I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.
Housemates from Hell...anyone
Have anyone here experienced very unreasonable housemate/main tenant? Please share your experience.
Comments
@ApolQ https://pinoysg.net/discussion/10969/karanasan-bedspace-room-and-house-sharing-experiences/p1
hahaha welcome to the club
@ApolQ @tambay7 ako naman so far, sa medyo matagal ko ng pamamalagi sa EsGi, 2 beses pa lang naman akong nagkaroon ng sablay na kasama sa bahay. at ngayon, blessed kami dahil ang kasama namin sa bahay ay 10yrs na naming kasama
madami yan dto...tsambahan lang...ika nga hindi naman lahat ng pinoy ay bad apple....may pailan ilan mga pasaway.....pasasaan ba makakahanap ka din ng matino na kasama...basta nag mahalaga respeto and give and take...pare parehas tyo mga salta dto
share ko lang experience ko sa landlord ko, staying with owner kasi ko. sa kin nmn lage pasabay ang peg. kada lalabas ako me papabili ket naggrocery na sila lageng me malilimutan pa din. then one time na fed up na ko kasi 10pm magmemessage makikisuyo na nmn n pasabay ung mga binebenta nilang products. i mean sobrang nakakahassle lang na niiisp ata nila na di ako busy sa work kaya puro pakisuyo. eh d nmn ako ngpapabili or nakikisuyo sa kanila kasi ayaw ko nga makahassle ng ibang tao. pero nagbabalak na din ako umalis. maghahanp na ko ng malilipatan. d ko na kaya maging errand person sa bahay
sakin naman una ang bait ng main tenant...no restrictions whatsoever...
then unti unting naging stress ang stay ko;
1. bawal magluto ng isda, danggit, daing na pusit. akala daw kasi dahil nag iisa ako eh hindi ako magluluto
2. bawal iwan may kalat lababo, pero sila puede. never naman ako nagkakalat
3. pag naglalaba bawal isampay temporary sa bintana ang underwear na naka hanger. pero sila puede kahit maghapon nakasampay panty at brief sa bintana
4. puede naman daw bisita. pero yung sala eh ginawang kwarto ng nanay nila pano ka magbibisita
5. bawal makigamit ng icecube maker, keso sila daw bumili nun. pero ako naman madalas gumawa ng ice
6. panatiliin daw malinis counter top, pero sila etong madalas magluto at hindi naglilinis
7. pag naglinis ako ng banyo, may nag inspection pa. pag may namiss kang spot ituturo sayo
8. bawal mag iwan ng personal na gamit sa labas ng room. akala mo naman ang linis at ayos ng bahay
9. yung 3 anak nila ang share lang sa PUB kalahating tao lng katumbas. ganun daw talaga patakaran nila
10. yung husband mabait actually, yung wife ang bwiset. eh under de saya yata yung lalaki kaya ayun, haha.
Jurong West katabi lng mismo ng Jurong Point yung flat.
di ako nakatagal. haha
parang ung asawa din nung landlord ko un ung nosy. siguro after covid na ko aalis kasi mahirap maglipat ngaun. tiis tiis na lang ako. d ko na lang masyado pinagkakausap ngaun. minsan nahihipokritohan lang ako kasi sa border nila masilip sila eh ung anak nilang matigas ulo di nila makontrol. distansya na muna ko sa kanila kasi bakakabwisit lang sila minsan hahaha
yeah pag nahihirapan kayo tiis lang. kawalang kayo sa kita nila. kaya wag mawalan ng pagasa.
sakin naman laking pasalamat ko sa kanila dahil kungdi dahil doon sa mga pianaggagawa nila, nangungupahan pa rin siguro ako ngayon. Sila nagbigay ng lakas loob sakin na bumili na lang ng bahay noon at utangin halos lahat sa bangko yung dp. hahaha .....
Hi guys, ask ko lang po.. I have read it somewhere na ang maximum tenants sa isang unit is 6 lang. Sa ngayon kasi we are total of 7 tenants consisting of 1 tenant sa master, 1 tenant sa junior master, 3 tenants sa isang common room and couple dun sa isa pang common room. Pag 4 rooms ba pede ba sya mag exceed sa 6? Nagsign po ako dun sa lease contract and nakalagay is 6 lang. May violation po ba dun pag kasama ka sa nagsign ng contract? Meron po kasing main tenant dito sa unit and sya kumuha ng mga tenants. Salamat sa sasagot.
