I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

(Update)LTVP card received.

Salamat po sa mga sumagot sa mga tanong ko noon. Nakuha ko na ho LTVP card ko. 2 years po binigay sakin. Sinuwerte ako sa officer kasi sabi niya depende raw sa officer yun. And may friend ako na 1 year lang binigay sakanya. So baka good mood officer na nagbigay sakin ng 2 years, today. Haha!

Yung mga kinailangan na ipasa:

-Letter of employment stating your salary, position, date joined-- chineck talaga nila mabuti.
-6 mos payslips
-Letter on Consent from EmOwEm (dapat iapply ng employer to if di na valid yung current pass na hawak mo. Yung sa case ko, pwede pala i extend yung validity ng SPass ko. Naextend pa siya ng 1 month. So di ko kinailangan yung LOC pa. Pero bibigyan ka ng AySeeEy ng LOC na valid for 1 month. Ngayon kailangan iapply ng employer mo yun para makapagwork ka.
-Photocopy ng Marriage cert
-Photocopy ng IC ng asawa (sponsor)
-12 mos cpf contribution ng asawa (sponsor)
-Letter of employment din ng asawa (sponsor)
-Form 14B with latest Passport photo
-6 mos payslip ng asawa (sponsor)
-Signed form for AyRas na inaallow niyo sila icheck yung Ayras niyo
-Passport(yung passport ko valid nalang ng less than 1 year so bale, di base yung pass mo sa validity ng passport mo)
-IPA letter

More than 5 hours ata ako sa AySeeEy. Although maaga ako dumating kesa sa mismong time ng appointment ko. But makukuha agad yung card. Then sila na agad magccancel ng lumang card mo.

Ayun lang po. Paalala lang sa mga gusto magapply, basahin mabuti yung mga kailangan iprint and dalhin na documents. Para di hassle. Mahirap pa naman magpasched ngayon kasi laging full.

Meron din pala silang printing service doon. Medyo cool nga eh. And downside lang yung tao naka assign sa place na yun para tumulong, di rin masyado sure sa pagsagot sa mga tanong mo. Haha.

Again, salamt po sa lahat ng tumulong. And goodluck sa mga gusto mag apply. :)

Comments

Sign In or Register to comment.