I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

Saan po murang paanakan sa SG?

Mga kabayan magtatanong lang sana ako kung may alam kayo murang paanakan dito sa SG.

Dahil sa COVID19 baka hindi ako makauwi sa pinas kapag nanganak na si kumander. alam ko magastos manganak dito sa singapore pero dahil sa covid19 mas safe kung nandito siya, kaya tinitignan din namin possibility kung dito na lang siya mag deliver.

Salamat kabayan.

Comments

  • edited May 2020

    @isorn4x ang pagkakaalam ko po ay sa KKH.
    pwede kayong kumuha ng mga quote/packages sa different hospital.

    baka makatulong...

    KKH
    https://kkh.com.sg/patient-care/areas-of-care/womens-services/Pages/maternity-services.aspx

    https://kkh.com.sg/patient-care/estimated-bill-calculator-form-delivery

    mt. alvernia
    https://mtalvernia.sg/maternity/maternity-tour-and-packages/

    kung ako din at kaya ng budget, mas ok nga na dito sya. ang mabigat lang ay pag naging-CS.

    tanong ko pala, nandito na ba sya sa EsGi? kasi kung nasa Pinas sya, need nya ng entry permit bago makapunta dito

    good luck at congrats na din in advance

  • edited May 2020

    Thanks @kabo yep nandito siya sa Esgi. If ever kasi sa pinas mag deliver, malamang ay di rin ako makauwi dahil maquarantine ako both country

  • @isorn4x ok. good luck. inquire ka na agad ng packages para makakuha ka ng best deal. stay safe at congrats ulit

  • Nasa 8 to 10K and normal na yata sa KKH now, last 2013 is nasa 7K na bill namin sa KKH and B1 room type (may kashare ka sa room), this is for normal delivery with epidural. Last year naman sa MT. Elizabeth Novena nanganak si misis for our 2nd baby at normal delivery with epidural din and private room pero nasa 18K ang bill namin. Just expect na 10K babayaran mo kasi pati si Baby is may bayad din.

  • @chrisisx thanks, ask ko lang kung naka maternity packages ka sa M.E Novena at KKH?

  • @isorn4x sa KKH is 50% off lang since nagwork si misis dun then MT.E Novena naman is free thru insurance ng company ko.

  • Hello, ask ko lang po kung nakapaginquire na kayo re sa delivery packages? Thank you! Nagreready din ako ng backup plan in case na dito ako manganak. Salamat po!

  • Mas ok na po yung kumuha kayo ng package para wala na masyado isipin. Si Misis nanganak sa Mount A. Isa sa pinaka maayos na paanakan pero ang doctor namin is galing sa Thomson at kumuha po kami ng package na check up.. nasa 500 to 700 po then lahat ng checkup all the way sa panganganak pasok na dun. Sa packages, mura din sila, same ng lang ng mount alvernia pero the best po ang services.

    https://www.thomsonmedical.com/birth-at-thomson/finance-payment/average-hospital-bill-size/

  • Thank you po! @Gray_Kazimir Sa ngayon po kasi sa KKH ako nagsimula magpacheckup. Mattransfer po kaya ung records?

  • @roanruan Wala naman po issue yun kung lilipat ka ng doctor. Ganyan din si Misis. Nagsila kami sa KKH pero di ko nagustuhan sa kanila. Siguro sobrang busy nila. Dun ka sa thomson at maganda talaga record nila. Lahat ng questions sasagutin nila pero medyo mabiis dahil dami din nag aantay. Pero worth it talaga sa Thomson.

    Sa records mo wala naman problema dahil centralized naman yan. Makikita nila kung nagpunta ka na dun sa ibang doctors dahil lahat recorded talaga.

    Opinion ko lang pero mga friends namin na nagpa doctor sa baby nila, mostly thomson or sa mount A nanganganak means talagang maganda. Iba ang soroundings ng hospital nila at after mo manganak, kung catholic ka, may bibisita na madre at ipagpray ka sa morning. At bago kayo mag checkout sa ospital, invite ka nila na magpray over sa chapel nila which is 1 good thing. :)

  • @roanruan agree ako kay @Gray_Kazimir ok sa Mt Alvernia lalo na at Catholic ka kasi may blessing agad si baby mo

    2 kids ko Mt A pareho

    good luck ang congrats

  • @roanruan , I gave birth last June sa Mount A. CS with epidural, asa Multibedder ako (2 beds) around 13k ang inabot. no hassle naman ang pag check in.. medyo malapit sa expenses ng friend ko na nanganak sa KKH pero sa one bedder (CS/epidural) 2 years pa un.. masarap at madami ung serving ng food nila.. during that time nga lang, mga NS ung mga pinoy nurse more in indian ung DS. pero accomodating pa rin sila.
    For me, ok na ung 2 bedder maternity ward. madali kasi akong magising sa ingay/hilik kaya mas pinili ko un kaysa sa 4 bedder ng KKH. tapos mga 2nd night solo ko na ung room kasi nadischarge na ung kasama ko sa room. lagi din nagrorounds ung lactation consultant to help mothers for bfeeding.
    Pareho taung S-pass kaya walang perks sa bawas gastos

Sign In or Register to comment.