I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

Need Advise

Ano po ba advise niyo if sa resume ko at sa online job profile ko ilagay ko yung address kung saan ako mag sstay tapos yung yung e submit ko sa employer pero sa dec 31 pa yung alis ko pero apply apply na ako whil dito pa ako sa cebu. Tapos mas maganda ba if peso to US dollar then US dollar to SGD or ok lang yung peso to SGD agad. salamat sa mga mag ccoment.

Comments

  • You can try naman, pero I'm sure ie-expect nila na nandito ka sa SG and available for a personal interview. Yan kasi experience ko. Try mo nalang itanong if amenable sa kanila tele/video conference for interview.

    Ako, I suggest ilagay mo yung SG address 2-3 weeks before yung alis mo. Tapos dun ka mag start sa mga application (most companies kasi 1-2 weeks bago nagse-send ng rejection or interview schedule e-mail). Para pag may nag contact sayo, you can tell na nag bakasyon ka lang at available ka for personal interview by 1st week ng January. Kung serious sila sa'yo, bibigyan ka nila ng schedule.

    Diretso PHP to SGD ka nalang. Pag bumili ka kasi ng USD sa Pinas mababawasan yun, tapos pag pina-forex mo sa SG baka may bawas ulit. At least pag PHP to SGD isang bawasan lang.
  • same thought with @arvs0z , double black eye ka pag two times papalit. :)
  • thank you @arvs0z and @Admin ano po advise niyo sa cebu ako mag papa change ng SGD or i'' bring peso tapos sa lucky plaza nalng ako pa change fro peso tp SGD? Thanks!
  • mas ok ang rate ng PHP-SGD exchange sa SG, pero take note may limit kasi na P10,000 ang pwede mong dalhin palabas ng Philippines (sa iba, correct me if I'm wrong). So kung balak mo magstay ng ilang linggo sa SG, malamang di naman kakasya yung P10k. So best if dyan ka na sa Pinas magpapalit.

    Or kunwari 40k budget mo, yung 30k ipapalit mo na to SGD, yung P10,000 dalhin mo sa SG at saka mo ipa-forex kung kulang yung funds mo.
  • Thanks @arvs0z last tanong na po, sorry sa dami kong tanong :) anong advise mo is dito ako mag print ng mga resume sa cebu para sa walkin applications or dyan na SG? wla kasi akong laptop peri may internet cafe namn dyan. Thanks
  • pwedi ka magprint jan itago mo lang s wallet mo bka ksi mkita ng OI mahold ka pa
  • edited November 2016
    @geeco_yoga kami ni GF ko, lahat ng documents pertaining application, resume, TOR, diploma, etc. Pina-LBC namin ahead of time sa kakilala namin dito sa SG before kami pumunta. Kasi baka magkahalungkatan sa IO sa Pinas/SG which is nangyari nga when we tried to enter SG from JB. So walang nakitang kahit ano, nakapasok ulit kami kaso follow the ticket pa din si GF (1st exit), ako may IPA na that time. Mahal kasi magpaprint dito. Advise ko is gawa ka softcopy sa isang USB ng lahat ng docs mo, tapos pagdating mo dito, paprint mo na lang sa office ng friends mo. LOL. Nakatipid ka pa. XD
  • Ako yung resume and docs ko sinama ko sa check-in baggage ko. Kung wala ka check-in baggage, much better if isave mo nalang sa flash drive lahat ng soft copy tapos pa-print ka nalang sa SG. Pag pina-halungkat kasi ng IO yung bag mo at may nakitang resume/TOR/Diploma, for sure offload ka na.

