I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

Finding a job in 2017. Is it harder?

1246711

Comments

  • @carpejem regarding po sa answers nyo sa #2 considered po ba as O Level yung mga nagtake ng degree under ETTEAP program ng pinas at kapag N Levels ito po ba yung mga nag traditional school?

    Isa pa po question ko 13 years experience po as an Operations Clerk pero fresh grad lang po ako under ETEEAP program, Undegrad of BS Information Tech 3rd year. Nagresign na po kasi ako sa work at plano ko yung makukuha kong separation pay yun ang gagamitin ko pang gastos para makapag walk in ako jan sa sg. Hows my chances of getting a job in SG po kaya? Galing na din po ako jan sa Sg 1 week vacation lang recently lang din po. Kaya eager na din ako makapagwork jan.
  • Hello. Im back! Just want to ask if okay po ba ang choa chu kang as a good location for jobhunters? Ang taas po ng sgd 37.03 na sya sa google. Would that indicate anything sa economy, hiring, etc?
  • edited July 2017
    choa chu kang ay mejo malayo sa city pero wala namang malayo dito sa sg. lahat naman naabot ng bus/mrt
  • @qwaszx malapit ba yung sa MRT sa Cho chu kang?
  • Thanks po. 700 sgd para samin dalawa fair enough na po ba yung price choa chu kang po location?

    Tapos kakasya na po ba maximum 2 months ang around 2700 hanggang 3000 sgd? Para sa dalawang tao naghahanap palang ng work?

    Thanks po
  • @qwaszx ung 3000 kasama na un upa sa room?

    ALL IN naba ung 700? kasama na kuryente etc?
  • Hindi pa po all in yung 700. Equally shared pa daw yung pub. At opo kasama na po yung 700 sa 3000. So 2300 nalang haha. Hindi yata kaya noh? Kahit magbaon kami mga delata?

    Better pdin po ba atleast 4000sgd dala namin? 100,000php palang kasi sure money namin eh. Eh given sa laki ng sgd ngayon, yung 100k namin, almost 3ksgd lang.
  • @qwaszx magkano daw average PUB nila per month? so pag palagay muna ng 50 each.. so 800 na un. kung 2 months 1600.

    mga 4-5K siguro para sigurado.
  • Naku ang laki naman pala ng kailangan. Siguro kaya namin hanggang 4k. Pero 5ksgd, hindi na.
  • And palagay natin 4ksgd madala namin, hindi ka kasama dyan yung pag exit and all noh? If ever lang naman. Wala po sa goals namin umexit.
  • edited July 2017
    @qwaszx Pwede kang mag Bus 190 mula CCK interchange papuntang city.Mabilis lang byahe.Sana malapit sa MRT/interchange yun para pwede lakarin painterchange para tipid.
  • "And palagay natin 4ksgd madala namin, hindi ka kasama dyan yung pag exit and all noh? If ever lang naman. Wala po sa goals namin umexit. "

    @qwaszx wait lang ha.. wala sa goals nyo mag exit, eh pano pang lampas ng 30 days wala ka pa na hanap tuloy tuloy lang ganun? ganun na ba strategy mga kabataan ngayon....
  • edited July 2017
    Hi i mean po gagawin padin naman lahat para magka work agad within 30 days. Pero at the same time gusto din namin maging handa if ever need mag exit. Wala po sa goals namin kasi pipilitin padin namin magkawork wihtout needing to exit. Wala po kaming balak gawin na illegal like overstay or malagpasan 30 days svp. Gusto lang po namin maging ready sa lahat ng pwedeng mangyari. At gusto namin on budget lahat. Wala po kaming balak lumabag ng kahit anong rules ng sg. Sorry po if u got me wrong @Suddenly_Susan
  • @ezzy pinrint screen ko po reply nyo. Di ko pa sya ganun naiintindihan ngayon pero will take that as a reference pag dating dun. Thanks po hehe
  • edited July 2017
    "gagawin padin naman lahat para magka work agad within 30 days"
    iha hindi nakasalalay sayo ang pagkakaron mo ng work dito. at ang makahanap ng work within 30days ay napakataas na pangarap. pero gaya ng lagi kong sinasabi, kung para sayo ang trabaho para sayo yun.

