I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

Extension of Special Pass after Work Pass cancellation

Hi Mga Kababayan,
Patulong naman po kung pano mag paextend ng special pass maexpired na kasi un 1 month ng stay ko dito after macancel un work pass ko.Kailangan ko lang po ng at least 2 weeks pa para mahintay un result ng bagong application ng pass ko?May mga cases na po ba na approved un extension?

Please comment po for help...salamat

Comments

  • @Bossing27 ang alam ko pong info ay kailangan mong magpatulong magpa-extend sa huling kumpanya mo

    good luck

  • @Bossing27 tama po si kabo. Magtanong po kayo dun sa huling employer nyo, sila po ang makakatulong sa inyo. Ganyan din po yung sa kakilala ko. Ingat po.

  • @Bossing27 at this pandemic condition, you may ask extension at ICA. i think they have lenient consideration for your case. All the best!

  • I don't want to sound negative po pero dalawa na po yung kakilala namin na hindi naextend ang pass at hindi rin binigyan ng extension ng ICA.

    I guess maluwag lang po sila sa tulad ko na tourist ang status, tuloy tuloy ang pagbigay nila ng extension since pumunta ako dito last March 2020.

    Kung hindi po iaapply ni former employer ng extension, I highly suggest na itry niyo pa din mag apply ng extension online, wala namang mawawala. Madali lang and within 2-3 hrs may results na. Maglagay na lang po kayo ng malupit na reason don sa application. Hehe!

  • Yes, sa turista po kay ICA.

    For ex-passholders, yung previous/last employer po ang pwedeng magextend sa kanila. Yung kakilala ko naextend xa pero 6days lang. Nagtry xa pa-extend kay ICA (via relative/PR-sponsored) pero pinabalik xa sa employer.

  • Helloo, @Bossing27! Same situation tayo. Ex-S Pass holder here and di rin ako narenew ng current company ko after ng 4 years contract.

    Share ko lang yung experience ko sa AySiEy kanina but before kami pumunta sa AySiEy tumawag muna kami sa hotline nila if pwede magpaextend ng Special Pass ang ex-Pass holder. Sabi nung officer via phone is much better pumunta sa AySiEy mismo and prepare ng mga documents na needed kasi hindi daw pwede magsubmit ng online extension yung mga special pass holder lang. No need appointment na rin sa case na kagaya natin.

    So yung mag documents na dinala namin:
    -Birth cert ko & ng sis ko na PR dito.
    -IC ni ate
    -Passport & Special Pass ko.

    Btw, binigyan muna ako ng form na ifi-fill up dun sa reception ng Level 4 then balik daw ako sakaniya pag tapos fill up-an yung form para bigyan niya ako ng queue no. Then nung nasa AyO na kami. Binigay lang namin yung mga documents na needed tsaka yung form. Nagtanong lang yung IO kung ano daw plano ko bat ako magstay. Sabi ko lang na may company na ipaprocess yung work pass application ko by end of this month. Then ayun, max 89 days din yung binigay sa akin. Dec 31 nacancel yung pass ko, then special pass ko mageexpire ng Jan 30 tapos after ng lakad namin sa AySiEy naextend siya till Mar 30. Wala ring biniyad si ate sa extension. Sabi lang ni AyO is make sure na maissue yung new work pass ko on or before mag Mar 30 kasi di na daw nila maeextend yun.

    I think tama rin si @carpejem, medyo maluwag yung AySiEy ngayon sa extension ng Visit Pass due to Covid. Cos ilang beses din ako nagpaextend ng SVP nung 2016 & sobrang strict ng mga napapatapat na AyO sa akin nun hanggang sa makahanap ng trabaho dito.

    Btw, pumunta rin kami sa EmOEm nung Wed. May binigay silang QR code para magsubmit ng extension ng SVP online pero yung huling company mo yung magfifill up ng details mo for this. Dapat may air ticket ka din pauwi na dated in the next 14 days saka lang nila iapprove yung extension mo. Dapat masubmit mo rin yung request ng extension mo 7 days bago magexpire yung SVP mo. Sobrang tight lang ng timeline pag sa EmOEm magpapaextend tsaka gastos ng air ticket din. ?

    Hope this helps! All the best sa atin hanggang sa maapprove ulit yung work pass natin, kabayan. Stay safe!

    carpejem
  • @junior kumusta un pass application mo?

  • @Bossing27 sa Feb 3 pa ako maapply ng pass. Ngayong week lang kasi magcclose yung job advertisement na pinost nila last Dec. Ikaw ba, naokay na yung work pass application mo? Nag extend ka pa rin ng special pass?

