I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.
Landlord not returning rent deposit
Hello po!
Kanino po ba pwdeng lumapit dito sa SG kung ung dating landlord di pa rin binabalik ang deposit ko? mag dadalawang buwan na po kasi.
Marami syang paupahan kaya imposibleng wla syang pera. Maayos nman ang turn over ko nung room tpos may kapalit naman ako.
Di nya ako nirereplayan sa txt. Ayoko sya tawagan kc mainitin ulo nun. Baka sigaw sigawan lng ako.
Comments
tell him you will lodge this case to Police , see what he reply.
ok po
@SiNonoyAko The moment you tell him na magrereport ka sa police, I tell you, usok ang puwet niyang ex-landlord mo sa pagmamadali na makahanap ng pera pambalik sa deposit mo... Go for it..exercise your right.. seek police assistance.
make sure na inform mo muna sya na papa police mo sya, pag dedma pa rin diretso ka na police tapos pasa mo sa kanya thru message ung copy ng lodge mo report
But you must have proof ng mga payment mo. This is my mistake dahil nagtiwala ako dahil kabayan naman di ako nag babayad sa bank and puro cash. So if mag cocomplaint ka make sure na documented lahat ng proof mo. Sabi mo nga mainitin ang ulo madali lang nyang itanggi lahat...
Kaya ngayon sa nilipatan kong bagong bahay kinausap ko sila ng maayos. Sinend ko rin lahat ng inquiry ko sa email para dun sila sumagot about anything sa place and we agree na lahat ng payment kahit magkano is thru bank.
yup tama si Juan...dapat may proof ka ng bayad para pag pinapulis mo malakas ang laban mo
gagawin lang naman sa inyo nyan pag pinapulis mo papatawag kayo sa presinto paghaharapin kayo at pag aaregluhin hanggang ma settle
add ko lang nung dati cash din ang bayad namin sa rent dun sa inupahan namin na kwarto (lokal ung may-ari), so gumawa ako ng list gamit excel then every payment nakalagay kung magkano binayaran tapos papirma dun sa may-ari. Natawa pa nga sya nung pinakita ko pipirmahan pero pumirma pa din sya. So pag nagkaaberya may kopya kayo.
Depende yan sa kasunduan nyo if sinabi na ibabalik ang deposit. Paki google kung para saan ang deposit.
Ito ay para panggawa ng mga nasira ng nag renta ng bahay. Like painting works , cabinet etc. Pag may sukli ay dpat ito ibalik. Yan tlaga purpose ng deposit. Pero if napagkasunduan na ibabalik pag kaalis.. dapat ibalik ng buo.
yung experience namin dito, iniipit ung sukli namin sa deposit namin dahil ginamit namin ung deposit sa huling month ng stay namin sa bahay nila.
actually niloko kami dito ang sabi samin nung kausap namin walang dahilan para di cla mag renew ng bahay pero ang ending after namin makalipat at naka 1 buwan na kami ang sabi samin di cla magrerenew. at kung gusto daw namin sumama sa lilipatan na bagong contract cla ang bahala mag lipat ng gamit namin dahil uuwi kami ng pinas.
sino po ba ang papayag sa ganung set up?
hindi kami pumayag kaya naghanap na lang kami ng lilipatan at nakipag negotiate na gagamitin namin ang deposit namin. ngayon nakalipat na kami, iniipit ung sukli sa deposit dahil daw may naiwan kami cabinet na hindi kasama sa inventory nila. ang siste pa, sabi ko paki compute na ang pub para mabawas sa deposit at maibalik na sa amin ang sukli. ang sagot sa akin wag ko daw cya manduhan. sa loob ng 2 buwan na tinigil namin don, tuwing ika 2 ng buwan nagssend na ng computation ng pub. tapos ganun ang sagot. d pa naccompute.
eto ang pinakaworst na bahay na natirhan namin. nung araw na lilipat kami, may chekwa na naghahakot , ung main tenant nakahilata pa sa sala. ung naghahakot tuloy napapatingin at napapailing sa kanya. nakakahiya talaga dun sa lokal baka inisip nya na ganito ba ang ugali ng mga pinoy? sa mga ganitong pagkakataon kelangan kontrolin ang sarili baka kung anu magawa mo.
kaya pala walang tumatagal na nakatira sa bahay nila at base sa mga kwento nung main tenant nung bago pa kami, halos lahat ng nakasama nila sa bahay ay nakaaway nila.
pwede po ba pag bumalik don at kunin ang cabinet pwede ba magsama ng pulis dahil magaspang po talaga ang ugali?
@iamskee Pinoy din b? make sure n you got your @ss covered bago mo gawin yan. Dpat malinis k at dapat puno k ng evidence. Naalala ko tuloy sbi ng sister-in-law ko s balasubas n pinoy n kawork nya. Wag ka uuwi ng Pilipinas dahil may kalalagyan k sakin, Magpapakilala ako sayo s bansa natin. Aun tumigil. Hahaha!