I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

Mahirap ba talaga maghanap ng work sa SG kapag fresh grad?

I feel so helpless. 20 days na ako dito sa sg. Akala ko makukuha ko na yung changi experience agent job sa changi airport, pero hindi na din ako tinawagan.

May chance po ba na makakuha ako ng job dito sa sg kahit fresh grad? Nakakalungkot lang kasi feeling ko sayang ang 4 year course ko at ang pag-aaral and pag-kuha ko ng board exam dahil wala akong makuha na job dito sa singapore.

I believe okay naman ang mga sagot ko sa interview dahil fluent naman ako sa english (di naman po sa pagmamalaki pero minsan nga mas maayos pa ang english ko kesa sa nagiinterview saakin) and confident naman ang sa answers ko.

Bigyan nyo naman po ako ng tips. Kahit nga mejo malayo na sa course ko, which is psychology, in-aapplyan ko na dn (like admin jobs, front desk, customer service).

Nakatira ako sa bahay ng bf ko ngayon and plan namin mag extend ng 89 days. Another question po pala if may possibility ba na hindi maapprove yun?

Thank you sana matulungan nyo po ako!

Comments

  • @Grace19 malabong maaapprove ung 89 days kasi di naman kayo kasal at kung kasal kayo at PR sya pwede.

    makapasa ka man sa interview, next problem ay kung iapprove ba ng MOM ang pass mo. AFAIK need ng 3 years exp sa inaappyang work.

    apply lang ng apply. godbless u
  • emotional stress lang yan wag ka masyado mag isip bata ka pa nman, halos lahat nkaka experience ng ganyan kahit yung maganda na working experience.. kaya lang medyo mas mahirap lang talaga yung linya mo at lalo na wala ka pa experience..

    if meron ka family na pr or citizen dito at siya ang mag-aapply sa extension mo baka maapprove yung 89 days, pero kung ang bf mo mag aapply sa extension mo medyo Malabo yta yun..
  • Hi @Grace19 morning. Sorry to hear about your experience. To be honest. Mahihirapan ka kasi marami rin fresh grad dito na kalaban mo. at ibang mga lahi hindi lang mga pilipino. My suggestion is try to gain experience muna sa pinas at least mga 2-3yrs para may armas ka sa pagsabak sa gera.
  • edited January 2017
    difficult to say @Grace19 believe it or not may mga pinay college graduates dito na domestic helper ang trabaho, or mga nasa f&b service sector kahit board passers pa sa atin, lack of choice kasi sumabak dito ng walang experience.
    you have to understand yung logic behind getting foreign workers, to fill the expertise na hindi ma fill ng local supply, kung fresh graduate ka at marami din lokal na fresh graduates or may mga experience pa nga, syempre yun ang kukunin.

    para sa mga foreigner na naghahanap ng trabaho dito, don't rely too much on your degree na most of the time tingin ng mga taga dito ay hindi at par sa degree nila, may stigma pa din kasi na mababa ang kalidad ng education sa atin and ibang system din kasi ang pina follow nila, kaya mas solid na ammunition ang experience.

    understandable na you both want to be together kaya minamadali pero career wise and in the long run hindi magiging mabuti sayo kung tatanggap ka ng trabaho na hindi in-line sa degree mo, empower yourself girl! don't let the flames of love ruin your career prospect, love can wait. lalalalala

  • @Grace19 , Please find the below job opening we have for one of our client. Please let me know if you are interested. No experience is required.

    Position available:
    F&B Staff

    Responsibilities:
    - Make suggestions, answer and present the menu
    - Take orders and send them to kitchen staff through the POS system
    - Prepare the bills for beverages and meals ordered, take the cash and make change, and then balance daily transactions
    - Take reservations and greet the take-out counter customers
    - Ensure quality service in the dining room and serve meals, prepare and serve dessert
    - Use sales techniques to retain customers and attract more
    - Apply health regulations and safety regulations relating to cleanliness and equipment usage.

    if interested, kindly send your updated resume/cv to [email protected]
  • edited January 2017
    @tambay7 thank you po sa advice! Pero hindi naman po sa nagmamadali kami na maging magkasama (kasi nakaya nga namin ng 4 years magkahiwalay :smile: ) pero kasi alam nyo naman din po na ang laki difference ng sweldo dito sa sg compared sa ph. Sila na din ng family nya ang nagconvince sakin na dito na agad mag work dahil kung sa ph ako mag uumpisa, mas malaki pa sweldo ng mga maids dito sa sg (no offense po sa mga kasambahay, i have huge respect po sa inyo)

    Ang advice naman po sakin ng papa ko, kung hindi man ako makakakuha ng job sa field ko ay mag save muna then kukuha ng mga certifications, or if God's will, mag aaral dito sa sg while working then saka ako mag try ulit sa field ko na talaga.

