I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

Global Recruitment Consultancy Pte Ltd

Hi All,

Any feedback on this recruitment? Dami niyang job opening sa mga jobsites. Thank you

Comments

  • Nag apply na ako diyan, peperahan ka lng niyan. Hihingan ka ng 500sgd pra daw i market ang cv, pero, matatapos na ang svp mo wla prin silang feedback, tapos after 1 month mo pa marerefund ang 500, paano kung xpired na svp mo, goodbye 500 na. Buti nlng yung sa akin, yung husband ko ang nagrefund. Marami silang job hiring pero di ntin alam kung totoo ba yun.
  • Noted Admin and luckgurl.

    Thank you
  • Hi, i just received a call from global recruitment. Tanong ko lang po if may nakaka alam. If holding ltvp+. No need na ng pass po dba? LOC lang. Dapat pa ba ko magbayad ng key in?
    Tia
  • edited December 2016
    Mga kabayan, yung mga agency na nanghihingi ng bayad (from $100-$1000) para i-market daw yung resume/cv niyo. Red flag na po iyan, huwag na ninyong patulan, yung "marketing" ng CV kayang kaya niyo gawin yan, in fact ginagawa niyo na sa tuwing nag bbrowse kayo sa job portal na nag aaply online. In fact karamihan ng mga agency na yan ay hindi pinapansin ng mga tinatawagan nila at pinag sesendan nila ng resume niyo.
    Para lang kayo nag hire ng virtual assistant, ang masama pa hindi niyo alam kung saan nila sine-send ang resume niyo,o kung ini-edit nila ang resume niyo, kung anong/sinong employer, anong job description, sasabihin lang nila kapag tapos niyo mag bayad ng susunod na fee to process your application.
    Mas mainam na kayo mismo ang nag hahanap, nababasa niyo ang job role and description, alam niyo kung sakto yun sa skills and experience niyo at alam niyo ang employer, wala pa kayong nilabas na pera.
    Nag co-cold calls and unsolicited emails lang din yang mga small fries na recruiter na yan, gaya niyo umaasa sila na may mag reply at pumansin sa daan daan nilang tinawagan at inemail.

    At the end of the day kayo ang talo, kasi umaaasa sila na hindi na kayo mag hahabol ng refund o nakalabas na kayo ng bansa at wala ng capacity na mag refund.

    Makipag transact kayo sa mga recruiter na nagpapabayad lang kapag hired ka na at approved na ang pass. Sila yung maayos kasi ang bayad ay after the successful service na na provide nila hindi yung wala pa ngang serbisyo ay nagpapabayad na agad.

Sign In or Register to comment.