Hi @bennet
Ayan po sabi sa link below:
https://www.hdb.gov.sg/cs/infoweb/about-us/news-and-publications/press-releases/revised-occupancy-cap-for-renting-out-hdb-flats
@bennet tama po si @iamannedoi max 6 lang po for 4 room and bigger. if 7 kayo, yung isa sa inyo hindi nakalista sa HeytsDiBi. lalo na sa panahon ngayon. wag naman pong mangyari pero pag may na quarantine order sa inyo, problem yan pano nyo declare kasi lalabas 6 agad ang apektado. makikita agad nila na lampas kayo sa max 6 na tao
hope maasyos nyo ito. better to discuss with main tenant kung pano ang gagawin nyo
@iamannedoi salamat kabayan.. @kabo di nakalista yun isa at di din nya sinabi sa may ari. I am not sure kung si Main tenant lang ba mananagot in case na malaman ng MOM?
@bennet pwede mo din nmn tanungin mna un MT sbhn m ln asp policy 6pax ln allowed. Bakit naing 7pax? Nagpa-sublet xa? Aware b owner 7 kau? Kung sakali kasi ma-random check kayo, hindi din ntn alam if damay kayo lahat kasi 1 bahay lang din po kayo.
@iamannedoi naging tatlong tenants yun isang room. Pag mas madaming tenants beneficial sa kanya kasi lesser yung share nya sa rent. Although lesser na din yun sharing sa PUB. Alam lang ng tenant is 6 kasi yun lang din ang nireregister at di naman ngpupunta owner dito to check.
@bennet ang prob nyo lang dyan, pag nalaman ng owner or may nag-report sa inyo, damay lahat kayo dahil pwede kayong mapaalis dyan sa bahay
and lalo na nga ngayong may covid, wag naman mangyari pero pag may isang naapektuhan sa inyo, pano nyo papaliwanag na 6 na tao ang mapapasama sa close contact
@bennet tama po c kabo. Maige tanungin mo un MT nyo habang maaga pa. Napakahigpit dito, mahirap na. Me mga nagrrandomn check po dito, mahirap na mtyempuhan kayo (wag naman po sana).
medyo ibahin k lang..
sa current na inuupahan ko ako at ang main tenant lang ang nagtatapon ng basura lagi which is nakaasar na din(kasi hindi na ako nagluluto). kaya lang naawa lang ako kasi senior yung main walang pake yung ibang housemates ??
kaya minsan want k nalang mag sariling unit.... so far yun lang naencounter ko at yung pag gamit ng washing machine walang pake yung iba sapatos nilalagay sa loob or walang limit sa pag gamit kahit dalawang tshirt lang ?
@juanderer kausapin mo main tenant, wag na kayong maglagay ng basurahan pero seryoso, para wala na silang matapunan
sa washing machine naman, need mo na main tenant yung mag-impose ng rules/schedule if ever kasi part yun ng responsibility nya as mt.
good luck sa mga pasaway mong kasama
@kabo hahaha oo kaso ibang lahi kasi e kaya hirap din ibat ibang lahi kami pero yun pinaka magandang solution
oo nasira washing machine namin dahil sa ganon masyado siya mabait walang rules dito. kaya abusado halos lahat dito e
lipat din ako after mag end ng contract ?
mahirap talaga walang rules. ang rules naman para maging maayos ang bahay. like sched ng pag lalaba. pero syempre may excepion. halimbawa na assign ka ng araw na yun sa trabaho at wala kang time mag laba, baka pwede naman maging linient d ba? dahil hindi naman palagi.
@Admin yap, nasa pag-uusap lang talaga. meron lang talagang mga pasaway na hindi maiwasan.
@juanderer tama, pag hindi na ok, lipat na lang. para iwas perwisyo at mas tahimik ang buhay
@Admin @kabo tama yun rules talaga kasi nung bumili siya ng bagong washing machine nung sunday ganon ulit nakita ko basa sa sahig yun tenant ulit gumamit mukhang kinancel e para mastop yung cycle ng laba tapos meron pa tubig sa loob ng tub..
tinawag ko yung main tenant sabi ko pag ganyan gumagamit masisira yan na naman bago lang yan washing machine no comment lang siya
kaya sisibat nalang ako dito hirap ng ganito kasama mo e walang pahalaga sa gamit hehee hanap ako ng solo unit na affordable hehe.
yeah hanap ng iba, ung walang sakit sa ulo. good luck bro.