I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

Short Term Visit Pass validity after resigning

Good morning.

Plano ko po sana magresign (same day effectivity), hindi ako sigurado kung ung short term visit pass ay mandated na 30 days from date ng resignation or my power si company na bawasan ung 30 days?

Nag-aalala kasi ako, plano ko kasi same day ng resignation ko ung effectivity, for sure magagalit ung company kaya worried ako baka bawasan ung 30 days, plano ko kasi gamitin un para maghanap ng lilipatan.

Affected na kasi mental health ko sa opis, kaya mas gusto ko magresign na at mag focus sa paghahanap ng lilipatan. May active application na din naman ako, antay ko na lang result at ung application sa MOM.

Comments

  • depended yan sa time na icacancel ng HR nyo ang pass mo. pag same day at prinocess rin same day ng HR , clock ticks on the same day.

  • hindi ba pwede mag hanap ka muna before ka mag resign? I think mas safe yun.

  • @Admin , kakapirma ko lang job offer direct sa company kaso required pa sila ipost for 28 days ung role sa govt web site kaya matatagalan pa. tapos hindi pa sigurado if aapprove ung aypiey. Pero spass lang sya, sabi nung iba mas mataas daw chance maapprove ang spass na direct at perm. Totoo kaya to, may balita kayo?

    Sagad na kasi talaga ako sa company ko, kaso ngaun lang ako nakakakuha ng maayos na job offer kaya ngaun lang may chance makalipat. Itong last month ko sobrang pilit na lang ung pagtatrabaho ko, iginapang ko lang talaga.

    Kaso, tama ka nga mainam pa din na antayin ko talaga ung IPA. Kaso additional 3 weeks pa ung processing ng IPA, tapos less than 1 week pa ung medical, tama ba? Kaya mga 2 months pa ipagtitiis ko.

    Pag iniisip ko yang additional 2 months parang sasabog na ako.

  • @Admin , ang totoo nyan at one point kinonsider ko umuwi ng pinas ng jobless, kaso syempre ayoko magdesisyon based lang sa emosyon, mali kasi. Kaso mahirap din pala ung pilit na ang pagtatrabaho, may epekto din talaga sa mental health kahit anong positive thinking at pasensya gawin ko araw araw.

  • effective immediately yung resignation alam ko nakadepende pa din yan pinirmahan mo sa contract mo sa current company mo. 30 days talaga normally..

  • @nomad0430 if kaya pa, tama si @Admin antay ka muna ng AyPiEy para sa bago mong trabaho

    kung hindi na talaga kaya at immediate ang gusto mo, normally 30 days ang makukuha mo after cancellation. pero ayon na rin sayo, hindi aabot ang 30 days para makakuha ka ng AyPiEy/Pass sa bago mong inaaplayan. pag natapos na 30 days mo, malamang sa uuwi ka na ng Pinas. so hindi mo na rin maaantay ang bago mong AyPiEy kung sakali. dahil kung immediate ang resignation mo, medyo malabo na tulungan ka ng previous company mo na makapag-extend after ng 30 days

    kung ready ka naman na baka mangyari na umuwi ka ng Pinas na walang trabaho at talagang hindi na kayang tiisin pa, go with your plan. just be ready with your options after

    again, kung ako yan, igagapang ko na yan hanggang makakuha ako ng bagong trabaho.

    good luck at hope you arrive at the best decision for you

  • @kabo @juanderer salamat sa inputs nyo, subukan ko kung maitawid ko itong isang buwan pa, then check ulit kung kaya pa pangalawang buwan.

    tingin nyo malaki chance maapprove ang spass if direct at perm sa isang singapore telco? may mga nabalitaan ako (hindi sa company nalilipatan ko), kahit direct at perm either hindi narerenew or hindi pumapasa new epass or spass. or talagang unpredictable si mom ngaun?

  • @nomad0430 goodluck tatagan mo lang loob mo kaya mo yan..

    oo unpredictable kasi lalong tumataas cases. kaya mas ok antayin mo muna bago ka umalis sa current mo...

  • @nomad0430 kaya yan, tiis lang. idaan mo na lang sa dasal

    not sure sa telco pero sa mga kakilala kong nasa semicon, mas madami naman ang pumapasa either renewal or bagong pass. not sure ano ang current sweldo mo, pero yung mga kakilala kong hindi na-renew or nakakuha ng bagong pass ay yung mga nasa minimum ng spass ang sweldo. sa pareho mong may experience na dito, tingin ko ay need na mas mataas sa minimum ang sweldo. pero sabi mo nga, hindi natin hawak yan

    good luck

  • @kabo @juanderer salamat ulit. tiisin ko na ung next 2 months. kapit pa nang konte.

    juanderer
  • @nomad0430 sorry na busy sa work about this. nsa company talaga. ung slot ko para sa staff ko napinoy na nag resign kinuha ng ibang department. kung may slot sila na inalisan sure makukuha mo yan.

