I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

Trying my luck in SG

Hi po. I've been trying to look for a job in SG online and agency pero wala po ako makita. My friend is working there, maganda ang salary and work. naisip ko po hindi ako unlad kung nndito lang ako.Iririsk ko na po ung work ko dto sa pinas. I have 2yrs 8mos exp sa banking industry as service associate.pedeng teller/newaccounts. pero hindi ganun kaganda ang benefits so magreresign po ako and plan ko po mgwalk in and job hunt ng 1 month. Tingin nyo po? mejo kinakabahan po ako.Sana nakahanap po

Please if you know any job openings related to financial or retail.and tumatanggap ng foreigner Pede po ako.

Comments

  • Hi @Lei, you might want to read other threads regarding job hunting muna. wag magpadalos dalos. magandang salary and work ng friend mo, but not everything is rainbows and butterflies dito sa SG. this is not to discourage you but better read other thread muna lalo na sa estado ng economy ng SG ngayon. again this is not to discourage you but nakakahinayang kasi if you have a stable job there in PH especially banking ka pa naman.
  • tama si @Admin saka sori pero mahirap ang banking dito..meron ako friend manager na siya sa bank jan pinas nka 2months dito ni isang company walang tumawag for interview hangang siya na ang sumuko at nagdecide uwi nalang...
  • @Lei tama sila.. wag ka magpadalos dalos ng desisyon.
    pero nasa sayo yan, basta ihanda molang ang sarili mo kung hindi ka man makahanap ng work.

    may kamaganak kaba sa SG? kung wala problema mopa ang immigration sa pinas.

    ung work mo ay common nasa sa mga local. kaya medyo mahirap.

    pero di mo malalaman ang iyong kapalaran kung hindi susubukan,

    and FYI sa SG, hindi yung kung ano nalang maisip mong pasukan na work kagaya ng retail, u need at least 3 yrs exp sa inaapplyang trabaho.
  • front-office banking dito ay kadalasan para sa lokal, kasi plus points na fluent sa isa sa mga main mother tongue languages, kaya hindi sapat na English lang.
    pwede mo i-push at subukan, pero gaya nga nga sabi ng mga nauna very slim chances sa industry na yan.
    prepare a budget good for 3 months kung tutuloy ka.
  • Thank you po sa advice pero desidido na po. Kahit di naman po banking okay na sakin. Cashier, retail or any financial services po ok lang. Actually may kamaganak po ako sa sg na inofferan ako na dun muna magstay.
  • hi @Lei call me 94518569 and send your cv to [email protected]
  • @Lei very good yan kung may matutuluyan kang kamag-anak. To be honest, medyo mahirap na maghanap ng work for frontliners sa panahon ngayon kasi patapos na ang holidays. Yung best period nyan is nasa October-November (kung saan madami naghahanap ng extra force for the holiday season).

    Anyway, kung talagang desidido ka na, go lang! Basta remember na maisusugal mo yung work mo dyan, and read about the other threads dito sa PinoySG. Good luck sa job hunting!
  • edited January 2017
    Hi @Lei kelan plan pumunta ng SG? Plan ko din pumunta ng SG by April. 6 years exp. Ko sa Bank as customer service associate (senior teller/atl. New account)dyn sa Pinas & 3 years exp dito sa UAE. 2 years exp. As secretary and 1 yr as Admin officer.

    Nagsusubmit n ko ng CV online. Pero wala p ko nkukuhang positive response.

    Guys if my alam kaung job opening related sa experince ko please inform me. Or any website n pwde pagpasahan.

    TA
  • Hi @Lei and @Ghracey I also plan to look for a job in SG by April or May siguro. May 2 years experience ako in a banking industry, general accounting. Good luck and God bless satin.
  • @toni , @Ghracey, @Lei, konting info po tungkol sa financial industries dito, madami pa rin po na mga kabayan natin na nasa mga customer support relation ng mga lokal banks dito. Hindi ko lang po sigurado kung dito sila naka base or offshore. Pala utang kasi ako at natatawagan ko halos lahat ng mga bangko dito at madami pa rin akong nakakausap na mga kabayans. hehehe ......

