CE applying in SG March 2020
Good day po mga ma'am and sir!
Bago lang po ako dito at dito rin po ako nakakuha ng tips and ideas in searching job here in SG. Malaking pasasalamat ko po sa mga ideas dahil malaking tulong po ito sakin para makapunta dito.
Nakarating po ako sa SG ngayong March 6 at sinubukan mag apply. 1st week palang at nagkaroon na ko ng interview. Kaso hindi na po nasundan. 2nd week ko na po dito sa tampines at pinagplaplanuhan ang pang 2nd month ko sa SG.
May mga kaklase at dating katrabaho po ako ngayon sa SG na nagbbibigay pa ng tips sakin at tumutulong.
Nang dahil po sa NCOV hindi ko po alam kung maganda bang mag exit sa ibang bansa dahil pag pabalik dito ay may 14 days quarantine at hindi ko po sure kung papayagan pa ko mag stay dito. Tinanong ko rin po mga kasama ko kung ayos lang ba mag paextend ng visit visa dahil hirap rin makabalik sa pinas.
Wrong timing po talaga dating ko dito. Pero hindi pa rin po ako nawawalan ng pag-asa dahil sa mga tumutulong sakin at sa mga tips ng mga idol ko dito.
Mga sir any comments po kung anong mga options na pwede ko pong gawin. Open po ako sa suggestion and critics. Maraming salamat po ulit mga idol
-Makoy
Comments
not a good time now. malabo din exit. extension pwede mo itry kung airline mismo nagcancel ng flight mo. pero kung ako sayo, uwi na lang ako pinas. ung advice ng phil embassy dapat nga by March19, magsiuwian na lahat ng pinoy tourists dhl pag inabutan kayo ng end ng visit pass nyo at walang flight, maooverstay kayo, kulong at fine yan. hindi kayo matutulungan ng phil embassy. pag nagextend ka pa another month, sayang ung pera, time, at effort mo. sa dami ng nagtatanggalan sa work ngayon, at kht pa may makuha ka job offer, anjan ang application ng pass sa MOM, mrami nirereject ngayon dahil sa situation.
https://www.straitstimes.com/singapore/health/coronavirus-all-short-term-visitors-barred-from-entering-and-transiting-in?utm_medium=social&utm_source=facebook&utm_campaign=stfb
yup tama si maya online extension..check mo kung meron ka flight makukuha pabalik pinas...kung ala or cancel ung flight mo pede mo sya dahilan para ma extend kamo ala byahe pabalik pinas
Makoy, fellow job hunter here. Ang latest news, isasara na ni sg ang borders nya sa tourists. Try mo kung kaya pa yung online extension. Walang masama itry. Pero kung sakali na hindi maapprove, wag mo na subukan magexit sa ibang bansa. Malaysia closed ang borders. Indonesia and Thailand tumataas din ang cases. Hindi safe na pumunta ka sa mga bansang yang para magexit.
Nakakalungkot at nakakapanghina talaga pero inabot tayo ng crisis. Unahin mo safety and health mo. Goodluck.
pati work pass holders na nasa labas ng sg ngayon, effective 23march, di na makakabalik ang pass holders na hindi related sa healthcare/transport ang trabaho. at kung pending pa lang ang pass applications nyo sa MOM, malaki chance na mareject ito. dahil upon application, di nmn declared kung nasa loob/labas kayo ng sg, so iaassume ng mom na nasa labas pa kayo. so no point na magextend pa.
@11markme01 sad to say pero medyo mahirap ang case mo ngayon dahil dun sa memo ng Philippine Embassy na by March 19 23:59hrs ay dapat nakabalik na ng Pinas
suggest na lagi mong check ang fb page at website ng Philippine Embassy para lagi kang updated
at worst case na mapapaso na visit pass mo, punta ka ng AySiEy para malaman mo kung ano ang dapat mong gawin
good luck at keep safe
umuwe ka muna Pinas, mag sasara na sila ng boarder d2 sa SG, baka wla kang masakyan na byahe pabalik ng pinas, mas lalaki pa gastusin mo.
https://www.straitstimes.com/singapore/coronavirus-moh-advises-doctors-in-singapore-to-stop-or-defer-accepting-non-resident?utm_medium=Social&utm_campaign=STFB&utm_source=Facebook#Echobox=1584779231
Also, pag inabutan ng sakit dito ang mga naka-SVP, as per MOH advice, wala ng doctors/clinics na tatanggap sainyo, dahil kinoconserve ang resources para sa mga tagadito. health muna isaalang-alang sa panahon ngayon, balik na lang pag better na situation.
@11markme01 sir, for now. retreat muna but never surrender. Uwi muna sir, kahit ung may mga work dito malaki ang chance n mawalang ng trabaho dahil s situation.