I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

Community quarantine March 15 onwards: Balita sa nakauwi ng metro manila sa pinas galing singapore

Recently inannounced na may community home quarantine sa metro manila.
Sa mga nakauwi ng naia airport, metro manila, pinas or sa mga kakilala nyo na nakauwi ng naia airport, metro manila
galing singapore,

  1. pede ishare kung ano an procedure na gagawin pagdating mo ng NAIA airport?
  2. pede kaya maghotel if kelangan ng 14 day quarantine?
«1

Comments

  • meron ako nakita na umuwi galing naman sa HK try mo watch bka makatulong

    https://www.facebook.com/193030527862718/posts/820550241777407/

    pixelspics
  • @pixelspics sir kakauwi lng ng tropa ko ng Pinas after umattend ng kasal ng tropa namin dito. Dumating sya dito 14 Mar bago maglabas ng Community Quarantine, Umuwi sya nung 17 Mar bago nman mag lockdown ang buong Luzon. hahaha! Masaya sya kasi walang tao s Changi at ganon din s NAIA, may libreng sakay p ang DOTr.

    Ako nman may scheduled flight going to Pinas sa 18 Apr to 27 Apr. Hindi ako kinakabahan s paguwi dahil Bansa natin ang ating pupuntahan. Ako inaalala ko pagbalik dito dahil tayo ay Banyaga. Kaya kng ang worry mo ay Paguwi s Pinas. Wag k magalala mas malinaw n ang rules and regulations ng Lockdown satin as the days past by.

  • @pixelpics kakauwi ko lang last mar19. Walang problema sa airport natin, in fact, maluwag. Maluwag na konti lang tao, at maluwag in terms of doing temperature checks. Yung susundo sayo sa airport, pwede lang is private car and dapat "driver" at ikaw lang ang sakay. Wag ka magexpect ng grab or taxis kasi wala talaga. Not sure about sa transpo ng DOTr daw parang wala akong nakita sa T1, or baka di ko lang nakita.

    Currently home quarantined ako. Utos ni Kapitan. Pati mga kasama ko sa bahay damay sa home quarantine. Walang makakalabas samin para bumili ng food and other basic needs. So kung uuwi ka po, magdala ka na from SG ng mga goods na magagamit mo sa bahay. Hehe. Ingat pauwi.

    blood618
  • grabe paano kung di nakabili ng fuds ung mga kasama mo sabahay...tomguts kayong lahat....dapat pala ung maleta mo pag uwi mo puniin mo na ng mga fuds for your 14days quarantine....

  • Oo boss, eh bale ba di na sila nakabili masyado ng stock dahil wala na din public transpo. Online groceries di na din nagdedeliver. Kaya yung mga uuwi maguwi na din talaga kayo ng mga essentials.

  • Me announcement na ba if kailan ulit mag oopen ang international flights going to Manila? Nag book ako ng flight ng April 30. Mali ata desisyon ko.

  • Parang wala pa boss. Pero hanggang Apr14/15 lang naman yata yung Lockdown sa Luzon. Mostly ng airlines hanggang ganyang date lang din naman yung cancellation ng flights.

  • @fibz07 wala pa. bantayan nating lahat yan para updated tayo. sana lang ay maayos na rin para naman makasama na natin ulit ang ating mga pamilya

  • thanks @kabo and @Concon-chan kaya lang, ang problema pala dito pabalik sa SG, nag hihigpit na din sila.

  • @fibz07 yes, tama ka jan. if hindi related sa healthcare/transport ang work, pass holders na nasa labas ng sg ay di na papayagan makabalik ulit effective 23 March.

  • Walang sinabi na end date ng ganitong policy no @maya mukhang matagal tagal tayong hindi makakauwi. Sana matapos na ito.

  • @fibz07 @zhypher33 mukhang dito muna tayo hanggang ma-lift ito, if not wala na tayo babalikang trabaho. kung mapapansin nyo, yung mga nilalabas nilang strict measures ngayon, nakapattern sa measures nung China pa lang ang sobrang infected. so somehow, makakakuha tayo clue dun anong mga susunod pang mangyayari.

