I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

Possible ba na mag lockdown ang SG?

I am working in the Finance side and almost 90% ng time namin is nakaharap kame sa computer. My boss dont want to approve the WFH thing.

Nagwoworry ako sa everyday travels ko (I am using BMW pala Bus,Mrt and Walk. Haha). Minsan bigla nalang may uubo, may mag ssneeze may hahalak etc.

Lockdown lang talaga solution sa tingin ko sa ngayon. Hoping everything will get better in time. In Jesus name.

«13

Comments

  • @Teddy benta ung BMW. Hehehe. Kami din walang chance mag WFH due to the nature of the business. Anyways, hindi ko alam bago lng ako dito eh. 1 year p lng ako s EsGee. Ask natin s mga alamat.

    @Samantha1 @maya @kabo @Bert_Logan @AhKuan @carpejem @Admin

  • @Teddy bakit nman ako Finance din naman work ko, lahat kami sa finance may WFH sched alternate weekly.
    Hinati kami sa dalawang Team then alternate week kami napasok hindi porke finance di na pede nasa diskarte nga amo mo yan at ng company. I heard magsasalita ulet si pinuno sa susunod na miyerkules or hwebes antay mo lang sana ung panalangin mo na isara muna kahit isang buwan dinggin kasi di naman humihinto ung pagdami ng may sakit....sna gawin din dto para atleast ma isolate at mahinto muna talaga ung pag spread ako din nag worry pag napasok ako opits...

    di naman nila na praktis ung social distancing sa MRT at BUS tapos ung uubo sa harap mo pa mga matatanda wala pinagkatandaan....haisssst...

  • Agree ako sa sinabi ni @Bert_Logan , diskarte tlga yan. amo din namin sinasabing hindi pwede, construction sector ako pero office staff. pero mga kakilala ko na same role WFH, MNC pa nga yong iba. Meron lang tlga mga amo na business first, though di mo rin sila masisisi lalo na kung local SMEs.

    yan din iniisip ko sa public transpo, pano nila maeenforce eh hindi mo naman pwede macontrol ang sasakay sa mrt or bus. actually sa lift nga lang eh. kung galing ka sa 1st floor nag-iisa ka lang sumakay ng lift. pagdating sa 2nd may makulet sumakay na walo (babye na sa 1 meter apart), ano gagawin mo? ikaw pa bababa kasi matigas ulo nila? haha. same din nangyayari sa MRT, may station na tlgang biglang dumadami ang tao at di mo sila mapipigilan. agree ako na solution tlga dito lockdown. kaso takot din ako mawalan ng trabaho, haha.

  • Actually nagpropose na kame na alternate team ang papasok, pero turn out na ayaw pa din niya. Its a family business kasi, tapos ung meeting napapadalas pa sigh @Bert_Logan hopefully bro ma lockdown na SG.

  • @Teddy not sure kung ano ba yung lockdown na ibig sabihin mo. pero hindi natin alam ang behind the scenes kung bakit hindi or hindi pa nag-implement ng "lockdown" ang EsGi. kasi kung kailangan, sa tingin ko naman ay gagawin ng govt yan

    sa government schools, starting this week may one day HBL (home based learning) na. preparation siguro kung kailangan na talang shutdown ang school. if ever man siguro, mauuna ang school bago tayo.

    so sa tingin ko ay hindi pa papunta sa lockdown/shutdown nating working force

    pero dapat nga sa mga pareho nyo na applicable ang wfh na maging wfh na or tulad kila @Bert_Logan na may grouping na

    kila misis wfh na since mid Feb. at last week ay highly discouraged na ang pagpunta ng office kahit work week mo. ang goal ng boss nila ay 0% na ang papasok sa office

    ingat at sana nga ay matapos na

  • Wag naman sana mag lockdown ang SG kasi kapag natuloy yan, ang kasunod nyan recession na. Mahirap na lalo. Kailangan talaga ng doble ingat kapag naka BMW papasok at pauwi. Mag mask na palagi.May nakapgsabi din sakin na kaya daw dumami yung cases sa Italya dahil sa sapatos, sandals, tsinelas na soot nila. Droplets kasi yung sanhi ng paglipat nung veerus. Yun daw ang nagdadala nung mga veerus sa loob ng bahay. Buti na lang ang dito di gawain magpasok ng mga eto sa loob ng bahay. Mag spray na lang ng mga sapatos, sandals, tsinelas pagdating ng bahay. Ingat po tayo palagi.

  • sad to say pero maraming company hindi allowed ang wfh. buti umalis ako sa old company ko. sabi ng ex colleague ko wala daw sila wfh. yung ex company ko is nasa security industry. nasa admin din ako at yung boss is local at matanda.

    ang idasal natin those are feasible to wfh must imposed by gov. wag na yung lockdown. hehe

    ladytm02
  • ^^ ung kasing "feasibility" ang magdidictate nyan eh ung company pa rin. kaya nga may mga di pa nagwowork from home dahil sinabi ni gobyerno, "where possible". kaya kahit possible, sabihin lang nila hindi, eh di hindi na.