    Search nyo na lang po mga lokal banks website dito atsaka doon kayo mag apply directly. Sa ngayon po kailangan ng mahabang tyaga sa pagahahanap ng trabaho dito dahil matumal ekonomiya ng sg.

    Good luck po sainyo.
  • Hi can send your CV to our email [email protected]
  • Hi what education background you have? can whatsapp your CV to +6584894962
  • just be careful its not easy to find job in singapore like before
    do not waste ur money coming to singapore by people making empty promises.
    some just take agency money and cannot find u the job.take care and good luck
  • @Ghracey hi , actually pag tinawagan ako for interview pwede akong pumunta agad sa singapore then pinaready ko na resignation ko eh. Pero plan ko tlga march/april po ako pupunta if ever walang tumawag sa mga pinasahan ko OL. @toni hi. Sana may tumawag na satin good luck! :) be positive tayo
  • @Lei advise them Skype or web interview, by next month or april baka may nahanap na
  • @OCS I have sent my CV to your email. Thanks in advance
  • Dear Sir,

    Can you send your CV to [email protected]
  • Hi, guys. Lei here I'm currently here in Singapore :) Any job you can refer? A help will be much appreciated.
  • edited April 2017
    @Leii , anung pagkakakitaan ang hinahanap mo?
  • Kabuhayang Swak na Swak.
  • @leii, buti nakalusot ka sa immig sa pinas....tyaga lang gaya ng bago ako dto ang ginawa ko nag send ako ng application online starting midnight until madaling araw .....sa lahat ng job website. bakit until madaling araw...kasi para pag bukas ng email ng mga nahahanap na company unang una lalabas yung application mo...wag na wag ka papatol sa mga agency na nanghihingi ng bayad....halos mawalan ako pag asa ng nag apply ako...may tinanungan ako isa company sa lucky plaza... isa lang advice nya sakin....."ilan daw ba kailangan ko work"? sabi ko po isa lang so suggest nya na mag send ako ng mga 1,000 application online sigurado naman kung may potential at qualified ka sa trabaho makaka received ka kahit isa o dalawa tawag... awa ng Diyos naka received ako ng job interview at offer dahil nagustuhan naman sagot ko........

    May kasabihan nga kung may tiyaga...may nilaga....samahan mo na rin Dasal.....
  • @bobong sa banking industry po ako pero ang inaapplayan ko ngaun customer service, frontline, sales at retail po.

    @Bert_Logan Dumating lang po ako ng April 6. Ako din po walang katapusang pasa hehe. Tanong ko lang po, ano po yung work nyo ngaun? ang swerte nyo po. Baka po may mairerefer kaung site or company na pinasahan nyo sir. Sana may tumawag na talga sakin :)
  • Good day mga kapatid.
    Will be trying my luck too in SG.
    I've read the thread above about Lei's inquiry.
    Makikisingit nlng din po ng tanung dito... May mga alam po ba kyo na call centers sa Singapore?
    Or mga kilala na nasa call center jan, baka pwede nyo po ako marefer.
    puro agencies kasi online ang nakikita ko.
    Thanks in advance sa sasagot.

    More power sa inyong lahat.
  • Hi may mga call center akong alam last 8yrs ago pero bihira. Baka sa panahon ngyn wala na. Kasi outsourced na sa india at malaysia ang mga support. Baka may chance ka sa mga customer service ng nga insurancr company. But dont take my words. Pahirapan sa paghahanap ng work kahit sa mga local.
  • @r.johnpaul tama si @Admin pahirapan dito ng call center jobs. pero don't lose hope, just do your best and God will do the rest. Always have plan b to z in case walang makuhang work.
  • @leii tinesting ko lang kong totoo po kayong noypi... :)
Sign In or Register to comment.