I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

SG EPass Status

Bakit po kaya ganun? Meron po akong pending na application ng EPass sa MOM last Nov 1 pa submitted by the employer. Pero until now pending padin? May mga kaibigan kasi ako na nagwork na sa SG pero yung epass nila 3-7 days approved na daw. Normal lang kaya yung saken? TIA
«1

Comments

  • @klvnjhnsnts Kelvin John Santos? Lol. Wait mo lang, importante nakaapply at pending ang status at hindi denied/rejected. Baka may mga kinakailangan idouble check ang MoM sa papers at application mo. Kalma lang muna, pina cancel mo na ba yung previous pass mo? O first time mo magwork dito?
  • edited November 2016
    @jrdnprs oo haha tama. first time ko kase kaya hindi ko alam kung normal lang yun anyway thanks sir :smile:
  • Nasan ka? SG o Pinas o nakaexit sa *insert country* here?

    If nasa Pinas ka, okay lang yan. Wait mo na lang until may definite result na yung application mo.

    Kung nasa SG ka ngayon at 1 month lang binigay sayo, need mo magexit to buy sometime until lumabas IPA mo.

    Kung naka-exit ka naman ngayon sa Malaysia/Indonesia/Thailand, max mo na lang tourist visa mo until lumabas IPA mo.

    If aabutan ka ng expiration ng tourist visa at wala pa din result application mo, balik ka na lang Pinas. Dun mo intayin yung result. Magpasko at bagong taon ka nalang muna satin. :D
  • Nasa Pinas lang ako dito ko nalang hihintayin hehe. Thanks sa mga tip sana ma approve. :smile:
  • May mga kakilala din ang na 2-3 days lang approve na EP, pero meron ding 2-3 months na pending ang EP application. Wala talaga definite na time, it's a waiting game.
  • Most likely may naipit na verification/fact check dun sa documents na pinasa, or sa employer mo mismo. Meron din ako kakilala 40 working days daw bago nag ok yung spass nya. Akala niya nung una wala na, lagi niya chinecheck status sa website. Pero ayun bigla tumawag yung employer na na approve na. Kaya kapit lang and good luck!
  • Hi @jrdnprs! Ask lang po let's say if kelangan ko mag exit from Sg to Jb, kelangan ko din magprovide ng return ticket from Sg to Ph tama po ba?

    Salamat. :smile:
  • @siopau If nagexit ka ng JB tapos papasok ka ulit ng SG at wala kang IPA, oo need mo magproduce ng return ticket from SG to PH. Kaso risky to. (Either follow the ticket ka or A to A or if swerte baka makalusot ka pa din if medyo maluwag IO na mapipilahan mo.) I would suggest na intayin ang IPA sa JB before ka pumasok ulit ng SG.
  • So kapag may IPA na po at pwede ng bumalik ulit ng Sg (from JB) safe na po ipakita sa Malaysian IO and Singapore IO yung IPA letter? Maraming salamat po @jrdnprs :)
  • Sa malaysian officer worst case peroi wouldnt consider safe kaso may mga modus rin ang ibang my io. Sa sg io alam ko safe.
  • edited December 2016
    @siopau , since pa-exit ka naman na ng Malaysia dahil eenter ka na ulit ng SG based on our personal experience, wala kami naging problema sa IO ng Malaysia. Kahit dito sa SG pag paalis ka na, yung IO tatatakan lang passport mo, wala ng tanong tanong. Ang problema mo lang is yung pag enter ulit. Kasi dun ka na isscrutinize. So, if hindi ka naman tatanungin ng Malaysian IO paglabas mo ng Malaysia, no need ipakita IPA. Pero pagpapasok ka na ng SG ulit, need mo ipakita IPA mo sa IO ng SG. Checheck kasi nila yan sa system nila. Maooffice ka but no need to worry.
  • Okay po @Admin & @jrdnprs Malinaw na malinaw po. Salamat po sa clear and swift response. :smile:
  • Hi! Ask lang po ulit @jrdnprs. Currently nasa Sg po ako and may approved IPA na dn po ako. Pero pinageexit pa dn po ako ng employer ko sa Jb kase Dec. 15 end ng visit pass ko and Dec. 19 po ang start date ko sa work.

    Advise nya mag exit na this weekend kasama po yung local friend ko and no need to book any ticket na daw po.

    Safe na po kaya yun since may IPA na po ako and pwede po kayang balikan dn ako within one day? Salamat po.
  • edited December 2016
    @siopau punta ka MOM, hingi ka letter sa employer mo at paprint mo ung IPA mo, then doon ka magpaextend.
    no need lumabas ng bansa.. :)

    kung gusto mo makasigurado tawag ka sa MOM or ICA..

    Congrats..
  • Aww. Ang gusto po talaga ng employer mag exit pa dn and iprovide ko daw sa kanila yung disembarkation card na ffill-upan ko pagkapasok ng Sg.

    Anyway, salamat po sa advice @Vincent17
  • edited December 2016
    @siopau may embarkation card paba once pinakita mo IPA mo sa IO? sorry diko magets gusto ng employer mo kahit approved na pass mo hehe..

    anyway balitaan mo nalang kami..