    "@Admin , kakapirma ko lang job offer direct sa company kaso required pa sila ipost for 28 days ung role sa govt web site kaya matatagalan pa. tapos hindi pa sigurado if aapprove ung aypiey. Pero spass lang sya, sabi nung iba mas mataas daw chance maapprove ang spass na direct at perm. Totoo kaya to, may balita kayo?"

  • @kabo @juanderer salamat ulit. tiisin ko na ung next 2 months. kapit pa nang konte.

    YES very wise decision yan. tiisin mo lang . remember palagi WORK is not LIFE. May mga mas importante like family. tsaka kapit lang sa taas. ganyan rin pinagdaanan ko ng 2008 dito s SG. may isang pesting kampon ng kadiliman na dyano na hinaraass ako for 1.6yrs . d ako makaalis sa trabaho kasi may bond ako sa agency na 30k SGD. imagine tiniis ko na pangaalispusta verbal at paninira sakin, pang yuyurak sa lahi natin... lahat yun ininda ko. kaya let it go 2 months lang naman. :)

  • Update po, ngaun ako iaapply ni new employer ng ay pi ey, within one week daw may result na. sana ok ang result. magpafile na din ako today

    @juanderer @kabo @Admin
    alam nyo po ba kung may guideline si em oh em kung magkano ung acceptable salary increase sa employees na lilipat ng company. kadalasan kasi naging offer sa akin for a direct perm role, 500-800 increase lang. ayaw magbigay ng employer beyond 1k, kahit i-haggle ko. wala din kasi masteral or new certifications na pwede ko gamitin to demand higher pay. work experience and skills lang inilalaban ko during salary nego.

    May mga employer din kasi na hinihingi ung last 3 months na payslip mo tapos dun ibebase ung salary offer.

  • @nomad0430 normally po, based sa last pay mo ang makukuha mong sweldo sa bagong kumpanya. depende na lang po kung ilang percent ng dating sweldo mo ang makukuha mo. base po sa mga kakilala ko, ang basehan ay yung sweldo at hindi yung kung magkano ang nadagdag. pero syempre, mas malaki ang sweldo, normally mas madaling ma-approve

    • no offense meant po, ang iaaplay po sayo ay pass and hindi aypiey. ang aypiey po ay yung nakukuhang resulta pag pasado ang application mo

    good luck sa bagong trabaho

  • @kabo may recruiter ako nakausap, sabi nya 1k lang daw maximum increment sa fixed monthly salary ang inaapprove ni MOM kaya kahit gusto nila magbigay ng malaking dagdag hindi na nila magawa.
    ex. daw is 4k current monthly, 5k lang daw max nila pwede ioffer as fixed monthly. otherwise irereject daw ni MOM ung application.

    hindi ko lang natanong kung bagong rule un sa MOM dahil sa current situation. naisip ko naman baka strategy lang din ni recruiter para hindi ako magdemand ng mataas na sahod.

    un po atang base sa sweldo eh ung type ng pass na pwede ka maapprove? considering also ung applicant's profile (experience, etc.).

    spass po ako currently, tapos more than 1k ung kailangan para sa epass eligibility ko, kaya ayaw ni recruiter ituloy ung application ko kahit daw within budget ung salary para makakuha ako ng epass.

    ganun pala un, mas mataas na sahod mas malaki ang chance maapprove. kaso nga lang minsan babaratin ka din talaga ni employer sa offer.

    tama nga pala, pass ung iaapply, aypiey ung temporary pass until makuha mo ung card.

    Sa ngaun inaantay ko na result ng pass application nung company, spass pa din ako. inisio ko na lang ok na din kesa mag tsaga ako sa current employer ko.

  • @nomad0430 hindi ko lang natanong kung bagong rule un sa MOM dahil sa current situation. naisip ko naman baka strategy lang din ni recruiter para hindi ako magdemand ng mataas na sahod - agree ako dito, baka dahilan lang nila yan

  • update ko lang po, na-approve na ung spass ko, next week pa medical exam ko pero nagfile na din ako resignation kanina.
    Sana walang aberya sa medical.
    Sukang suka na talaga ako sa opis, kaya sana tuloy tuloy na walang prob.

    Nagrender na din ako 1 month notice, ipahinga ko na lang para fresh at may energy bago makalipat sa new company.hehe

  • @nomad0430 good luck sa bagong byahe

  • @nomad0430 mabilis lang ang medical result. If this week ka papaemdical, same week ln din ang result. Good luck kabayan! Abangers ndn ako sa renewal ko, mag 2 weeks pending na this coming week. Hoping sa approval :)

  • Update ko lang guys. Naging maayos naman lahat. Nakapag-start na ako sa new work. Maraming salamat sa tulong nyo.

  • Hello po, yung STVP ko po kasi mag end na ng july 29. Naka receive po ako ng email galing sa MOM na pwede mag extend until 89 days max para maka pag hanap ng work. Guaranteed po yun once na nag fill out ka ng application para sa extension. Salamat po.

Sign In or Register to comment.