I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

School for Primary 1

124678

Comments

  • edited April 2017
    Hi chat29, plan B is sa private school po ienroll ang bata. So far, heritage academy sa yishun ang pinakamura ko nakita which is 6k/year. Sunod na po dun na mura is ung victory 8400/yr. (paadvice na lang po sa ibang mga kaPSG kung mas may mura pa). Sa case po kc nmin is pwde yan since DP ang anak ko so hindi na kailangan ang student pass. Kung ltvp po, magpray po na mabigyan ng student pass ang bata, otherwise iuwi na lamang po sa pinas. Kung ayaw nio naman po sa pinas na, pwde din po na maghanap hanap na ng ibang bansa na pwde lipatan as a family gaya ng nz or canada etc. Kanya kanya po desisyon para sa pamilya at para sa anak. Meron din po ako kilala na ayaw iuwi ang bata (ltvp ang bata, both parents are pr) tapos tinuturuan ng nanay ang bata pagkauwi from work. To each his own ika nga
  • Tingnan nyo po yung post ko sa Page 2 nitong thread, nandun yung last year na over subscription risk ng mga schools. At least may guide kayo sa mga schools. Good luck po.
  • May nabasa din ako.

    Quote :

    " The Sunday Times understands that some schools, such as Balestier Hill Primary and Opera Estate Primary, tend to have a larger number of international pupils as these are not very popular with locals."
  • Ouch masaklap bahala na si Lord. Ang hirap ng pakiramdam na walang school ang anak mo.
  • kinakabahan na rin ako para sa daughter ko, mag P1 na rin sya next year. Hoping na makapasok sya sa local school.
  • @matthew08 may idea ka ba kung sa Heritage Academy ay tumatanggap ng LTVP..kung 6K per year puede na igapang eto...
  • Hi kornik38, no idea po pasensya na. Pwede po kau tawag sa heritage bka may mkausap po kau dun na pwde nio pagtanungan. Kya lng base po sa mga cnbi ng mga kaPSG ntn, ica po ang nag aapprove ng student pass, so just because u were admitted in a school, doesnt mean na sure thing na ang student pass ng ltvp. Prayers po tlg, good luck and god bless us all. (Malay po natin bigla magbago ang ruling nila by this year na medyo pabor ng konti sa atin, we'll never know). Meanwhile, prepare na nga po taung lahat ng plan b, c, d etc
  • @kornik38 sa Heritage po tumatanggap po sila ng LTVP na student, hindi na po kailangan ng Student Pass
  • Tanong ko lang po ulit, medyo blur blur na ako:

    1. Saan po ba magreregister for P1 student (LTVP po anak ko) sa MOE po ba or sa napili nyo po na school?
    2. Walk in po ba registration sa school for Phase 3?
    3. Pwede po ba magregister sa 2 or more school na napili nyo?
    4. Sinu po ang mag dedecide at mag uupdate sa inyo ng result kung pasok or hindi ang anak nyo? school or MOE?

    Salamat po..
  • There you go kornik38. Salamat bobong ;)
  • edited April 2017
    @bobong

    1. Saan po ba magreregister for P1 student (LTVP po anak ko) sa MOE po ba or sa napili nyo po na school?
    - Sa school po ang registration. Ang MOE (thru its webpage) ang maglalabas ng list of schools kung saan kayo pwde magregister.
    2. Walk in po ba registration sa school for Phase 3?
    Walk-in po, dalhin lang ang kumpletong list ng requirements (nsa website dn ang requirements). Kung may kapatid na nagaaral na sa public school, dalhin na rin ang birth cert ng kapatid. Ung sa min kasi hiningi,
    di naman namin dala kasi di naman nakalista sa requirements nila sa website

    3. Pwede po ba magregister sa 2 or more school na napili nyo?
    Hindi po pwde. Isang school lang pwde mag-register. Saka hindi po ibig sabihin na dun kayo nagregister e dun din ung ibibigay na school ng MOE. Lahat ng nagregister ay forwarded sa MOE, saka nmn ipprocess ng MOE.
    4. Sinu po ang mag dedecide at mag uupdate sa inyo ng result kung pasok or hindi ang anak nyo? school or MOE?
    MOE ang magdedecide kung may school o wala ang bata, sila rn magdedecide kung saan ang ibibigay na school. By Nov hanggang Dec, may marereceive kayong sulat (results) from MOE. Yung iba naman, tinawagan ng school. Sa case namin last year, nauna ang sulat ng MOE. Tapos tumawag kami sa school pero di pa raw nila narereceive ang official list from MOE. After one week, saka lang tumawag ang school. Kakareceive lang dw nila ng list ng mga batang nakapasa sa Phase 3. Tatlo lang kami pinoy na nakapasok. Pero walo ung nakausap namin during registration.
  • @RyanLee salamat po sa information, malaking bagay po ito..
  • meron akong nakitang registered private school at Singapore Curriculum ang finollow - San Yu Adventist School Singapore, nasa 12k ang tuition per year.
  • anak ko po ngyun 2017 P1, di kmi nkkuha last dec2016 n school after registration last August2016, so meron po kming nakita Khatib near MRT, mcdo...St Paul caters p1-P6 actually kkaopen lang last January2017, $450 monthly.
    Pwede din kayo mg enquire call Mr.Raj 97653252 for plan b,c,d.
  • edited April 2017


    Latest News About School Merging



    Tsk! Tsk! Tsk!


