Visiting South Korea para sa mga KDrama fans! Visa Application in SG
Kumusta mga ka PSG. In case you are curious panu mag apply ng South Korea Visa from Singapore ang mga katulad natin Philippine passport holder. Share ko steps na ginawa ng family namin.
By the way, just a note FREE ang visa meaning walang visa fee para satin mga Pinoy PERO! dahil sa patakaran ng Korea Embassy, sa tulad nating PH passport , kailangan tayong dumaan sa Agency. Inask ko Agent na nakuha namin bakit. ito daw ay dahil sa binaha ng applicant ang office nila. at since nagrerent lang sila, nareklamo sila ng ibang tenant, so napilitan silang padaanin lahat sa ang applicant sa Agent. Sa Pinas Agent FREE!
So for the steps.
- Get an Agent - so far ang pinakamura at legit na Agent na kita ko ay si uncle Lim ng VisaLink Express service.
Legit sila dahil nasa list of appointed Agent sila ng Korea Embassy mismo. Ang takbukhan ng presyo ng agent ay 87sgd to 150sgd. Si VisaLink ay sumusingil lang ng 50sgd.
- You need to prepare your docs. huwag mag alala ipapaalam sayo ng agent at chcheck nila lahat bago niya ito kunin sainyo at isubmit. depende sa situation niyo. e.g. mag asawa lang, mag asawa na may anak, single, may mga needed na supporting docs. but mainly ang need i prepare ay
- Photo id - ung passport size pwede. nag print lang kame sa photo paper.
- Application form - bibigay to ni Agent. individual to per person kahit sa anak na sasama.
- Letter of Employment - may kailangan template dito , ibibigay to ni Agent dont worry
- photocopy of passport
- photocopy of IC
- marriage cert- if kasal at i-i-sponsoran mo si misis
- 3 months latest bank statement with transactions
- Birthcert ng child - kapag may anak na isasama
- Original Passport - huwag nyo kalimutan to. nakalimutan ko ibigay sa agent to nung binigay ko mga docs, so need ko kitain cya sa Korea Embassy para ibot ang original passport. (hassel at sayang pamasahe)
- Wait for 4 days approval
- Mabait si uncle ng VisaLink Express, dadalin nya passport mo sa office mo. syempre kung san rin malapit. bigayan lang.
That's it. Enjoy! visit nyo Iteawon kung san shinoot Iteawon class, or Goblin shooting locations
Enjoy enjoy while we can habang nandito pa sa SG.
Comments
Anyeung! Under C-3-4 ako noong kaya hindi nahirapan, nagkamali lang ako ng sinulat kong Passport Number sa application, kaya pinabalik, madali lang naman.
tips: lahat ng food sa myeongdong district at ice cream sa N Seoul Tower pag snowtime, kimchi everywhere, sulit na
lahat ng tourist spots nila accessible ng subway!
Cheers!
Ok din yung travel agency na Global Singapore sa The Riverwalk malapit sa Clarke Quay. Sa kanila kami nakakuha ng visa last year. Nag apply kami Sept. 27 then nakuha namin yung visa ng Oct. 6...flight namin Oct. 8. Buti talaga umabot. ?.
Mabait at Pinay pa yung nagassist sa amin. ?