I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

HELP! Tourist Visa to expire on Feb 24th, approved pass application but no IPA yet

Hello po,

Pahingi po sana ako ng advice. Sa february 24th po kasi ang 30th day ko sa SG. I tried applying for extension sa ICA multiple times pero unsuccessful palagi. My s pass application was submitted by my employer last Feb 19 2020 sa MoM. After a day (Feb 20, 2020), na check po ng cousin ko na nagwowork dito, "Approved" na yung status ng application ko for s pass. Pero unfortunately, hanggang ngayon, wala pa akong IPA na narereceive. Sabi ng empoyer ko, baka monday or tuesday pa dumating ang IPA ko. Sa monday Feb 24 na po ang supposed to be last day ko. Narebook ko na din po kasi ng ibang date yung ticket ko.

Kailangan ko pa po ba magexit?

May penalty po ba ang overstaying kahit 1-5days lang in case?

Pahingi po sana ako ng advice about what to do, would really really appreciate your help.

Thank you very much.

«1

Comments

  • congrats.. pinaka safe siguro ay mag exit ka sa JB.. tapos mag stay dun ng ilang araw hangang mareceive ung IPA..

    di ko lang alam pano mangyayari pag lumagpas ka sa 30days na visa, pero baka mag ka issue pa kaya mas ok na mag exit nalang.. malapit lang ugn JB at wala din naman ibang required gawin bago pumasok ng malaysia (basta punta lang)

    mura lang din ng di hamak ung malaysia compared sa sg, kaya ok naman mag stay dun..

    pag na receive mo na ung IPA, anytime pwede ka na ulit mag cross border pabalik SG.. papakita mo lang ung IPA mo sa SG IO at walang tanong tanong papapasukin ka

    LaPoubelle
  • @Playfish

    Thank you po. Meron pa po ako questions :)

    1. Wala naman po ba tinatanong pagpasok ng JB?

    2. For example 2 days pa lang po ako sa JB, then nareceive ko na po ang IPA ko the 2nd day, pwede na po ako bumalik agad SG? Kahit di na ako mag hintay ng 5-7days?

    3. If nakabalik na po ako ng SG with IPA, kailangan ko pa po ba pumunta sa ICA para humingi ulit extension? Sa nga nababasa ko po kasi na comments sa ibang forums, kailangan pa daw po pumunta sa ICA pagbalik ng SG kahit may IPA na, pero yung iba naman po sabi kahit hindi na.

    Salamat po ulit.

  • @LaPoubelle don't overstay. minimum ang makukuha mo ay fine kung unknowingly overstayed. pero kung intentional, baka makulong at mapa-deport ka pa. tama si @Playfish exit ka na lang sa JB at dun mo antayin ang AyPiEy mo. pag may AyPiEy ka na, oks na ang pagbalik mo dito sa EsGi

    good luck

    LaPoubelle
  • @LaPoubelle

    Wala naman po ba tinatanong pagpasok ng JB?

    • normal questions like kung ano gagawin mo don

    For example 2 days pa lang po ako sa JB, then nareceive ko na po ang IPA ko the 2nd day, pwede na po ako bumalik agad SG? Kahit di na ako mag hintay ng 5-7days?

    • yes, pwede na po kasi may AyPiEy ka na

    If nakabalik na po ako ng SG with IPA, kailangan ko pa po ba pumunta sa ICA para humingi ulit extension?

    • hindi ka na hihingi ng extension kasi may bago ka ng tatak. normally 30 days, unless ang ibigay lang sayo ay ilang araw lang at hindi aabot para matapos ang pag-proseso ng pass mo
    LaPoubelle
  • @kabo Thank you po. Nakaexit na po ako sa JB kahapon. Clear naman na po siguro ako sa immig nyan no? Kahit one day before 30th day ako umalis?

    Salamat po.

  • @LaPoubelle congrats po, so kelan ka po papasok pabalik dto sg?

    LaPoubelle
  • @Bert_Logan Salamat po :) Hintayin ko muna po IPA ko dito sa JB. Sana lang po agad iforward sa akin ng employer ko. Sagaran po kasi sa oras ang nangyari sa akin.

    Concon-chan
  • @LaPoubelle ingat ka po dyan lalong lalo na sa virus...pag pasok mo po dto alam mo naman sa immig dami lagi tao....tyaga lang po pasasaan ba mag start ka na rin mag work........pakape ka po ha pag nag work ka na....lol

    Concon-chanLaPoubellezhypher33
  • @Bert_Logan Hahahaha. Sana nga po smooth na lang ang pag pasok ulit in case. Salamat po ??

  • Kap @Bert_Logan mas okay ba mageksit kesa mag request ng ektensyon sa aysiey?

