Spass downgrade to work permit
Good pm. Share ko lng po baka may makakatulong.nandito po ako sa pinas. Galing din sg. May employer na po ako sa sg. Under servicing sector sya.aircon servicing.(preventive maintence ng mga aircon) Base sa sinabi ng employer ko sakin halos karamihan ng employees nya ay work permit holder and local.inapply nya ako sa mom as spass. Supervisory position. Ang problema na reject. So ni re appeal ulit ako.and then Na reject nanaman. Ang sabi sakin ng employer ko,reason daw sknya ng mom insufficint document and minimum criteria. Nagtataka po ako kung nasa side ko ba talaga ung problema? 4 years bachelors degree. 3 years 8 months working experience sa electrical company. Tesda Nc2 and nc3 holder. Palgay ko naman po may kota sya kase habng nsa stage po ako ng re appeal naka pag pa approve sya ng work permit na malaysian. Bale magkasabay po kami nag aantay ng result. Hhingi po sana ako ng advice na ok lng ba na idowngrade ung application ko from spass to work permit? No issue po sakin ang salary. Apply apply nalang sa ibang company importante my work permit then lilipat nalang. may pinoy na po ba dito na same case? Sa nakikita ko po kase ung company na inapplyan ko is under ng servicing. Kumbaga hnd sya ung corporate or malaking companies na kaya mag pa pasa ng spass? Salamat po sa mga makakasagot
(Galing nadn po ako ng sg as tourist bumalik ng pinas habang nag aantay ng ipa. Pero kanna po nag message ung employer ko na rejected ang re appeal namin. Willing naman po sya mag re appeal for another spass. Naisip ko lang po na what if idowngrade ung spass ko to work permit. Since nakapag pa pasa sya ng work permit)
Comments
@johnny1323 check mo po sa SAT, baka kulang yung salary na binibigay sayo
https://mom.gov.sg/eservices/services/employment-s-pass-self-assessment-tool
saka iba po ang quota ng s-pass at wp. at iba din po ang treatment sa malaysian kumpara sa mga taga-ibang bansa. iba yung policies re malaysian workers compared sa policies covering us
at sa pagkakaalam ko po ay hindi tayo applicable sa work permit sa ganitong linya ng trabaho
goog luck sa job hunting/pass mo
Did you asked your employer if they have quota for Spass? this maybe one reason.
Yes sir meron daw kota. Pero sa nakikita ko,ako ang first spass na inapply nya since mukang hnd sya established na company. Walang hr. Sya lang ang nakikipg negotiate sa agency.then the agency negotiates the mom. Willing naman daw sya i re appeal for the 2nd time. Pero ang sabi nya skin insufficient credits daw ang sabi ng mom. Hnd ko alam kung pgkukulang ko ba o pgkukulang ni employer
@kabo nag try na po ako ng self assesment. Same credentials ang nilagay ko at ang pinasa ko sa employer.same educational background same experience. 2500 at 2600 na salary na rreject. Pero pag 2700 up. Approved sa spass
@johnny1323 baka yan ang reason, negotiate mo na at least 2700 ang ibigay sayo.
at sa technicalities naman, baka meron syang pagkululang since wala syang hr na nakakaalam kung paano ang mga dapat gawin. need nya malaman kung anong credits ang kulang as per EmOEm