I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.
Best month to apply
Hello po, balak ko po makipagsapalaran sa SG next year. Anong month po pinakamagandang pumunta sa SG para mag apply apply? Kayo po ba anong month pumunta at same month din ba natanggap din kayo? Salamat po mga master.
Comments
hi po @engrelle21 saang field po kay onagwwork dito sa pinas? plan ko kasi pumunta next year after cny.
@cardentoinkss sa Construction industry po ako, Civil Engr. Kayo po ba?
@engrelle21 ECE po ako eh. Pero sana makaahanap next year. Anong month po punta nyo?
2nd week Feb, good luck po satin. Sana makahanap tayo
Iwasan lang po yung mga months na maraming holiday pra masulit nyo yung 30 days na stay
Nung nag apply ako last year June 2018, nag ka work and visa naman ako within 30 days.
Tyaga tyaga at dasal lang talaga kelangan.
hello sir @Michaeltan nag message po ako
Hello po, baka nmn may alam kayo na hiring for civil engineers. Kahit Doc con po, Contracts admin or Quantity Surveyor dito sa SG currently hunting po ako dito. Hehe.
God Blesa po sa ating lahat
@Michaeltan meron po ako kakilala sa SG and bigla sila naghanap ng employee, kaso may nabook na ako for feb 13-16. Balak ko iparesched or mag book ng panibago na aalis ng November 4. Delikado kaya ako sa IO pag ganun? Ano pong possible na tanong ng IO? Makikita po ba sa ticket na resched lang sya?
@engrelle21 It is often possible to change the date (additional charges may apply + real-time price). Relax, usually airlines will give new Itinerary. All the best!
@engrelle21 wala naman akong nakikitang problema don. Usually i check lang ng IO kung gano katagal stay mo, may hotel reservations ka ba, return ticket mo, kung afford mo ba tlga mag travel travel.
Pag isa sa mga yan sumablay, dun kana ma red flag and marami na silang itatanong pa sayo.
Pray pray lang
I'm not sure if there's a best month to apply... I think wag mo lang tatapat yung punta mo long weekend or holidays para maraming kang days ma-check ng employer yung application mo...
Ex. Chinese New Year maraming nakaleave and most likely after CNY saka palang sila magdedecide on the application status, then if may ibang mas importanteng dapat harapan pa.
I would suggest have a plan and write it down, checklist so yung 30days or 60days stay mo dito sa SG walang masayang na oras.
Ex.
CHECKLIST:
1. CV
2. SG Mobile #
3. Airticket
4. Place to stay
5. Budget for 30 - 60 days
6. Template use to send email in CV
7. Register to jobsites (linkedin, etc...)
8. Compile recruiters email to send CV.
9. Interview Attire
and so on...
PLAN (can be daily basis or weekly)
Day 1 - submit CV in linkedin
Day 2 - do walk-in application in Suntec City (Tower 1 and 2)
Day 3 - apply direct to companies online
Day 4 - etc...
and so on...
Exit Plan also you need to do in case waiting for SPass/EP approval.
Simulate it and stick to the plan.
Napakadaling madistract kapag nandito ka na and at time you loose confidence if 1-2 weeks wala pang tumatawag sayo, but if you have the plan you have the confidence to continue.
Goodluck!
@thematrix Totally agree. Madami kasi nagppnta n hindi "buo ang loob", its never a walk in the park. Prepare yourself physically, mentally and financially, prepare to be rejected, dont make false hopes s "mga" pamilya s pinas, dont force it if its not for you, basically prepare for the worst.
@engrelle21 @cardentoinkss @#follower
I am not discouraging you, as a matter of fact, I am helping you dahil ang una mong kalaban ay walang iba kundi ang sarili mo. You will understand that kapag andito n kayo at naghahanap n ng work. Makahanap man keo ng work, its not a paradise. Some might even say its a hell of workload but yes once salary arrives. You will be motivated to work.
My advise, is to plan ahead and make sure alam nyo gingawa nyo at buo ang loob. Wag din kayo magpapaloko s mga scams dito. Your common sense will tell you if something is not right.
