Direct Hire via Online (Still in the Philippines) - What To Do
Hi po!
My employer is currently starting to process my employment pass. Kakainterview ko lang po last last Monday and they told me that they are keen in employing me. As of now, binigyan nila ako ng form ng E-Pass and pinapasubmit na ako ng documents ko like NRIC (I don't think meron tayo neto, pero ang closest siguro is passport?), TOR, Certificates and Passport alongside the accomplished E-Pass form. Currently nasa Pilipinas pa din po ako, and nagapply ako through online sa isang talent agency dyan sa Singapore - so in a way, direct hire ako.
Since andito pa ako sa Pilipinas, hihingi lang po sana ako ng tips. Kasi ang madalas ko nakikitang strategy is usually pumupunta po dyan ang tao bilang tourist and nag-aapply then get hired. Pero sa mga katulad kong online lang nag-apply at nahire ng company, ano po dapat gawin at this point?
Ang alam ko kasi "legally" speaking dapat magparegister ako sa POEA as an OFW once makuha ko na ang pass ko dahil alam ko banned ang direct hiring with a few exemptions. Medyo mabusisi daw itong paraan kasi need ng several things from the employer para makasali siya sa exemption.
Pero ang usual na advise kasi sakin is pumasok pa din ako ng Singapore bilang tourist pero wag ko lang daw ideclare na magttrabaho ako sa IO. Then magregister nalang daw dyan sa Philippine Embassy ng Singapore pero dito pa din kukunin OEC ko the next time I go back home to the Philippines.
Mga kababayan, sa tingin niyo po ano ang pinakadabest na gawin sa situation ko?
Comments
Having an interview while you're still in PH - a good advantage to you
You may come to EsGi as Tourist once you have approved IPA (need not to show if not being asked) - is faster and my best advise!
All the best!
God bless your plans Kabayan!
Salamat po, kabayan @carpejem !!!
Wouldn't I get questioned in the immigration? Should I say po na I'm going to work in Singapore? A lot of people told me wag daw po sabihin yun at gumawa nalang daw ng story. Please advise, thank you!
@trapikjam act like tourist. i suggest ung ipa isend mo sa email ung scanned copy tpos un ang papalita mo sa ayo sg. sa ayo ph, act like a tourist lng tlg so need mo return tix sa ph and wag masyado mahaba para legitimate tourist tlg, 3-5 days will do
@trapikjam bakit scanned? worst case scenario lng in case magkakalkalan sa io ph
@rcpag1103 You mean scanned copy ng IPA po? Yes, tama ito yung ipapakita po sa SG. Sa PH naman, yes yan din po advise, to act like a tourist lang. Gagawa nga po ako ng itirenary. Tapos I was also advised to just use my old company ID and have a COE sa current company ko.
@trapikjam pwede rin naman harcopies. worried ko lng worst case scenario magkakalkal ung ayo ph. pero think positive. pwde lagay mo sa di makikita
@trapikjam di pwede sa check-in luggage kasi pgdting sg, dadaan muna ayo sg bago luggage
@rcpag1103 Ay opo, dadalhin ko naman po yung papers via handcarry ko lang po. Ang ipapakita ko lang siguro sa PH immigration is tourist stuff like return ticket, company ID, ganun. Tapos pag sa EsGi naman, ipapakita na po yung IPA. Lahat po yun ihahandcarry ko if ever.
Congrats kabayan!
ingat baka scam yan. pag humingi bayad SG agency magtanong ka muna dito. pag sinabi naapply na nila, i-check mo online kung naapply talaga nila: https://eponline.mom.gov.sg/epol/PEPOLENQM008SubmitAction.do pasuyo ka sa mga active dito para makita kung na-key in talaga application mo
best of luck!!!
first time mo lalabas ng bansa @trapikjam , kung oo.. medyo matatanong ka talaga ng madami..
kelangan may return tix at acco (kahit fake acco).. tapos ITI..
hinde mo kasi pwede pakita sa PH ayO na hired ka, kasi malaki chance na hingan ka ng OEC or pag PDOS ka pa sa POEA ph..
@Kebs Salamat, kabayan! Legit naman yung agency as per Singapore, nakita ko na din po active and okay sila. Pero thanks sa tip na yan, titingnan ko kaagad. Kasi pinapasubmit palang naman po ako ng Epass na sponshorship form. Too early to tell pa po, pero yes, I will be very cautious.
@Playfish Hindi ko naman first time lumabas ng bansa, PERO first time ko pumunta ng Singapore. Yung passport ko may tatak naman po na UK visit, sana maging basehan din na bumalik naman ako so medyo kampante naman ako kasi may return stamp ako nun. Yes, gagawin ko yang return tix and accomodation and gagawa ako ng ITI. Balak ko asikasuhin ang OEC nalang pagbaliko ng Pinas... Salamat sa tips!
