha insurance for safety sake.

  • na surgery ang kaopismate ko pero buti kumuha cya ng hospital insurance. important po yan sa SG, wag nyo po i risk na wala kayong hospital insurance. kasi isang ospital lang more than bawing bawi agad ang binayaran mong premium. ang bill nya is 10K sa CGH. nag paalis ng tumubong laman sa batok may kasamang biopsy na. ung insurance premium nya ata nasa 1k SGD a year. imagine inabot ng bill nya, sobra sabrang bawi na agad.

  • @Bert_Logan hindi ko ma-recall na may refer ako kay @ladytm02 pero kung meron, yun lang yung current agent ko na sa tingin ko ay maayos based sa pag-asikaso sakin. isa sa Great Eastern at isa sa AIA dito sa SG. sa Pinas meron din akong isang agent sa AXA naman

    @Bert_Logan kung kaya mo, mas mabuti na meron ka. para ano't-ano man, mababawasan ang gastos at intindihin mo

    @Admin agree, kung kaya o mas mabuting sabihin na kayanin, kumuha ng insurance na angkop sayo

  • @Bert_Logan iba ang nagrefer sa akin and ndi ko nirerecommend na kunin sya. heheh. better ask sa iba, yung agent na may malasakit.

  • @mcbmaya @kabo Hello po… may I ask the names/contact number nung mga agents nio (kahit via pm)? Kukuha din po ako just to make sure… Thank you

  • @Bert_Logan Oo.. Magaling naman sya kaya lang inoffer nya sakin ung rider (na mahal) tapos di ko naman pala magagamit generally dahil sa coverage ko sa company. di ko alam ung 15k coverage eh standard pala sa lahat. Nirefer lang yon sakin ng officemate ko na pinoy.. pero ung ahente mismo lokal.

  • @Gwapito_Ron pm ko later tonight. drain phone ko, hehehe. parehong taga-rito na Chinese. pareho silang mabait

  • Kakagling ko lng KKH last Aug 2019 - key hole operation. Ok nmn, covered xa ng GHS Insurance (Group Hospitalisation Insurance). Halos S$6k din inabot. Wala ako binayaran at all. Pag spass ka, automatic mkakakuha ka LOG sa HR/Insurance provider nyo (basta hindi xa for aesthetic use, based on my exp). Meron din akong existing personal insurance - pro di xa covered kasi pre-existing condition na. Oks na me personal insurance ka, kahit co-payment pa yan. Ang S$15k kapos yan lalo na sa mahal ng hospital expenses dito at xmpre depende din sa illness.

  • @kabo Hi bro... may I follow up? Thank you :)

  • @Gwapito_Ron sorry for the delay sir. pm sent

Sign In or Register to comment.