  • Stayput nalang po muna kayo dyan.. Hehe. Pero kung need nyo po talaga uwi ang payo ko talaga eh maguwi na po kayo ng mga goods para sa inyong pamilya, mahirap po talaga yung quarantine ?

  • I love EsGi muna tayo at baka mawalan tayo ng trabaho. May bagong memo na naman galing Phil Embassy. Yung pinost ko

  • @maya Depende tlga s kng gaano ka effective ung mga containment measures n gngawa ng mga bansa. India kaka announce lng kagabi ng lockdown din. Lahat nman yan double edge sword lalo n s EsGee dahil highly imported country to and hindi nman kakayanin ng local nila buhayin ung tourism sector.

    ung 18 Apr n flight ko s Pinas. 50/50 p din ako. Wife and Kids ko naka schedule n din ng 8 May dito. Lets play by the ear ika nga.

  • @zhypher33 yap, ingat bago umuwi. may kasamahan kaming nasa labas ng EsGi na hindi sigurado kung makakabalik pa. hindi kasi kasama sector namin sa mga nakalagay sa memo. kaya hoping na ma-approve yung permit to return nya. otherwise, goodbye EsGi muna

  • matatagalan pa ito guys. iwasan muna magbook ng flights until end of this year.

    bakit ko nasabi? ung landlady ko working sa isang public hospital. pinagbawalan daw sila magtravel out of the country until end of 2020 ...

  • @kabo Nakakalungkot pero wag muna umasa n mapapayagan. Isama mo n ung Geo politics at ang nalalapit n eleksyon. Kaya matatagalan siguro sya makabalik until such time n alisin n ung travel restrictions.

    @ladytm02 Sa tingin ko po precautionary lng ung s knila. Umpisa p lng ng taon at s observation ko tingin ko July to Oct mag start ng umayos ung sitwasyon globally.

    ladytm02
  • Guys baka me alam sa inyo mag cancel ng flight sa PAL? Gusto ko sana ma cancel na yung flight ko this coming April 30, nag-eemail ako pero wala nasagot eh, mali ata yung email address na nakita ko online?

  • @AhKuan Thanks bro! Godbless and done, hopefully mag reply na.

  • @zhypher33 yap, kaya tanggap na din naman nya kung sakali. waiting game na lang kung magluwag na ulit

    @ladytm02 yung friend namin na nurse ang advise pa lang hanggang July

    kaya nga hindi na rin ako ganun ka-hopeful sa uwi namin ng June. maging ok man dito, baka sa Pinas hindi pa

    sana soon matapos na

    ladytm02
  • May flight na po ang Embassy pauwi ng pinas.

    Eto po yung link : tawag lang po sa embassy kung panu process.
    http://www.philippine-embassy.org.sg/wp-content/uploads/61.pdf

  • @blood618 advisory po re flight to Pinas. hindi pa po repatriation yan pauwi

    memo na kung tourist ka or end of contract, much better na umuwi na asap at na yan na lang ang available na flight to PH as of this time

    kaya po sa mga nandito pa na tourist, isipin nyo pong mabuti kung dapat po bang grab nyo na tong flight na to or stay sa gitna ng mga uncertainties

    good luck

  • @kabo ano balita sa kasama nyo? nakabalik pa ba sya sg?

  • @maya hindi pa. antay pa rin ng development kung magluluwag na ulit. hindi kasi kami kasama sa mga sector na nakalista sa priority ng mga pwedeng bumalik

  • Yung kasama sa work, umuwi ng pinas March 14 ata or 13 then until March 17 ata stay sa pinas. Sinabihan na wag muna bumalik nung flight na niya at inabutan siya sa pinas nung lockdown pati nung advisory dito na need i-apply ng employer ng entry permit bago makapasok. Kahit nasa healthsector kami wala pa rin ata nagawa. Ayun hanggang ngaun nasa pinas pa rin. Di na ata sinasagot ng HQ yung mga email nya kung makakabalik pa ba siya.

Sign In or Register to comment.