  • @junior wala pa din ako.Sa Feb 4 or 5 pa iapply din un pass ko pero un special pass ko hanga Feb 14 na lang po kaya need ko mag apply ng extension ng visit pass ang problema ko wala ako realtives na PR dito.Kung local sponsor ano po kailangan isubmit nya ?

  • @junior nag try ako magsubmit sa online application kahapon sa ICA un pang 3 days extension wala pa result ngayon.Pag hindi ito successful hanap pa din ako puede mag sponsor at magpapasama ako sa ICA.Gudluck po sa iyo...

  • @junior
    hi junior kakapunta ko lang sa ICA kanina para nga po manghinge ng extension for visit pass kasi maeexpire na nga nitong 14 feb. Doon pa lang po sa labas ng level 4 lumapit ako para manghinge ng queue number. Tapos po hiningian agad ako ng officer dun ng passport at yung embarkation card ko , sabi ko wla ako nun kaya ang pinakita ko yung binigay sakin ng company na letter para mag serve as my permit here to stay in singapore. Biglang sabi nung lalakeng officer hindi nga daw sila nag eextend. Hangang sa napilit ko c officer na makapasok sa loob , binigyan nya na ako ng queue number. Ngayon sa loob, yung ICA officer hinahanapan agad ako nung embarkation card. To cut the story short, hindi ako na extend kasi ang sabi under daw ako ng MOM kaya ang MOM daw ang makakapag extend sakin with the help of my ex- employer.

    Haaay bat ganun ???? recently ka lang nman din pumunta kaya mejo malakas loob ko na maeextend ako kahit 1 month lang pero hindi daw talaga at wala na daw silang magagawa.

  • Hi @Bossing27, omg ganun? May embarkation card tayo. You can ask it sa HR niyo. Kasi once cancelled na yung pass natin, meron agad si company makukuha na letter from MOM na stop na sila magpay ng levy if S Pass holder ka tsaka yung 30 days na SVP. If embarkation card gusto makita ng AySiEy sayo at makuha mo siya sa company mo, try mo ulit bumalik magbaka sakali ka lang.

    I forgot to mention pala sa previous comment ko yung about sa embarkation card ko. My bad. Sorry. Hindi rin binigay nung company ko yung embarkation card ko kung di ko pa hiningi sakanila. Kaasar. 30th Dec ako nacancel tapos nung 20th January lang nila binigay sa akin yung embarkation card ko. Eh 30th January maeexpire na yun. Pm mo ko, pwede ko ibigay yung sample embarkation ko para right document yung ibigay sayo ng company mo.

    Yung online extension ba, di nagwork sayo? Di ko lang sure pag local sponsor kung ano yung need dalhin sakaniya pero usually NRIC lang naman yung tinitignan sa AySiEy mas ok sana kung may first degree na next-of-kin ka na PR or SC tsaka proof kung paano kayo naging related. ☹️

  • Yung special pass na sinabi ko pala sa unang comment ko is yun din yung embarkation card. @Bossing27

  • @junior puede mahingi un sample ng embarkation card mo.Paki pm mo o send mo sa whazzup ko 86887191.salamat

  • Hi, nakapag extend po ba ung mga tao dito? Having thoughts of resigning but I am not sure if the company will extend the extension for me if magresign ako.

  • @iamjoyce Hello Kabayan, pag-isipan nyo pong mabuti ang inyong desisyon sa pagrresign kasi nga po hindi po ganun kadaling makahanap ng trabaho ngayon kahit saang sulok ng mundo. Or kung kaya humanap ng kapalit with valid IPA, saka na magresign (kung kaya lang po). Normally, previous employer talaga un pwedeng mgxtend ng pass kung sakaling kailangan nyo po. Good luck!

  • @iamjoyce - yes pwdeng i-extend yung EP Renewal, my employer extended my EP Renewal twice. (3 months per extensions).

    Then yung 3rd na-reject na, they just applied again a new EP for me. (6 months IPA).

    Check with your employer muna para sure ka and set the expectations properly.

  • @iamjoyce - if magre-resign ka you need to make sure na meron kang new employer at approved na yung IPA mo... "DONOT" resign if wala kang IPA sa new employer mo...

    Else once mag-resign (and S/EP Pass cancelled) you will be just given 30 days to leave SG.

    Walang U-turn ngayon na mag KL ka then balik SG... every new entry sa SG required ka mag 14 days quarantine that it will cost you $2200 SGD.

Sign In or Register to comment.