    Ngayon I still have a month to try to look for job, still praying for it :smile: btw i posted something regarding job money scam po. Please read and share. Thank you po!
  • @Admin yes! Mukang ganun nga po, i still have 1 month dito sa sg, kapag wala padin, baka nga mag ph po muna ako or dubai, dun kasi ang papa ko at mas madami daw job opportunities dun for pinoys
  • @Vincent17 @reyven thank you po sa reply nyo! Nalaman namin na 1 month lang pala pwede mag extend kapag hindi relative. Thank God naapprove naman ako for another month. :smile:
  • @Grace19 sa online lang kayo nagapply or nagpunta kayo ng ICA w/ ur bf?

    share lang para malaman ng iba. tnx
  • @Grace19 Sometimes you have to make sacrifices to get to your long term goal. Ok lang kahit medyo maliit ang sahod mo sa pinas unless ikaw ang ngpapakain sa family mo. Gain experience in line sa tinapos mo para hindi naman sayang gastos at pinag-aralan. My wife as a nurse sa pinas ay sahod lang nya is 6-7k tapos babawasan pa ng tax yon. Napaka unfair since their job is not easy. She had an option to take call center job which she did for awhile kasi boom na ito nung 2006 at syempre malaki sahod. Pero lagi siya ina-advice ng family nya to continue her nursing career kasi nga maganda ang work at offer sa ibang bansa. Buti naman sinunod nya ito and luckily she found a job in SG and now she's in NZ earning enough to help her family sa pinas and even save for herself. Those sacrifices paid off. Huwag ka maging desperate specially pag malapit na maubos visit visa mo kasi sobrang prone na maloloko ka ng mga mapagsamantalang agency kaya ingat lang. Always have a plan B/C incase plan A doesnt work. Lubusin mo nalang Job hunt since nanjan ka naman pero ingat sa mga nanghihingi ng bayad na wala pa naman pass naibibigay. Goodluck and God Bless.
  • @Vincent17 online lang po kami nag apply, and online lang din malalaman if approved or not, baka mag post nlng po ako ulit ng new discussion about that kasi tanungin ko muna sya kung ano ginawa nya, sya po kasi nag asikaso.
  • @Tonski thanks po sa comment! And yes I have lots of back up plans naman, lalo na ngayon na narealize ko na mahirap pala talaga dito sa SG lalo na sa career ko. Kung makakuha man ako ng job na malayo sa career ko, temporary lang ako mag sstay just to gain experience and save enough money to continue studies sana or be certified here in Singapore :) Still praying na makakuha ng job while I'm here, pero kung wala talaga hindi ko naman po ipipilit haha
  • @Grace19, not to discourage you pero subrang mahal ng educational fee sa SG even if it is just a certification and normally Singaporean and PR ang priority kasi yung tinitirahan ko 9 years working in SG pero antagal maapprove ng PR nila so yung mga anak nila ang hirap din matanggap sa school kaya home study lang na pede naman gawin sa pinas. I suggest, kuha ka muna nga ng experience sa pinas. Yun ang edge mu compared sa Singaporean at PR.
    Kung kukuha ka ng work na malayo sa career mu malalaman yun ng next employer mu kasi may record ka na sa MoM. Mas mahihirapan ka, baka mag long cut ka pa.
  • edited February 2017
    I feel you pero exp. muna kc bago sa mgabroad...nung 2012 pmnta nrn ako sg wid 3years exp sa graphic and multimedia pero wla akong mhnap n work puro shortlist lng tpos blik pinas then ngwork ulit ng additional 4years so may 7years exp nko at mdali nko nkkuha ng work dto SG...Habang nsa SG ka sulitin mo bwat araw sa pgaapply. Kung kaya mo mgbyad sa agency try mo kc yan nrn yung last resort mo..Very competitive ang mga applicants ngyn.
  • demand ba yong insurance job sa sg.
  • @charycabz specific role sa insurance industry ba hanap mo?
    kung financial/sales agent kakaiba set-up dito ng karamihan sa insurance firms, yung agents nila hindi regular/full time employees, parang freelancers ang setup, kaya mostly local or PR, tapos may certification exams na kailangan mapasa.

    kung support/service desks naman usually multi-lingual may edge.
    kung back-office or front-office jobs sa insurance firms check mo sa mga job portals.

    mahalaga yung experienced ka dapat kasi kung entry level, lokal na ang kukunin.
  • @tambay7 actually yung experience ko dito sa pinas ay nasa Insurance claims po ako.
Sign In or Register to comment.