  • Yun nga dn po ang ikinakataka ko. Baka nga kapag pinakita ko na yung IPA ko, malamang idisregard na nila yung embarkation card ko.

    Cge po. Update ko na lang kayo.
  • @siopau, sa experience ko nung nagexit kami at may IPA na ako papasok ng SG, nagfill up pa din ako embarkation card. Tapos inabot ko sa immigration counter, tapos sabi sakin bakit walang nakalagay sa length of days na magsstay sa SG, kasi di ko na nilagyan. Sabi ko may IPA na ako. So ibinalik sakin yung embarkation card, sabi dadalin ako ng office, nung nasa office na ako, kinuha passport ko, embarkation card at IPA, may chineck sa system, then binalik din lahat sakin.

    "Siguro" naman kahit mag-u-turn ka okay lang kasi may IPA ka na. Kahit siguro mga ilang oras stay ka JB, pasyal pasyal ka na din. Saka ka bumalik. Lalo na at may local ka na kasama, hindi naman siguro magkakaproblema.

    Anyways, congrats and share your story after so others will also have ideas kung sa kanila naman mangyari yung case mo.
  • edited December 2016
    Okay po @jrdnprs Maraming salamat po sa walang sawang pagsagot sa mga tanung ko. :)

    Cge po after everything, share ko po lahat ng experience ko. Dito din po ba mismo sa thread na to?
  • @siopau babae ka ba? ang weird kasi na pinapa-exit ka sa JB ng may kasama.
    kung may IPA ka kahit di ka na mag exit, ok na yung IPA temporarily while waiting for na i-submit ng employer mo yung declaration sa MOM for registration ng pass mo or renewal.

    nakita mo ba mismo yung IPA mo? o verbal lang sinabi sayo?

    kapag may na IPA kasi, ang next step eh yung registration na, pipirma ka at yung employer mosa declaration form, tapos submit yun ng employer sa MOM kasama ng disembarkation card(number + date), kapag submit sa MOM, pwede na schedule yung registration mo, kaya kailangan nila ng disembarkation card mo, pero pwede na yung current hindi na kailangan mag exit ulit para maka kuha ng bago.

    may malabo na nagyayari sa case mo na pinipilit ka mag exit.
  • @siopau Hi! Pwede po ba malaman gaano katagal bago naapprove employment pass nyo? Pending pa rin yung sakin after 15 working days :( normal ba to these days? huhu
  • baka nman FDW or Work permit binigay kay siopao?
  • @tambay7 Opo babae ko. Yesterday mineet ko po yung HR ko and kakapamedical ko lang dn kahapon. Tinanung ko kung bakit kelangan pa dn umexit ako kahit may IPA na ako. Sabe nya kase after approved IPA, aayusin din nya yung pag apply naman para sa Pass ko para sa Spass Card mismo (medyo nalito ako pero pinilit ko na lang intindihin)

    Opo nakita ko yung IPA mismo. May nakasabay din ako. Same na same dn kame ng condition and pinag eexit dn po sya. Bukas po ako mag eexit.

    @medtech123 days lang po bago napprove yung pass ko. Pero wala po kase clang basehan kung ilang araw talaga dapat maghntay. Deoende po sa MOM.

    @reyven Spass po ako kuya.
  • baka hindi lang familiar yung HR niyo sa process, kung gusto nila mag exit ka edi mag exit. Goodluck and Congrats since may IPA ka na, onting hintay na lang for the actuall pass.
  • Ganun na nga po cguro kuya. Sinuggest ko din po yung extension sa ICA, exit pa din daw. Hehe. Salamat po. @tambay7
  • @siopau Talaga? Anong date ka inapply? buti ka pa. Congrats po sayo! :) Swertihan lang talaga. Wala rin magagawa kundi mag antay lang talaga.
  • edited December 2016
    Actually po second job ko po 'to sa Singapore. So yung 30 days na Visit Pass ko eh yun yung binigay saken after my pass was cancelled sa former work ko.

    Naka exit na po ako yesterday 12pm and balik din po ng mga 10pm. Smooth naman po lahat sa awa ng Diyos. Yung pag exit ko lang sa Malaysia Immigration medyo nag pause yung IO for a while parang nag iisip kung tatanungin ako pero chop na lang din sya sa PP ko since ayaw talaga nila na balikan lang in one day kase alam nila strategy yun na ginagawa ng mga foreigners para maka enter ulit sa Singapore, pero in case na tanungin ako sabe sakin sabihin ko lang na nagshopping ako and may new work na ko

    Sobrang dami po ng tao, 1 hour plus kame naghintay pagpasok sa Jb kahapon kase sabe nila December and lalo na Saturday pa po.

    So pagbalik po ng Sg pinakita ko yung IPA letter ko and yung filled up Embarkation Card and sinend ko po sa HR namin yung Embarkation Card na hinihingi nya. Hehe.

    Yun lang po. Sana nakatulong yung experience ko para sa iba. Salamat po ulit. :smile:

  • @medtech123 Nov. 29 po inapply by the following Monday po nun na approve na. Opo swertehan din talaga. Nasa Sg po ba kayo? Wait nyo lang po.
  • Sakin naka pending pa for almost 2weeks. Nasa thailand ako ngayon nag exit. Umabot ba ang iba ng 2mos?
Sign In or Register to comment.