    Anyway, my advice is try your best na makahiram ng laptop (kahit sobrang luma basta may wifi at kaya mag browse ng net at MS Office) bago umalis. Super scarce ng computer cafes lalo pag labas mo ng city. Sayang din kasi yung opportunity na makapag-apply online, lalo na pag gabi and weekend. Or try to check sa tutuluyan mo kung may desktop PC/laptop sila na pwede mo mahiram, kahit rentahan mo nalang. :smile:
  • ok namn cguro sa smartphone ko diba? nka set na lahat pating yung online account ko. pero cge follow ko advise niy @jrdnprs and @arvs0z yung ibang dosuments ko kasi malaki di ako sure if kasya sa scanner lalo na yung diploma ko. pero may saved documents namn ako sa google drive ko. if kunwari mag eexit kami sasamahan namn ako ng boyfriend ko pero di ko dadalhin yung mga documents sa bahay ko lang iiwan, ok namn yub diba? :)
  • @geeco_yoga.. Ako ang ginawa ko since mas mura jan sa pinas. Nagpaprint na ako lahat2 tor diploma certfcate etc.. tapos nilagay ko sa isang folder kasama ng mga original docs ko. Nilagay ko din sa hand carry na luggage ko wala akong check in baggage eh. Hand carry lang talaga pero ung maleta ko pang 15k baggage. Pinagkasya ko lang lahat. Hindi naman nila ipapabukas baggage mo eh. Malay ba nila na mag aapply ka dito. At suot ko that time pantalon at t shirt no make up din. Normal lang. Wag ka pa obvious masyado pag tinaning ka nila if anong ggwin mo sbhn mo bakasyon lang. Isang tanong isang sagot wag mo nang dagdagan. Tapos tiger air ang bilhin mo ticket ndi sila mahigpit sa baggage unlike sa ibang airlines.10k hand carry allowed pero mga 14-15k pinapayagan nila. Ndi sila mahigpit. Yon lang.
  • case to case yan..kahit save mo pa sa external drive pag nkita yan ng IO sa SG papaopen din nila yan, ang pinaka safe is send mo sa email mo or email ng bf mo tas print mo nalang sa kanya tipid pa..pagdating ditto..yung original dpa nman kelangan yan kahit nga iaapply kna pass photo copy lang ggamitin..just incase need nila original pa LBC mo nalang.
  • edited November 2016
    naka bili na kasi ako ng cebu pac 20 kgs yung printed ko sa IT tapos bumili ako ng additional 10kgs so 30kgs na lahat pero may bago akomg ticket na 30 kgs na yung baggage ko pero yung e bibigay ko sa immigration yung original which is 20kgs lang ok ba yun? di namn cguro nila malalaman diba? at cguro gagawin ko e pa LBC ko nalnng yung documents ko. @stacey
  • take note mas mahigpit mga IO sa mga babae..
  • sa google drive @reyven parang cloud online link sa email so hindi ako mag dadala ng external drive kasi mahal yan hehe..
  • cge good luck syo..update mo nalang kami dito if meron kna work hehe
  • @geeco_yoga ok lang naman siguro. sa National Book store kaya nila mag scan ng A3 sized documents (size ng diploma ng most universities/colleges), pwede mo ipascan doon. P40 lang ata.

    Basta be confident lang sa IO para di na umabot sa pagkalkal ng kung anong personal items. God bless at balitaan mo kami pag dating mo ng SG :smile:
  • Yup I will..oo kahit di ko first time mag out of the country nakakaba pag pila kana sa immigration. :)
  • edited November 2016
    @geeco_yoga there's no need to worry. Wag ka lang pa-intimidate. Dahil ang mga IO sanay yan kumilatis. :)

    As for the smartphone, binulatlat din phone ni GF ko, tiningnan FB inbox at personal email nya. Safest is sa cloud or sa ibang email add mo isend mga softcopies.

    If papafeel mo sa kanila na kinakabahan ka, masesense nila yun. Tama yung gagawin mo, leave no trace. Ipa LBC mo na lang lahat almost P1.5k yata binayaran namin nun for all our docs. Hindi mo alam kung ano pwede mangyari once nagkabulatlatan na ng gamit.

    If mageexit ka naman, iwan mo lahat ng docs mo sa SG, wag ka magdala kahit ano palabas/pabalik ng SG.
  • edited November 2016
    mahigpit din ba ang IO sa cebu?
    dito naman wala naman problema.. hingi kalang ng copy ng passport at IC ng boyfriend mo at letter baka hingin..

    basta iwasan molang magsuot ng sexy, shorts.. etc.. makeup wag narin.. :)
  • @jrdnprs sa cloud ko nalng e ssave lahat at timing din na may kasama cyang nurse na uuwi dito sa cebu ipapadala ko nalng sakanya para iwas gastos. Plan ko din na e delete lahat ng messaging apps sa phone ko tapose re download nalng pag dating ko dyan.

    @Vincent17 hahahaha di ako nag mmake up po :smiley: Di ko alam if strict ang immigration dito sa cebu kung outbound passengers to Singapore pero so far sa ibang countries hindi namn, konting questions lang.
  • Hi san po ok yung rates ng palitan ng PHP to SGD dito sa SG?

    Important po ba na may address yung resume? Ever since kasi walang address resume ko pero sa thread na to ang advice ilagay SG address sa resume 2-3 weeks before arrival.

    Thank you!
  • @daleC yes importante po na may address, kung san kayo tutuloy or tumutuloy.

    Tingin ko po mas ok sa airport magpapalit ng PHP to SG,
  • Kung mapapadaan ka sa The Arcade kasi kabikabila ang mga money changers doon.
Sign In or Register to comment.