I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

Anung measurement ang ginagawa ng company nyo ngyon

Samin grabe tigas ng mukha ng owner ng company. Haggang hindi daw mandated ng govt na mag work from home e pumasok pa rin daw. biwist, napaka iresponsable. samtalang nag wowork from home kame kahit naka leave. :( hindi naman masumbong sa MOM , kakampinhan lang ng MOM ang employers.

«1

Comments

  • edited March 2020

    @Admin same tayo. kuntento na yung company namin sa "Compliant" lang. hangga't hindi sinasabi na required, hindi gagawin. kaya tuwing may lalabas na memo ang MOM/MOH eh may pa-annoucement kasi sa halip na maging pro-active eh naghihintay lang ng directive. Matatawa ka pa kasi nagdedeliberate pa mga amo pano icicircumvent mga utos ng gobyerno para pabor sa kanila.

    Prang mayor ng QC mga walangya. Nakakahiya. haha.

  • Kami naka WFH na since Feb 13. WFH kami permanently until matapos ang COVID virus. Sobrang tagal ko ng WFH bored na bored na ako. Nalabas nalang ako kapag mag grocery or church. Kaso nagonline nalang na din ang church namin due to virus.

  • samin lahat ng non-essential staff - Admin & Billing / Operations / Finance Departments / Marketing / Business Development and other non-essential support departments. work from home na.

    nakadesktop pa kami nyan dati, pero inisyuhan na kami lahat ng laptop para wfh. pero ung mga nasa ops, pumapasok pa rin.

  • update: just now, napabalitang binisita na ng MOM ang isa sa mga warehouse ng company namin...

    kinakabahan tuloy ako, magiging liable ba ang empleyado sa pagiging matigas ang ulo ng company? baka mamay neto, matulad sa mga dineport/nirevoke ang pass kahit under SHN kasi pinapasok ng company. hays

  • So far wala pa kaming WAH. Everyday temperature checks. at pag may flu like symptoms pinapa check sa doctor.

    Last week may allergic rhinitis parin ako at bahing ako ng bahing. punta ako ng doctor binigyan ako ng MC for 5 days.

    Management was not happy pero sinabi ko government naman ang nag impose. so aun. 5 days MC ako.

    nakakaburyo sa bahay xD. totally boring.

    ladytm02
  • haha @blood618 same, may allergic rhinitis din ako, nagte-take ako ng antihistamine pra hindi ma-5 days MC. otherwise hindi na ko papasok, lagi na kong naka 5 days MC.

    Maingat kasi mga doctor ngayon, konting ubo 5 days MC. yong ksma ko sa office, ang complaint nya headache lang (intentional na 1 day MC lang sana), kaya lang habang nasa waiting area sya, di nya alam na nakita sya ng doktor na suminghot. ayun 5 days MC. sinabi ng doktor sa kanya nakita daw sya sumisinghot sa waiting area. :D :D

    blood618Concon-chan
  • @ladytm02 yun lang oo nga bwisit na employer yan baka pati tayo madamay. pero nakita ko na sa mom website announcement kahapon.

    https://www.mom.gov.sg/newsroom/press-releases/2020/0323-mom-mounts-enforcement-operation-to-ensure-workplaces-comply-with-safe-distancing-measures

    Pasa nyo sa mga HR nyo. non compliance liable sila.

  • @ladytm02

    haha !~ ok lang un better to be safe than sorry. nakakaburyu lang talaga sa bahay xD

  • yap, may mga na-isyuhan na ng stop work order dahil sa mga non-compliance

    ang problema lang nyan, damay din tayo pag nadali ang company na pinapasukan natin

    kaya dito sa work namin, puro tape na lahat ng common area para siguro pag nag-check, may ebidensya

  • sabagay tama ka @kabo need lang mag tiis talaga.

  • buti samin kahit paano di ka mabuburyong alternate isang linggo WFH then the following week pasok, ganun lang hanggang di pa na lift si Doris ni Con, may balita magpupula pa ata. Magsasalita daw bukas si pinuno (Lito Lapid) bka mabanggit na ipasara muna at wala muna pasok para di kumalat ksi madami pa rin kaso na hindi nila ma hanap kung sino sino nakasalamuha....

    1. All employers should place their employees on work from home arrangements wherever possible

    @Admin marami kasi workaround sa memo ni MOM kaya sympre pinipli ni employer ung workaround. don pa lang sa "wherever possible" nadale na kaagad. Kahit possible naman talaga, ayaw lang nila.

    aware HR namin kasi lagi rin finoforward samin pag may bago silang gusto iimplement. defensive ba. hahaha.

    @Bert_Logan feeling ko rin magrered pag di bumababa increase ng count after nitong total travel ban..

    hay wala na rin entertainment, balita ko magsstart na raw effective tomorrow, walang sinehan, bars, etc..