  • @ladytm02 correct. depende kasi s nature ng business tlga. Regarding nman s lockdown @Teddy s tingin ko hindi tlga pwede unless there is no other option. Highly imported country ang SG, kapag nag shutdown sila. Sobrang mahihirapan din ung economy nila. Kaya naglalabas sila ng stimulus package para umikot p din ung pera at magkaroon ng economy. Kpag naglockdown patay halos lahat ng businesses at syempre ang unang tatamaan ay ung tulad natin n dayo dito, dahil syempre ang priority ng EsGee ay ang mga tao nila. Walang pinagkaiba s isang gera s gitnang silangan, kapag may kaguluhan don mga noypi ang kawawa at naiipit.

    Saka may school p hanggang ngyon. Tama si @kabo kung may unang ititigil eskwelahan bago ang trabahante.

  • dlwa ang studyante namin sa bahay.. ung P1, home-based study tuwing wed, ung Sec2 home-based pag huwebes. pero ung lunes hanggang miyerkules saka byernes, kalahating araw lang.. unit-unti na pabawas ang pasok nila..

  • ayoko din maglockdown guys, never pa nangyari to sa sg so di natin alam paano naaa. nakakatakot pakinggan hehe

  • @ladytm02 yung once a week home based applilcable yan sa lahat ng government school. kaya yung 2 kids ko bukas, HBL sila. in a way preparation na din siguro kung sakaling kailangan talagang suspend ang classes. effect na rin siguro yan dahil dun sa mga nagkaroon sa SPARKLETOTS; yung pre-school na cluster

    ang nabawas pa sa sa primary schools ay lahat ng extra activities like CCA, enrichment, trainings...

  • @maya nakita ko rin to kagabi.. palakasan na lang ng loob mga employer ngayon.. full time WFH na to. pag nainterview kami na mga empleyado, wala kami maibibigay na rason bakit hindi pwedeng sa bahay magtrabaho. other than ayaw ng employer lol

    @kabo ibig sabihin ung mga stuyante (primary/secondary), half day ung CCA nila? half day lang ang formal classes? ahhh

  • Hehe. kami hindi pa, pero kagabi lang naman naannouce yan di ba? itong company ko takot mapenalty. tingin ko meeting na to ng mga amo mmaya. :P

  • @ladytm02 hopefully magka meeting nadn kame regarding dito.

    Ineemail ba nila lahat ng employer regarding dito? @Samantha1

  • pag ayaw nila mag meeting tara tayo tayo nalang mag meeting at magpapakape si @ladytm02 habang nag meeting tyo.....lol

    zhypher33
  • @Bert_Logan ikaw ang magpapakape e. panay turo mo sakin. hmp

  • parang parati ako nabubully pag log in ko pinoy SG dami ko message...nyahahah

  • @ladytm02 ibig sabihin ung mga stuyante (primary/secondary), half day ung CCA nila? half day lang ang formal classes? ahhh

    • not sure sa secondary. pero sa primary ang normal classes ay 730am to 130pm; kasama na lahat
    • pero like CCA, may araw (normally once a week) na meron silang extra session after school. tapos kung may iba pa silang organization like leadership training and others, after school din yun plus kung may enrichment classes pa na optional kung kailangan at gusto ng bata
  • malamang marami ng magpapa-wfh nyan. parang mandatory na base sa bagong statement na yan. mas ok naman, kasi kung wfh yung mga pwede, uunti na rin kaming mga lalabas to work. good for you and good for us din

  • Lahat ng CCA ng primary at secondary suspended na ngayon Term 2.

  • @kabo i see. prang sa pagkakadescribe mo ang sarap mag-aral dito.. nung secondary ko sa pinas eh halos sa school na ko tumira.. 7:00am - 6:00pm ang klase tapos magbubulakbol pa kaya nakakauwi alas nuebe na. haha

    @AhKuan i see.. kaya pala "half day" na ung sec2 sa bahay..

    @Bert_Logan nangbubully ka kase.. binabawian ka lang, haha!

  • Hi @ladytm02 ano balita sa wfh plan nyo?

  • possible na mag lockdown soon. just be prepared lang sa stock sa bahay guys.

  • btw update ko lang kayo. dahil ako ay na 5 days mc quarantine, ayaw nako papasukin sa office so no choice sila mag wfh na lang daw ako, mukhang natakot sila.

  • soar throat last week, bumalik ako sa clinic d pa clear daw, may red pa rin so another 5 days. yare ubos agad 10/14 sick leave ko. :(

  • edited April 2020

    Abangan nyo po mamaya may panayam ulit si PM sa lahat ng 4 pm.

Sign In or Register to comment.