@trapikjam un, ayos.. parang ganon kasi ang checklist nila.. #1 check ay kung first time lalabas.. since di ka naman na first time, at UK naman ung una mong labas.. baka di ka masyado pag hinalaan..
tanong mo pala din muna sa employer mo kung sasagutin ba ung air tix at acco (para lang sa start) mo.. kasi ung kakilala ko, ganyan din.. via online lang nahire.. tapos sasagutin sana nung employer ung air tix at acco sa unang month.. pero since excited un, nakapag book na agad ng sarili nung nalaman na ok na ung pass nya.. tapos sa bahay naman namin sya nakatira kaya di rin issue ung acco nya.. good to know lang na may offer na ganon..
kung sariling bulsa, ok lang.. pero usually forfeited na talaga ung return tix kasi mahal mag parebook (halos same price pag bagong booking)
@Playfish Ay sige ask ko po ito... oo malaking tulong sana kahit sila muna sa ticket at accomodation kahit for a week lang. Yes, parang goodbye nga daw po yung ticket. Talagang need lang gawin for the sake of the tourist method. Hahaha. Salamat po!
@trapikjam same ako sayo. hired online. 'yung IPA mo, wag mo i-handcarry. kasi pag nagduda sila sayo, pwede sila magsearch ng mga bagay na dala mo. pag nakita yon sayo automatic offload ka. lagay mo na lang sa checked bag. tapos save a copy sa dropbox/google drive/cloud, na naka-log out muna. ilog-in mo na lang pag nasa Sg ka, pra in case isearch fone mo eh wala rin sila makita. just my two cents.
May kakilala ako na arriving dito sa Sg with OEC from POEA sa pinas this Sunday. One day process daw as long as verified ung contract mo. Pero hindi ko pa rin inaadvise to. may mga employer kasi na ayaw pumirma nong mga gusto papirmahan ni POEA. Share ko lang yung info in case gusto mo mag-legit way. ^_^
Hi @ladytm02 thanks po sa tips. Can you ask your friend ano po yung mga requirements, if you don't mind? Makakatulong po ito sa akin and para din po sa iba, salamat!!!
@trapikjam verified contract, passport, saka pass daw. Di ko lam pano silang merong kopya ng pass, eh nasa pinas nga sya. Pero, hindi kasi sya hired online. na-hire sya sa Sg (nagpunta pra mag-apply), nahire, tapos umuwi muna. Nung time na umuwi sya eh may IPA na sya, umuwi lang kasi emergency. pero di pa sya nagsstart ng work. kung pano sya nagka-pass, di ko alam. haha. Sensya na hindi ko matanong ng mabusisi kasi di ko talaga ka-close - gaya ng sabi ko, kakilala ko lang. against lahat ng advise ko ung pagkuha ng OEC sa pinas, pero she proved me wrong, dun sya kumuha.
kung gusto mo rin gawin yan eh i suggest pumunta ka na or tumawag sa POEA para itanong ang requirements. Kasi ang reason lang naman kung bakit nagtatagal, eh kasi pabalik-balik tayo pag kulang ang requirements.
kakaiba nga at may workpass na at verified contract agad ung kakilala mo @ladytm02.. pero ito base sa exp ko, recent lang ako na hire at nag apply ng OEC
ung OEC processing sa pinas ay 1 day lang talaga.. pero sa pinas lang, sa pinas lang sya makukuha.. kaya kelangan umuwi muna..
Ung workpass processing ay usually gagawin sa first day ng pasok (or sa next available na schedule, basta un ung unang activity mo sa 1st day sa work)
tapos ung signed contract, na gagamitin para sa contract verification ay usually binibigay din sa first day of work mo.. from there, pwede kana agad mag paverify ng contract sa PH embassy.. ang contract verification nila ay 1 week..
As long as ready na tong mga to:
1) verified contract
2) passport
3) workpass
anytime na umuwi ka ng pinas, pwede kana mag apply ng OEC (pero dapat pala nakapag pasched ka sa BM online).. tapos 1 day processing lang un
kaya sa 1st labas talaga ay tourist.. tapos ung mga susunod as OFW na (libre travel tax haha)
@Playfish tama nga siguro, ang absurd di ba? irerequire nila na may Pass ka sa pagkuha ng OEC mo - eh ang pass iniissue pa sa 1st day ng work. Parang implied na tumakas muna tayo para magkapass. tapos sa unang balik pa lang magkaka-OEC.
oo nga e.. tamang hinala kasi ung mga AyO sa PH.. e gusto natin maghanap ng trabaho sa labas e haha
Hahaha salamat mga kababayan!!! Sundin ko to ?
Hi po Im currently here in the PH po and then inapply ng employer sa SG yung SPass ko last November 18. Mga kelan po kaya malalaman result. Nakakakaba po mag wait. Thank you po
@kimpola usually 1 week if no issues goodluck
Hi po. Thank you I hope ma approve po
dasal lang....kso pag na approve mag start ka na mag work at di ka na makaka uwi ng pasko..un lang kapalit
@trapikjam hello ano na status pass mo?
@Bert_Logan okay lang po para sa future lol sana ma approve po talaga
@kimpola 1-2 weeks lang yan. mahaba na yung 3 week. Good luck!
@ladytm02 hello po thank you! ❤️
@kimpola Hi Kabayan, ay di pa po sakin pinoprocess as of writing. Nakikipagnegotiate pa alp sa employer sa salary. Sinabihan din ako na baka June 2020 na din ako makastart gawa ng quota sa pass. Goodluck sayo!
@kimpola Nasa pag gather palang po yung employer ko ng requirements from me. And I think nahihirapan kasi employer ko kumuha ng epass, kaya nagaantay pa din ako ng balita.