I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.
Visa extension
Hi guys,
Ask ko lang po, possible ba na magpasponsor sa kakilalang PR ang may social visit pass kahit di kamaganak kung sakaling mareject online application.
Kung yes, ano mga pwedeng reason bakit papaextend?
Comments
Following this post
Nagpasa ka na ng request mo online sa aysiey?
Magpapasa pa lang this week. If ever na di approve via online. Papa sponsor po.
@Jepoy87 noon ay pwede kahit hindi kamag-anak. pero few months ago, may nabasa ako dito na ang sabi daw ay kailangan immediate family na ang sponsor
galing kaming ICA kahapon kasama amo ko.sabi ng front desk officer hindi pwede mag extend kung hindi kamag anak ang sponsor na local o pr. kailangan daw immediate family member(parents, kapatid, asawa). kaya ung amo ko nag decide na ilalabas nya nalang ako ng JB malaysia. smooth naman nangyare kagabi. nag exit kami ng sg kinuhanan lang ako ng picture at thumbmark. tpos nng mag eentry na ulit kami ng singapore same process lang din. salaamat sa dyos naextend ako ng another 30 days habang nag aantay ako sa ipa ko.
https://pinoysg.net/discussion/comment/32115#Comment_32115
@Jepoy87 so gaya nga ng sabi ni @kabo sabihan mo amo mo na ilabas ka ng JB.....LOL
you can try them, if not, you still exit
sama mo kami ni @caperjem accompany ka namin kso with free food and lodging....lol
@Bert_Logan haha! kung dilang trafik ihatid kita pero still kelangan ng food hahaha
@carpejem basta ba may libre puds kahit pa trapik yan gora lang....lol
Hi ask ko lang po.. Nasa JB ako waiting for my spass approval. eh balak ko na bumalik sa SG next week (KL manggaling)... Magkaka prob kaya ako?
I have been working sa sg for 7 years na before pero nagresign ako then mag 1 month nko sa SG na wala pa worlk and nagtry ako visa extension pero di naaproved so nasa JB ako almost 2 weeks na. Balak ko na sana bumalik kahit wala pa pass ko kasi... Please patulong
Following this post
@Jepoy87 balita? Nagrequest ka na online?
@iam.joyce
dapat talaga nag apply muna work bago nag resign hehe.. pero wala na, nandyan na e..
baka matanong ka.. kasi nakakapag duda ung case mo.. intayin mo nalang kaya ung IPA para sure walang aberya..
worst case scenario kasi di ka papapasukin, tapos wala ka pang maipapakitang ticket palabas ng SG (hula ko lang to).. or pwedeng A2A kung san man..
parang mas ok antayin ang IPA para wala problema
@iam.joyce I think wala naman problema, based on my experience noong nag jojob hunt pa ako noong 2017, umexit ako sa KL twice nag plane ako kasi ayoko matanong sa JB. 3 months ako bago nakakuha ng work, twice din na renew visit pass ko ng 30 days. Godbless sa'yo sana mapprove na pass mo.
kanya kanyang swerte yan ....
Hi guys. Just an update. Medyo nabusy lang. Denied ako online halos 25 hours ko inantay result so pumunta ako sabado sa immigration with my sponsor. Yung sponsor is dating kawork ng classmate ko at matagal na rin PR dito. Luckily na approved extension ko for 1 month ulit.
Sinabi sa akin ng immigration officer bat ako na denied sa online. Dapat pala ang ilalagay lang sa name is lastname at firstname lang kung ano yung makikita mo sa machine print sa baba ng passport mo like sample sa baba:
P<PHIL<lastname<<firstname<<<<<<
Di na need ilagay middlename pag mag apply online kaya nadedenied via online application. Hopefully ma approve mga nag aapply online.
Sabi nga ni Bert_Logan, swertehan lang at dasal syempre
@fibz07 iba kasi sitwasyon ni @iam.joyce working na sya before at kaka-resign nya lang
@iam.joyce kung kaya mong mag-antay, agree ako kay @Playfish mas ok na antayin mo ang AyPiEy mo bago ka bumalik para halos sureball na pagpasok mo ng EsGi
@Jepoy87 salamat sa pagshare kapatid
Hello. Nareject daw spass ko. Pero i doubt if they even tried submitting my application kasi based sa MOM i cant see any records. Medyo masakit lang kasi pinaaso ako mga kabayan. Sana sinabihan ako ahead of time. Di ung pinaasa tayo. Di kasi nila alam ung hirap na pinagdadaanan natin.
@Playfish may ticket nako pauwi pinas march 14. Babalik ako SG sa thursday. And need ko bumalik to pack my things. Ayun nalang idadahilan ko and ung partner ko kasi working sa SG.
@fibz07 wow. thanks. lucky one ka naman po
@Jepoy87 yung pinsan ko PR pero di ako nagpahelp ng extension. nahihiya ako eh kasi di kami super close. before ako exit nagtry ako online but it was rejected as well. pero ganun talaga buhay. heheh. Sana itong pagpasok ngayon smooth. Kasi ive been in SG for almost 8 years. hahaha the Feeling is like ung una ko exit ulit. hahaha
@kabo so bali ung case ko oks ba? tingin mo po? medyo kabado ako. ng slight. hehehe
@Bert_Logan sana swertehin ako.
SALAMAT SA MGA REPLIES KABAYAN..
@iam.joyce Sabihin mo lang na nag bakasyon ka muna sa malaysia bago umuwi ng Pinas. Pwede mo rin sabihin na end contract ka na at bakasyon muna bago umuwi at babalik ka esgi kasi andito pa mga gamit mo at ang flight mo galing din dito. Good luck po sainyo at sana makabalik agad kayo dito. Cheers!!!
@Jepoy87 salamat sa pagshare ng info, im sure napakauseful nito sa ibang magpapaextend online, marami kasi narereject dyan. simpleng bagay lang yan pero malamang maraming nareject dahil dyan.
@iam.joyce sorry to hear na pinaasa ka, pero sa totoo ganyan tlga dapat, kahit sabihin na inapply na ang pass mo ay tuloy pa rin sa paghahanap. meron pa rin kasing mga kumpanya na hindi sanay sa pag-aapply ng pass, pers time maghire ng foreigner, okaya naman eh matagal nang hindi nag-aapply. minsan, kahit walang problema sa side mo, sa kanila naman ang may problema tapos di naman sila willing ayusin (no quota, unresolved tax, SeePeeEf contribution not updated, etc). kaya don't stop... hinto ka lang sa pag-aapply pag may AyPeeEy ka na.
Yes may mga pending applications and intervies naman ako pag balik ko SG.
Sana smooth pasok ko bukas sa SG Thanks kabayan
@iam.joyce dasal lang. good luck
Nakapasok ako ng walang tanong heheh
Nakapasok naman ako guys no question ask. heheh
Ayun oh, Congrats @iam.joyce
congrats...so tara na at magpapakape na si @ladytm02 ....lol
congrats @iam.joyce ! good luck, sana palarin ka!
Hi Guys.
Ask ko lang. May possibility ba na ma extend pa for another month yung SVP mo na pang third month na kung sakali?
Alam naman natin na mahirap na mag exit sa ibang bansa dahil sa lockdown. If ever na hindi pinas na ang uwi?
Salamat sa sagot.
Kakaapprove lang nung sayo no? @Jepoy87
@Concon-chan nung Feb 29. Mag end this coming March 29. Mga 11 days na lang
@Jepoy87 not sure pero nawala yung sagot ko sa mga tanong mo