    tbh napakahirap maghanap ng trabaho dito. ako na matagal na dito nagtatrabaho at nagtry ako magsubmit submit ng resume ulet pero walang nagrespond sa akin

    on another note, hindi nyo naman kelangan mag exit agad, pwede kayo mag e-xtend at kung papalarin na ma approve mabibigyan kayo ng another 30 days at hindi nyo na kelangan mag exit.
    i-google mo na lang kung ano yung e-xtend kung hindi mo pa alam
  • Opo mam thanks po. Nabasa na din po namin yung e-xtend. Yun naman po ang plan namin, mag extend muna tapos kung hindi na approve, tsaka kami mag exit. Gusto lang talaga po namin na on budget kami sa 2 months na plan na stay namin sa sg for jobhunt. Open naman din po kami sa lahat ng possibilities. Positive and negative. Ang ayaw lang po namin is yung may hindi kami napaghandaan ng maayos. Malaking bagay din po kasi kapag handang handa ka at alam mo lahat ng gagawin kapag dating mo dun. Anyway, thanks for replying po. @alingnena
  • edited July 2017
    Upon reading sa mga comments parang discourage nyo na agad yung mga mag hahanap ng work, sa akin lang po ha wala pong personalan....serbisyo lang po......PASOK.... @qwaszx just enjoy your stay here in Singapore and always think positive and keep praying....Do you believe in horoscopes?" I often resort to Zenaida Seva's famous line, "Hindi hawak ng mga bituin ang ating kapalaran. Gabay lamang sila. Meron tayong free will, gamitin natin ito."
  • @Bert_Logan hindi naman sa ganon. syempre dapat alam nila ang worst scenario para mapaghandaan. mas maigi na yun kesa naman aasa sila na madali pero in reality ay hindi naman.
  • @alingnena may point naman kayo .....kaya kayong magbabalak maghanap ng work wag nyo na try at wala kayo mapapala....lol.....prepare for the worst ....di kayo makakahanap ng work dto .............lol ....just joking lang po....try nyo lang kung swerte nyo swerte nyo......kung kapalaran nyo maka pag work dto then it is your destiny....good luck sa lahat ng nag try makahanap ng work better na nag try kesa sa hindi atleast di kayo magsisi balang araw na kesyo bakit dko try........GOD BLESS to all
  • @qwaszx that's good na open kayo kung ano man ang magiging result ng pakikipag sapalaran nio dito.
    godbless
  • Hi @Bert_Logan thanks so much for that reply. Super needed that at the moment. Been browsing in this forum since last year every single day and I know that there are more sad stories than successful ones. Pero gusto talaga namin itry. Masayang man ang pera namin the end, hindi naman mananakaw sa amin ang experience kahit kailan. It's either going to be one of the few successful stories or a lesson learned for the both of us. Wala kaming talo sa huli.

    Syempre hindi ko rin maiwasan bilang babae na malungkot sa mga replies ng kababayan natin noon. Pero now I'm just taking that as challenges to prove myself better din. Kasi wala din naman mangyayari kung mag iiyak ako. I know there's more to come na ganyan pagdating sa sg mismo. Anyway, thanks again! Godbless you po.

    @alingnena we appreciate po all the replies kahit good or bad. Kasi in the first place kami naman po ang nagstart ng thread. It's up to us naman po kung itatake namin yung mga negativity. And it's better parin na alam namin ang estado ng job hiring ngayon. I'll keep on posting questions until our flight date to the day we arrive in sg and please be there padin po to guide us. Thank you.

    Hi @Vincent17 thank you so much po. Yung mga godbless and goodlucks from ofws sa sg is very much needed. Thanks po. Godbless din.
  • edited July 2017
    @qwaszx , recently I have been a silent reader here. Dati ang sipag ko sumagot ng mga tanong, kaso meron kasing nambara at nambastos sa mga comments ko kaya huminto na lang ako. LOL.

    I remember answering your queries for quite sometime. I don't know if you still remember.

    You are so positive. Good thing yan. Claim it.

