I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

Employment agency sa sg may modus

Share ko lng experience ko sa isang agency sa sg,. May tumawag sa akin na agent pinoy sya, ngayon nag offer ng trabaho, e pass daw pro 1500 ang sweldo, so hindi ko kinagat alam kong illegal yun. Then tumawag uli yung isang agent na ksamahan nya, mas malaki namn ang offer 2k pero wag ka, 4000 ang fee. At hinihingi na agad ang kalahati, remember sa phone ko lng kausap ni ndi ko alam ang real name kc alias lng ang pkilala pero sinabi nmn nya kung anong agency sila. Ngayon ang sabi kailangan ko na daw mgbigay ng half ng 4k. Nagbigay ngayon ako ng araw ng punta ko sa agency, pero as in nagmamadali gusto kinabukasan na agad. Tapos ang sabi may iba na daw ipapalit kpg di ako nkapag bigay ng 2k. Kung wla daw ako time pumunta sa office nila, ihulog ko nlng daw pera sa UOB account na ibibigay nya, haller, sino nmn tanga ang maghuhulog ng ganong kalaking pera via UOB account na ibibigay nya. Ni hindi ko pa nga nakikita pagmumukha nya, malinaw na malinaw na isang modus, ang masakit,kapwa ko pa pilipino ang mang gugulang sayo. Kaya payo ko sa mga job hunters dito, wag kyo mgpapaloko, matamis lng ang dila nila sa pang eenganyo pero sa huli isa lng ang motibo nila ang makapangloko ng kapwa.

Comments

  • @luckygurl thanks for sharing. basta rule of thumb wag mag babayad kung walang contract na pipirmahan na tanggap ka na at make sure na ma approve muna ang PASS kasi maaring may pinirmahan ka na na tanggap ka or offer letter pero reject ung pass approval.
  • @luckygurl tama yan ginawa mo.. hanggat hindi naaapprove pass mo wag maglalabas ng pera.

    may iba pa nga iaapply daw ng pass pero need magbayad ng 300. non-refundable daw hehe.
    after ng isang araw bye bye 300 kasi rejected. kahit alam nilang wala silang quota apply lng ng apply..
    (pero may bayad naman talaga ang application)

    ang teknik nila.. iaapply ka ng pass, tapos katabi kapa nya sa computer habang nagkekey-in ng details mo. eto naman si pinoy paniwalang paniwala kasi nakikita nya. aang masakit doon kapwa pinoy mopa manloloko sayo..
    (just sharing)
  • i-report nyo agad sa mom at police, ara magka entrapment. may online/phone scam campaign ang polisya ngayon dito, kasi nag lipana ang ibat-ibang klase ng online/phone scam. kaya aaksyonan agad yan para may ma sampolan. kaya ayaw tumigil ng mga yan kasi hindi na sasampolan kais walang nag rereklamo, kahit kapwa pinoy pa yang mga yan i-report niyo ng maparusahan at maging halimbawa, minsan magugulat ka pa na yang mga yan mismong pinoy na tumatawag na yan eh mga wala ding pass o false declared din ang mga sweldo nila.
    sarap sana ma sampolan ng mga yan.
  • Parang kilala ko po yang tinutukoy nyo hehehe. Sa may Beach Road ba banda office nila? Hahaha
  • Sa luckyplaza po, ibig sabihin pala maraming agency na ganyan ang gawain.willing naman sana mgbayad ng fee basta sigurado.
Sign In or Register to comment.