I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

LBC Box / Balikbayan Box and Metro Manila Lockdown may mga na apektuhan ba?

Since Lockdown na sa buong Luzon. may mga nagpadala ba ng balikbayan box pa sa Pinas specifically sa Metro Manila? or yung mga box ba na pinadala bago mag lock down nakarating parin sa pamilya nyo?

gusto ko sana mag padala, sabi ng LBC wala naman daw problema kaso lang may Delay dahil sa lockdown. iniisip ko lang kung may mga naapektuhan ba sa pag lockdown sa metro manila.

Comments

  • @blood618 up... hehehe... balak ko ding magpa-box this month pero via joly-b naman

    blood618
  • edited March 2020

    ano ba mga recommended nyong box? ako kasi joly b pa lang ever since

    ito mga nakita ko online:
    1) joly b
    2) kc dat
    3) metrobox
    4) kabayanbox
    5) jbl cargo

    sino na nakasubok sa metrobox, jbl cargo or kabayanbox? mas mababa ang rate nila

    thanks

  • Ako sa UMAC at LBC. So far ok naman experience ko sa sa mga boxes na pinadala sa UMAC. Yung sa LBC naman kabaliktaran. Butas na yung box nung dumating sa destination dahil nabasa ng tubig ulan/dagat. Nag complain ako sa LBC LP at sinabihan lang ako na mag complain online. Walang nangyari kaya wala na sa isip ko ulit na magpadala sa kanila.

  • @kabo

    dati Jolly-B Box ako. :D pero nung nakita ko na mas mura ung rates sa LBC lumipat ako .

    so far yung mga pinadala ko nun dumating at walang delays. pansin ko lang na mas mabilis sa LBC kesa kay Jolly-B.

    ever since Jolly-B ako kasi reliable sila. nag switch ako ako LBC kasi vs the price at mas mabilis dumating.

    Mine is Metro manila area. nilalagyan ko ng packing tape yung buong box for both companies para mabasa man sya protected ng plastic tape or atleast may extra protection from punctures etc.

  • UPDATE :

    Nagpadala pala ng LBC Box ang Tita ko sa Luzon area not Metro Manila, dumating yung box sa customs nung 15th March. (time ng lock down)

    Sabi ko update ako pag dumating na sa bahay nila. as of today di pa dumadating. pero yung status nasa Customs.

    =====================
    Sabi ni LBC darating naman daw kaso lang with delays. hindi ko pa sure to kasi kung nasa customs na mula pa nung 15th bat parang 26th na ngayun wala pang balita.

    South luzon daw dadalhin yung box. mag update ako dito sa april. or pag may update na agad.

  • @blood618 Yung boxes na pinapadala ko nakabalot ng packing tape isang ruler sa baba at taas pero nabutas pa rin. Yung sa UMAC binabalot pa ulit nila buong box pagdating sa warehouse bago ipadala kaya kahit mabasa ok pa din. Yun lang napansin ko na difference nila.

    blood618
  • @AhKuan

    thanks for the insight. ma check nga next time. :D ung LBC box ko ngaun pinag iisipan ko pa kung papadala ko or hinde. madami kasing issues na kinokonsider ko.

    katulad nalang ng panu kung ang pamilya naka recieve ng balikbayan box tapos nakitang mga kapit bahay. tapos ung mga kapitbahay mo isang kayod isang tuka? tapos yung mga papadalhan mo is vulnerable at matatanda. so aun. eh nag kakagulo pa naman sa lugar namen ngaun at may mga nag aaway na kasi daw mga walang makaen...

  • @blood618 At isa pa pala etong naging issue ko sa LBC, walang tao pag deliver, iniwan ba naman sa kapitbahay. haiz.......

    blood618
  • joly b din ako since dumating dito. pero napansin ko lang na mataas na rate nila compared sa iba tulad ng metrobox atbp

    napapaisip tuloy akong lumipat

    dalawa kasi papadala ko. isa sa amin at isa kay misis

  • @kabo lumipat na ko LBC pero yung sinasabi ni @AhKuan parang okay din... hehe

  • ok lang ba magpapadala ng lbc sa mindanao area cagayan de oro? papadalhan ko sana yung mother ko ng mask at alcohol. sabi nila ubusan na daw don.

  • nagpadala me sa Jolybox na lock down daw at di makalabas ng custom

  • @Bert_Logan meaning nasa Pinas na pero hindi pa or hindi na lalabas until mag-settle down ang virus?

  • yup nasa pinas na daw at depende daw sa custom kung payagan na makapag deliver

  • Hi Guys,
    LBC po affected din ng lock down. madami na daw po sa customs na naka freeze.

    suggested po na wag muna magpadala ng mga box!~ marami na pong stuck ..

  • Minsan tlga mapapakamot ulo k n lng s sistema s Pilipinas eh.

  • @Bert_Logan @blood618 huli na pala... hindi pa kami nakakapagpadala

    update nyo kami pag ok na boxes nyo para kami naman ang magpapadala. thanks

  • Hindi parin ako nakakapag padala.pero ung box na pinadala last month nung lock down ang PH di parin nakakarating as of today.

    mag update update ako pag ok na

  • @blood618 thanks. sana makarating na box mo.

  • @kabo

    dumating na ung box namen :D as of today.

    1 and a half month bago dumating.

  • @blood618 not bad na rin. salamat sa info

  • ok na ba ngayon magpapadala ng LBC box?

  • @Samantha1 natry ko lbc nung august, dumating box after 25days, north luzon. prob lang sa lbc, need to wait 2wks bago ka madalhan ng empty box sa address mo. though pwede mo pick up ang box sa lucky plaza, hassle nga lng. tpos pag napuno mo na box, need to wait 2-3wks naung next schedule of pick up nila dhl fully booked.

Sign In or Register to comment.