    Flashback: I remember my gf pushing me almost everyday to try our luck here sa SG last year. Sya din yung sobrang risk taker saming dalawa. Syempre ako tong takot, ayoko talaga. Pero in the end, I must say na yung risk ng pagpunta namin dito yung isa sa mga turning point ng buhay naming dalawa. Ngayon, nagiipon na ko ng pampakasal namin. LOL.

    Ang motto namin nun ay, kung makahanap ng work, thank you Lord. Kung hindi, thank you Lord pa din.

    Tama ka, maging successful man o hindi, it will be a very meaningful time sa buhay nyo ng bf mo. At least magkasama kayo na susubok.

    I can only wish you and your bf good luck.

    Kung hindi nyo susubukan, "what ifs?" will haunt you for the rest of your lives.

    :)
  • edited July 2017
    @jrdnprs Yes po I remember you po. Been following your posts din before. Haha. Kaya pala kayo nawala. Just don't mind them nalang. Hehe. Ganun talaga. Hindi lahat a-agree sa atin.

    Thank you po ulit sa pagrereply sakin. Sobrang nakakatulong. I know naman na may chances na hindi maging pareho ang kapalaran natin pero it's always a relief to have someone to look up to. And thanks so much for that 'goodluck'. It's means the world to us lalo na palapit na ng palapit ang flight namin.

    Siguro if we are not meant for Singapore, maybe in some other countries. Or if we are not meant to be an ofw, then maybe we need to work here or just start a business. Whatever's meant for us, we will start finding out now, one step at a time, habang kaya pa ng buto buto namin. At ng wallet namin. Hehe.

    PS congratulations sa nalalapit nyong pagpapakasal! You deserve all of what you have now. ☺
  • "Hindi hawak ng mga bituin ang ating kapalaran. Gabay lamang sila. Meron tayong free will, gamitin natin ito."
    Ulitin mo, "Hindi hawak ng mga bituin ang ating kapalaran. Gabay lamang sila. Meron tayong free will, gamitin natin ito." :D Wow, inulit nga , masunurin.

    @qwaszx Relax and listen:

    1. God bless your plans. Be positive and have determination, wag mong isipin na mag two months ka dito , isipin mo 2,weeks makahanap ka na.
    2. Yung 3-4K (dalawa naman kay) would be enough, tipid na laang.
    3. Nag try ka nabang nag send ng Email mo dyan? this can help. ito rin ang gagawin mo dito

  • Hi sir @carpejem! Yes po nasobrahan na nga yata ako sa pagkapositive. Iniisip ko nga 1 week lang eh. Edi waw hahaha
  • @carpejem

    Opo bali po nagawan naman na namin sya ng paraan 4ksgd na baon namin. Nakahingi ako ng pandagdag kay lola haha. Bali super tipid nalang muna kami talaga.

    And yes po nagsend send nako noon kaso no replies. Tas kanina lang inupdate ko resume ko. Mas pinaganda at mas inemphasize yung experiences. Magsesend ako ulit sa next off ko until the day we depart. Haha. Thanks po!

    Also pala I have a question. Aside from COE, NBI, TOR, birth cert.. would there be anything else na dapat namin paghandaan na documents na need namin? Thanks
  • @qwaszx okay nayan, actually di ni-require ang NBI. . make sure may Original supporting docs ka.
  • @qwaszx I wish you all the best and good luck sa quest nyo mkawork sa SG.

    ako din still searching for a job pa rin kahit nasa pinas na ako ngayon.

    my story: Went to SG last April to find a job. stayed 30 days but unfortunately no interviews. bumalik ako ng pinas then after 2 weeks meron ako na received call for interview. bumailk agad ako SG with the risk of ma offload PH or SG Immigration pro i was lucky nkapasok ulit ako ng SG (dahil cguro GSS). Unfortunately, my interview did not go well. still continue ung application ko online while staying for another 30 days. now, balik ulit ako ng pinas.

    I am not discouraging you with my story. I am still positive na mkkahanap ako ng work sa SG. I am still continuing my application online kahit nasa pinas na ako ngayon.

    Be positive and do enjoy your stay in SG. :smile:
Sign In or Register to comment.