Godbless and hope to hear some good news in the near future.
tama dapat ready kayo harapin kung ano kahihinatnan ng pag aapply nyo...pero lahat naman nakukuha sa tyaga at prayers....saka dapat medyo meron kayo enough baon or kamag anak or friends na pede umalalay sa inyo sa gastusin......ska nlang kayo bumawi pagnakapag hanap na ng work....all the best
Hala sobrang overwhelmed ako sa mga advices nyo. Thank you po. Nireready ko na din po talaga sarili ko. Gusto ko talaga dyan sa SG dahil malapit lang sa pinas at marami rin kakilala kahit papaano. Thang you po
@engrelle21 hala! Change flight ka rin? By nov 2nd week ako. Mga nextweek cguro. Nag apply kasi ako online. Tapos eto chat chat kami thru Whatsapp. Ok na sana convo namin ng biglang nag message na my changes daw sa position. Pero hopefully this month na ako.
Matanong ko lang po sa lahat - -
Kelan po ang SG ELECTION sabi kasi nxyr daw. And if ganun mas mabuting mag apply prior the election. Totoo po ba?
Buti ka pa @qldm1989 wala nag feedback pa sakin e. Pero nag aapply ako online. Jobstreet, linkedin and email mostly. Ikaw Sir saan ka nag apply?
@qldm1989 ang balita ang eleksyon ay next o next, next year latest. kung sa mas mabuting mag-apply before o after, depende yan sa kung ano ang mga batas na mababago after. kung sa quota requirements, mas mabuting ngayon mag-apply dahil pababa ang quota sa 2020 at 2021 base sa batas ngayon.
good luck
After chinese new year madaming hiring
pagtapos ng halalan maghihigpit sila kasi dami mga lokal na ala tarbajo....
Wala naman sa buwan yan. Check mo mga holiday sa SG at yun ang iwasan mo para di sayang ang araw.
https://www.mom.gov.sg/newsroom/press-releases/2019/0408-public-holidays-for-2020
@qldm1989
Ang balita is nalalapit na. tama si sir @kabo , as far as Policital scene is concerned. Lets use the situation s bansa natin. Galit ung iba satin dahil ang daming chinese workers satin samantalang madaming pinoy ang walang trabaho d b?
In relation to your question. The more FT here the more pressure the locals are giving to the government hence the harder for FT to get a job. Isipin nyo n lng kng tyo ang nasa sitwasyon nila. Wala k work pero ung banyaga may trabaho. Ano mararamdaman mo?
By reading this, you know what is the answer.
Goodluck kabayan and godbless.
Mga mam/sir, may nagreply na po sa mga application ko. Pero isa pa lang, bale sa email sya sumagot. Nagtatanong kung nasa PH ba ako or SG na. Tapos may mga tanong regarding sa work and nagbigay na sya nga application form to fill up. Ano po kayang magandang sagot sa unang tanong nya?
@engrelle21 ang sagot ay yung totoo. kung nasa Pinas ka, sabihin mong nasa Pinas ka. dun ka lagi sa totoo at tama
dagdag mo na lang na willing kang pumunta anytime (kung pwedeng anytime) o kung may specific dates na pwede kang pumunta sa EsGi
Yes po. Nagreply na ako bale sinabi ko naman na yung totoo. Then, I asked if they may want to consider an online interview. Pumayag naman sila. Sana ito na yung hinihintay ko
@engrelle21 good luck.
@engrelle21 pag din tinanong kung gano katagal ung notice period.. ang sabihin mo ay "X" days from approval ng work pass
X = 30 days kung kealngan mo mag render ng 30day notice
X = kahit ilang araw na gusto mo kung di need na mag render ng 30day notice sa current company
mas preferred din nila ung readily available base sa napapansin ko
2 weeks lang ako mag render, wala naman kasing nakalagay sa contract ko sa company dito na 30days. Di tulad nung una kong company, nakalagay talaga sa contract.
@engrelle21 Sir anong website kayo nag apply?
jobstreet.sg lang po tsaka linkedin
Goodluck po!