Caregiver Role During Interview, DH When Arrived In Singapore
Good day po, mga Kababayan..
Patulong naman po sa case ng pinsan ko na nagpunta dito sa SG last Jan. 21, as Caregiver.. Bale noong nasa Pinas po siya, ininterview daw po siya sa job opening for a Caregiver at ang aalagaan niya ay isang matanda na once a week kailangan niya dalhin sa hospital for check-ups, etc.. Kaso po, noon dumating siya dito sa Singapore, at na-approve ang work permit niya, DH po pala ang magiging role niya.. Nahihirapan po yung pinsan ko sa work niya ngayon at gusto na lang sana niya umuwi ulit sa Pinas.. Sabi daw po ng agency sa kanya ay kailangan niyang bayaran yung 5mos. na salary deduction bago siya makauwi.. Doon po sa work permit approval from MOM, may nakalagay na ang agency fee na babayaran sa agency ay S$1000 lang, exclude other overseas fees.. Ang monthly salary niya naman po na nakadeclare doon ay S$580/mo.. Dahil gustong-gusto na po ng pinsan ko umalis sa work niya, at sa tingin niya ay illegal ang naging paghhire sa kanya from Pinas, nakipag-usap po siya ng nakipag-usap sa agency na magbbayad siya pero hindi 5mos. na sinisingil sa kanya kung hindi 2mos. lang, or else papaimbestigahan daw po niya sa mga kamag-anak niya sa Pinas yung naging hiring process niya.. Kahapon po, pinuntahan daw po siya nung agency sa bahay ng amo niya at ang sabi, 3mos. na lang daw ang babayaran niyang deduction sa halip na 5mos.. Sabi daw po ng agency, ika-cancel na ang work permit niya bukas na bukas din at maghintay lang daw po siya ng 1 week para makahanap lang ng kapalit niya yung agency na ibibigay sa amo niya.. Tanong lang po sana namin kung tama lang ba ang deduction na hinihingi ng agency sa kanya? At kung i-cancel po ba ang work permit niya bukas, may allotted 30 days pa po ba siya to stay dito sa Singapore or kailangan na po niyang tuluyang umuwi sa Pinas?
Maraming salamat po sa lahat ng magbibigay ng input.. Please, patulong po..
Comments
Hindi po kasi nagsabi yung pinsan ko na pupunta siya dito sa Singapore.. Sinabi lang po niya noong nandito na siya at approve na daw po ang work permit niya.. Ngayon po na nahihirapan siya sa work at gusto niyang umuwi na lang, ngayon niya po sinabi yung mga yan sa amin.. Wala rin po ako masyado alam sa mga payment kapag nag-agency or kung may allotted days to stay pa ba ang mga DH with work permit kagaya ng mga S-pass holders after i-cancel ang permit nila..
Sana po may makapabigay ng advice sa amin.. Thank you po..
unang una ung sahod na $580/monthly is sahod ng kasambahay at hindi caregiver...kung meron sya kopya ng pinirmahan nya ng nsa pinas sya na caregiver ang role nya at naka saad lahat ang arrangement dun pede sya dumeretso sa MOM at dalhin nya at complain nya ung agency, pero dapat paaalam sya maayos sa amo nya na may lalakarin lang sya kamo.
@Bert_Logan Thank you po Sir sa input.. Pero once po ba na i-cancel yung work permit niya ng current employer niya, pwede pa po ba siya mag-stay ng 30 days dito sa SG kagaya ng mga S-pass holders?
@Bert_Logan Wala daw po siyang copy or photo ng pinirmahan niyang contract Sir, ang meron lang daw po siya ay photo po ng details noong ma-approve ang work permit niya dito sa SG.. ang nakalagay na po doon ay DH role, $580/mo. salary at yung bayad niya sa agency dito sa SG na S$1000..