    QUOTE:

    The 14 primary schools to be consolidated are East View Primary School with Junyuan Primary School, Balestier Hill Primary School with Bendemeer Primary School, Da Qiao Primary School with Jing Shan Primary School, Damai Primary School with East Coast Primary School, Coral Primary School with White Sands Primary School, Casuarina Primary School with Loyang Primary School as well as Cedar Primary School with MacPherson Primary School.
  • AEIS Learning Centre ( Entrance Examinations into Singapore Schools)

    Please contact us at 9008 1311 for more information
  • Ouch nag merge kasi low intake? Eh ang daming mga anak ng PR na gusto magaral? Sigh :(
  • edited April 2017
    medyo offensive po yung balita na yan, sabi low intake daw ng students kaya nagkakaroon sila ng merging exercise, samantalang ang daming LTVP at Dependent pass holder na di makapasok sa public schools. Lumalabas na may grey area sa balitang yan....Pero at the end of the day, wala rin po tayo magagawa. bansa nila ito... happy Monday nalang po..hehe
  • Sa tingin ko tama si bobong. Sa madaling salita, ayaw talaga nila magpapasok ng mga dayuhan dito sa kanilang paaralan. Parang gusto nila sa IS pumasok. At sa resulta na rin ng kanilang pagtururo kaya nagkakaroon ng merging. Matagal na nila ginagawa yan dito, pag di maganda resulta ng assesment ng exam ng paaralan, minemerge na nila sa ibang paaralan. At isa pa bumababa na talaga ang kanilang birthrate lalo na ang mga tsekwa at mas mabilis magparami ibang lahi.hehehe! Let's hope and pray pa rin at baka makikita nila ang resulta ngayong nalalapit na registration.
  • public/government schools, subsidized ang operation cost ng government/public money, kaya hindi pwedeng taasan intake ng foreigners, we're not in the position to question that.
  • @tambay7 there's definitely a reason behind. but looking at other angle. Gov't can use it as entry for Income. siguro it's more of giving way to international school. ang hirap i-spellingin.
  • edited April 2017
    I think in terms of public educ like pri & sec schools and jcs na government owned, they are not suppose to run it for profit, di pwede pagka kitaan kaya yung option na payagan foreigner for a fee na makapasok will beat the purpose of having free basic education, the moment na patakbuhin ang public schools with income in mind masisira integrity. Private school talaga ang option for foreign students.
  • Hi po, may tanong lang po ako about sa LTVP.
    1. Kung ang bata ay LTVP holder then nagapply ng Student Pass at na approved makakancel po ba ang LTVP nya?
    2. Isusurender po ba yung LTVP nya at papalitan ng Student Pass Card?
  • edited April 2017
    @bobong @matthew08 salamat..

    @bobong kapag LTVP po anak at na aprub Student Pass.paplitan card nia..Student Pass ilalagay sa card nia..at mejo hahaba ng konti..hindi na taon taon magrenew...ganon din punta sa Ay see Ey para ayusin..
  • edited September 2017
    tama si @kornik38, mapapalitan ang LTVP ng student pass at mas matagal ang validity (hanggang Primary6 na ang bata).

    Kung mapapansin nyo, mgka-iba ang pass ng mga anak nmin during P1 registration. Ang anak ko, nka-student pass, ang anak nya nka-LTVP during P1 registration. Parehas kameng PR couple, parehas dn kameng may anak na nag-aaral na sa public school. Both results are favourable naman. Parehas mga anak namin na student pass ngayon valid till 2022. Wala na kaming alalahanin na LTVP to renew every year.

    Na-share ko lang. Baka kasi meron na same situation na gaya ng sa min.
  • klaro na ngayon na hindi pala slot ang dahilan kaya di natanggap sa local school yong ibang magpriprimary. Ayaw lang lang ata nila ng foreigners.
  • @ekme nakakalungkot nga e, parang napakahirap mag set up ng family dito. Mag primary na rin ba anak mo @ekme ?
  • @Lea1977 pag homeschool ang bata dito sa sg, hindi ba sya magkakaroon po ng prob pag balik sa pinas or pag lipat ng ibang country?
  • @vhie1982 wala naman prob. pag balik ng anak sa pinas. need parin nila mag take ng entrance exam regardless homeschool or hindi. ung grades for homeschool kasi sinasubmit to Moe dito pag akaalam ko.
Sign In or Register to comment.