  • edited March 2020

    @ladytm02 yes korek k dyan, yan ang palusot ng employers. kadarating ko lang sa opis, eto nakita ko nag memeeting nanaman ang management. dahil 13 lang kame sa opis. sus me. auto default na wfm 3, which includes
    1. mayari
    2. kapatid nya
    3. isang matandang dito na walang contribution.

    in short lahat kameng 10 dito work parin. hays badtrip sobra. tapos 1m apart dapat. malamang pagamit ang conference room kasi siksikan kame dito sa office.

    taba ng utak ng lokal naming owner. pag natapos na to covid na to good bye na. grabe talaga napaka iresponsable nya sa mga tao nya.

    sakin lang kinagagalit ko e , hindi mo maramdaman na may malasakit. tutuusin mas gusto ko mag work dito sa opis kasi d ako magagambala ng mga kids. pero sus me naman. paramdam mo lang na concern ka sa mga tao mo. lalo na samin na nag papasok ng milyon $$$ project sa kumpanya mo. grabe talaga. nakaka high blood.

  • edited March 2020

    @Admin true. di man lang magpakita ng malasakit sa empleyado.

    pero sa amin baliktad kaya natatawa naman ako. Pampamilyang negosyo din kasi itong kumpanya na napasukan ko.. Ung mga nag-e-MC, after mag MC eh nililipat na sa kabilang opisina na sinet-up nila (team B,)... kasi ung mga may-ari dito nag-oopisina sa amin. Tapos pumapasok sila - inuubo, sinisipon - ayaw magpacheck up kasi ayaw nila mabigyan ng 5 days MC. iba lang ang style pero katulad ng sayo. hahaha. Feeling nila itong office namin ang "home" nila kaya technically work from home pa rin sila. lols. sarili kasi namin tong building tapos ung mga amo may mga rest area (sofa, kusina, banyo) sa mga opisina nila.

    kami ung at risk sa kanila kasi leche sila ayaw nila magpatingin. rinig mo ung ubo ubo ng mga to. sarap isuplong hahah

  • grabe @ladytm02 buy ka ng mask. sariling sikap lang tayo sa pag protect ng sarili natin. wala tayong aasahan sa mga to. kattapos lang ng meeting, as usual wala pa rin. mag 1m apart lang daw. wala nakong inaasahan. ingats sa lahat guys. tiis lang till matapos tong Virus na to.

  • @Admin pareho tayo nito. nakamask kahit indoors. :/ ingat ka rin dyan. hopefully last na tong closing ng entertainment areas. huwag na mag-dors-red.

    nga pala mga kababayan.. as per whatsapp ng gobyerno,

    "SAFE DISTANCING MEASURES HAVE LEGAL FORCE"

    starting March 27 ito. kaya practice 1 meter apart at all times lalo na sa mga public spaces. mahirap nang madeport tayo dahil dyan.

  • suot na rin kayo ng jacket na may hood para dagdag proteksyon...mga negosyante ksi yan kaya kahit isa absent sa kanila parang malaki kawalan...madami ksi mawawala opportunity sa kanila...mga ganid sa kita

  • Keep safe everyone. dasal lang and hope matapos na to. :) keep in touch. May mapagkakabalahan nako ang Version 2 site natin. :) haha

  • I shared the same sentiment @Admin.

    Hindi nila narerealize na isa lang tamaan ng covid sa empleyado nila, buong operation shutdown na.

  • @Admin anung sector po kayo? sa amin majority staff is local. kaunting ingay nila or concern inaadress kaagad ng mgr ko. konti lang kami sa admin which is finance, operations and hr, the rest are frontline staff in the clinic and hospitals.

  • I'm working in finance also.. until now di pa din kami wfh at everyday na lalabas ako ng bahay takot yung nararmdaman ko..Manufacturing company kasi ko ngwowork at family business pa sya. Local na matandang intsik mayari kasma asawa at anak nya. until now sige pa din ang work dito at ang work pa ang sales team namin sige pa din ang paglilibot around SG para sa mga customer namin. Napaparanoid ako everytime na babalik sila ng office. :( haist ang hirap ng sitwasyon na ganito na dahil importante ang trabaho sayo kelangan mo isapalaran ang health mo dahil di marunong makaramdam ang employer mo.. puro lang sila remind sa 1meter distance at paghugas ng kamay. pero paano nman yung ngtratravel sa bus at train. :( kakapraning :(

  • To ensure safe distancing, Govt will strengthen enforcement. It will be an offence for employers not to put in telecommuting measures where the nature of work allows it

    **Employers should aim for 100% telecommuting where possible
    **
    More: go.gov.sg/telecommute

  • @DETH016 TOL isa lang paraan dapat mo gawin mag suot ka ng PPE..... :D :D :D

  • by food now guys kung meron pa

  • Mahaba na mga pila.

  • hindi nga ko tumuloy sa faiprice kanina. yung mga kakilala ko, 45mins onwards ang pinila sa counter bago natapos

  • Kumusta yung mga bayani na pumasok pa rin ngayon na katulad ko? hehe....

  • @AhKuan mas maluwag na mga bus at kalye. saka nag-iiwasan na tao pag magkakasalubong, dati babanggain ka. ngayon social distancing na. mas ok nga. sana kahit tapos na covid ganito na rin. para iwas din sa mga normal na sakit. saka natutuno na yung ibang maging mas malinis sa sarili at sa paligid nila

  • ahahay.. bayani rin ako.. nag-OT pa. haha.. WFH na... hinding-hindi ako mag-OOT.. lol

Sign In or Register to comment.