@dawn01 zulweta refer ka po dto https://www.mom.gov.sg/passes-and-permits/work-permit-for-foreign-domestic-worker/cancel-a-work-permit baka makatulong
para macancel ang work permit, need ng flight details. so depende sa ibobook ng agency na flight nya, yun na lang ung matitirang araw ng stay nya. max 2wks
pero kung makakapgfile sya ng kaso sa MOM, pwede sya mabigyan ng special pass para asikasuhin ung kaso nya.
@Bert_Logan Thank you po sa link, Sir..
@maya Alamat sa info, Ma'am.. Ibig po ba sabihin Ma'am, hindi na siya pwede makakuha ng ibang work dito sa SG once i-cancel ng employer niya yung work permit niya? Kailangan niya tlg umuwi ng Pinas? May agency daw po kasi dito sa SG mismo, na kumukuha sa kanya as Caregiver talaga, pero kailangan daw po niya ng transfer form.. Di rin po namin sure kung anong transfer form yun eh..
sa DH lang ung alam kong transfer form. diko sure, ano ba work pass usually ng caregiver? spass ba or work permit tlg?
alam ko caregiver they are given an spass not a work permit. meron ako nakausap na caregiver nag aalaga sya mga matatanda sa home for the aged napauwi sya bigla kasi nag crack ung likod nya pag angat nya isa sa mga alaga nya matanda...
@ekme wala po siya agency sa Pinas, parang may tao daw po na direktang nag-approach sa kanya since sa Japan daw po siya initally naka-apply.. eh natatagalan po sa processing yung pinsan ko going to Japan, then nung in-approach daw po siya nitong tao na ito, sabi in 2 weeks time kaya siya ipasok as Caregiver dito sa Singapore.. Kaya po ginrab niya yung opportunity.. Pagdating nga daw po dito, DH naman naging work niya..
@Bert_Logan ganun po ba, Sir? May alam po ba kayo na na-approve ang IPA from work permit to S-pass, just in case mag-transfer yung pinsan ko into Caregiver? Sabi po kasi ng iba naming kakilala mahirap daw po magpa-approve from work permit to S-pass..
Saka po pala mga Ma'am/Sir, baka po aware kayo kung sagot pa rin ng amo or employer ng pinsan ko yung plane ticket at baggage allowance niya pauwi ng Pinas, kahit hindi po niya natapos yung contract niya? Nakalagay po kasi sa MOM website sa Cancellation ng Work Permit, sagot dapat siya ng current employer..
@dawn01 meron din naman na approve from work permit to spass ksi employer naman ang bhala mag apply syo duly supported by ng mga credentials mo at mga certifications...
@Bert_Logan @maya @ekme Thank you po ulit sa mga inputs.. Nagdecide na po yung pinsan ko na umuwi na lang ng Pinas at ayaw na po niya magwork dito sa Singapore.. Ask ko lang po, pwede po kaya na sa amin siya mag-stay kahit 1 or 2 days lang bago yung scheduled departure niya? Sabi po kasi ng agency niya, kahit i-process daw po nila ang cancellation ng work permit ng pinsan ko today (para hindi na sana papasok ang pinsan ko sa employer niya dahil ayaw na daw po talaga niya pumasok) at ang departure niya ay 2am this Sunday, ang ilalagay pa rin daw po nilang effectivity ng cancellation ay until Sunday kasi liability pa rin siya ng employer niya until departure.. At hindi daw po pwedeng makituloy sa ibang bahay yung pinsan ko dahil ang registered address nnga po niya sa MOM ay yung sa employer niya..
Gusto ko po kasi sana maipasyal man lang yung pinsan ko at marelax dito sa SG kahit isang araw man lang bago siya umuwi ng Pinas.. Diretso po kasi siya sa training at trabaho after niya dumating dito sa SG.. Pwede ko po kaya siya makuha para sa amin na tumuloy kahit matulog lang ng isang gabi sa bahay na namin at kami na po ang maghahatid sa kanya sa airport pagkatapos?
pwede naman makiusap ka nalang sa amo nya at kamo ikaw na maghahatid sa airport kung papayag mag sign ka nalang ng waiver na ikaw ang maghahatid