  • @Concon-chan madalas ksi na reject online ext...ang ginagawa ng iba para makatagal dto una onlayn pagnatapos lumalabas ng esgi..pero sa ngayon mahigpit na kaya mas maganda labas nalang kesa onlayn

  • @Concon-chan Ganun po ang nangyari sa akin. 10days before 30th day ko po, nagtry po ako magsubmit ng online extension. 3x ko po ginawa pero palaging unsuccessful yung outcome, lagi sinasabi na 'you might want to submit another application with correct information'. Pero tama naman po lahat ng info ko, hanggang sa kinapos na po ako sa oras at napa-exit na lang.

  • @LaPoubelle isang beses ka lang po pwedeng mag-submit online. pag nagkamali ka ng details, wala na pong 2nd chance. or pag reject din ang result, wala na din 2nd chance. ang option na lang after online rejection ay eksit tulad ng ginawa mo

    LaPoubelle
  • @kabo Ahhh ganun po pala yun. Good to know, kaya po pala ayaw na talaga kahit anong try ko. Buti na lang po nakaexit ako on time. Salamat po sa inyong lahat sa advice. :)

  • @kabo @Bert_Logan Hello po, tanong ko lang po, maselan po ba pag magisa babalik sa SG from JB? May IPA naman po akong dala. Salamat po.

  • @lapoubelle kung may IPA ka naman pla oks lang yan kahit nga over the weekend ka na nga lang mag stay JB wala problema. Sama ka kaibigan mo, ayan si @kabo baka pede ka nya samahan this coming Saturday....or si @ladytm02

    ladytm02LaPoubellezhypher33
  • @Bert_Logan Hahahaha thank you po. Nung sunday po ako nagexit sa JB, balik na din po ako ngayon sa SG, okay lang naman po kahit 2 days lang ako JB no? Hehe

  • yup ala naman problema kung meron ka po IPA pede mo pakita sa AyO pag natanong ka....congrats pala at makakapag work ka na...so magpapakape ka na...lol

    Concon-chanLaPoubellezhypher33
  • @Bert_Logan Hahahaha bayad po muna utang tapos kape. Hahahaha salamat po ulit. Sana hassle-free pagbalik ko mamaya. :)

    @Concon-chan Salamat po. Kayo din po nyan, kaya yan :)

    Concon-chan
  • @LaPoubelle
    CONGATUAALLAATTIIOONNSS! Hehehe. Stay humble and always do your best po. Alagaan ang pinagkaloob satin. Wag n ggawa ng kalokohan. :)

    LaPoubelle
  • @zhypher33 Salamat po!! ? Noted po yan. Sana kayanin lahat ng challenges. Hehe

  • Hi All. Ask ko lang if maccheck ba yung current application status online? Kasi pag nagccheck ako ang mga lumalabas is ung past application ko. Before kasi pwede naman lumabas if PENDING ngayon kasi hindi na eh. Pahelp naman mga kabayan :) Thanks...

    1. pag tourist di ko pala sure, pero pag tinanong ka sabihin mo mag shopping (may outlet store kasi dun) at mag cross country tour..
    2. Anytime, kahit same day pwede ka bumalik, basta may IPA wala ng tanong tanong
    3. papalan lang siguro arrival card mo.. tago mo, kasi kelangan to pag mag apply na ng physical work pass
    LaPoubelle
  • @Bert_Logan Dyan ako nagccheck pero it shows yung past application ko. May current application ako which is pending but it doesnt show po. Ayun. Dati kasi lumalabas if pending eh. Ngayon hindi na.

  • bka di pa lang na update for sure naman ung HR mo aware sa status ng pass mo. You can reach out to your HR to assist you. Good luck and all the best.

  • @LaPoubelle Kaya po yan. Ang una mong challenge is ung pangunglila pero masasanay k din. Siguro ung mga susunod n challenges mo ay man made or consequences ng ating mga actions dito. Meron kasi yumayabang, akala mo hari/reyna n kapag nasa Pinas ung iba nman kng ano ano ng gingawang kalokohan lalo n ung may mga asawa na. hahaha! Minsan po kasi nakakalimot n ung iba satin ung purpose natin s pagwork dito s ibang bansa. Pero kung ikaw po ay Single then get ready to Mingle! hahaha! Napasaya siguro kng single ka tpos abroad k work. Heaven! hahaha!

    LaPoubelle
  • @zhypher33 Hahahaha trabaho muna po maayos ang priority. ? Yan po ang delikado nga po e, ang aalis ng single sa pinas tapos hindi na single pagbalik. Mahirap po ang ganon hahaha. Salamat po sa advice ?

    zhypher33
Sign In or Register to comment.