I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

Mom and ICA

Hi guys gusto ko lang mag tanong makikita ba sa immigration na may rejected pass ka sa MOM in case i need to exit say, JB or Batam kasama ko partner ko ano ba kailangan kong gawin?

Comments

  • @geeco_yoga hmmm.. eto lang experience ko ha (and please anyone correct me if I'm wrong). Nung balik ko kasi sa SG noon nung nagka-IPA na ako, iniwan ko yung letter sa check-in baggage ko. So nung tinanong ako ng IO bakit ako papasok ulit ng SG, I told them na may IPA na ako. They asked for my FIN, na na-save ko naman sa phone ko. After i-scan yung passport ko, may chineck si IO (na di ko makita kasi may privacy screen yung monitor). My guess is ginamit niya yung details sa pag check sa website ni MOM (or internal website nila, since hindi naman 24-hours available yung application status website).

    So mukhang meron, PERO I don't think ginagamit siyang sole basis kasi iba-ibang type of application naman ang nasa database ni MOM. And most probably di naman ichecheck kung eexit ka lang sa SG. If babalik ka sa SG, ibang usapan na yun.

    Ano po ba yung situation niyo ni partner para mabigyan namin kayo ng tamang payo?
  • Situation ko is yung pass had been rejected and hindi ko pa cya pina appeal sa agency kasi may isamg direct employer na mag interview na sakin at mag hihintay pa ako ng 1 week or 2 week at most for second interview if im selected so im holding on to that interview and ayoko ng mag pa tuloy sa agency pero im running out of time kasi last week ko na this week and since rejected ang online extension ko so plan namin ng partner ko which is working na cya here sa SG na mag backpacking to JB, KL at south thailand tapos after 6 or 7 days pasok ulit ako sa SG kaso yung concern ko is if nakita nila na may rejected application sa MOM at rejected online extension. @arvs0z thanks sa pag reply ah!
  • @geeco_yoga alam nila.. iba ang system dito.
  • @Vincent17 alam nila na mah rejected sa MOM? Baka kasi ma refused to entry pag galing ako sa thailand.
  • @geeco_yoga ung e-extend mo makikita nila agad un, pero ung rejected pass not sure. pero malamang meron sila access to check your status.
  • kung titingnan mo yung likod ng ep/spass/wp, nakalagay dun Visit Pass, ang pag issue ng work pass ay both handled ng MOM at ICA, in fact ang management ng NRIC/FIN ay under ng ICA, kaya they can pull up the status of all FIN kung active pa or not.
  • edited January 2017
    Tama kayo @Vincent17 , @tambay7.

    @geeco_yoga , as per my experience last Feb 2016. For sure connected ang system nila. Dahil nung binigay ko yung IPA ko last time, naoffice ako, chineck yung FIN number sa office ng ICA right there and then at naverify nila lahat.
  • Cguro if nag declare ka na may IPA ka pero yung sakin may rejected MOM pass application at rejected online extension ako. Ang una nilang gagawin is scan the passport so pag scan nila makikita ba agad dun lahatng info regarding sa rejection? Kasi they will question you and then dun cla mag bbase sa answers on how they will profile you. Ex. Bakit kaa papasok ulit sa sg? Answer: i have IPA so they will definitely verify your IPA pero if e declare mo na my flight is from SG to PH or continued vacation pero may na kita cla sa system from MOM so dubious yung information na binigay mas lalo na di ka papasokin. Kaya plan namin os backpacking nalng to malaysia and thailand pero pwede bang 1 week or 2 weeks? Tapos blik SG ulit? Mas ok ba yun thanks sa inyo nag bigay ng inputs ha...appreciate it
  • Or sabihin did you apply for a pass?
  • @geeco_yoga before pwede magexit ng 5 days bago bumalik ng SG. pero sa tagal ng kalakaran na ganyan alam na nila yan. worst case scenario lang ay follow the ticket lang ang ibigay sayo. make sure na kasama mo BF para kapag na A to A alam nia.

    Yup once na scan ung passport mo lahat ng records mo lalabas.

    Kung may IPA kana, papasok ka palang ibibigay muna sa IO para wala ng tanong tanong.
  • @geeco_yoga
    Regarding employer/pass:

    Ganito, if mag 2nd interview ka palang sa 2nd employer, how sure are you na matatapatan nila yung offer ni agency, and magsusucceed yung magiging pass application nila for you? Also, nirelay ba sayo ni agency yung reason for rejection? If you want to be on the safe side, bakit hindi mo ipatuloy yung sa agency, tapos wait kung maaapprove. If hindi padin, saka mo i-push yung sa 2nd employer.

    PERO INPUT KO LANG YAN HA, you should decide based on your own will and conscience.

    Regarding IO:
    for me it will really depend sa IO na mag iinterview sayo. Best case scenario, wala magiging paki-alam si IO kahit may FIN ka na. Ang titignan lang is yung previous departure date (na AFAIK, dapat longer than 5 days for SVP) and record mo sa SG. Pwedeng hanapan ka din ng return ticket to PH. Worst case, baka ipa A to A ka.

    I've heard a lot of similar stories. Yung iba nag try mag extend, yung iba hindi. Yung iba nag JB/KL for 3 days, yung iba nandun or nagtravel for almost a month. Pero iba iba padin sila ng kapalaran pag dating sa SG. May nakakapasok, may na aairport to airport. Siguro ang the best advice na mabibigay ko is to prepare yourself in proving na wala kang balak mag TNT sa Singapore, and na kaya mong buhayin yung sarili mo dito. Of course, prepare din sa kung ano man ang mngyayari with the IO.

    Pero referring dun sa original question mo, malamang sa malamang, yes, ICA does have a view on your previous work permit application.
  • @arvs0z may point ka pero my delimma is alam ko kung ano ang gina gawa mg agency, yung false declaration na e pass yung inapply sakin pero nindi talaga e pass ang sweldo at yung reason for rejection is sinabi namn sakin i have the option to appeal pero di padin sure na approve and yung waiting is 3 weeks to a month and in case my darating ne direct employer during the whole appeal period di pa rin nila ako ma key in kasi mga may appeal and if ako ang employer i would not bother hiring you anymore kasi may employer kana and waiting for pass approval...hehehe :)
  • @geeco_yoga bakit ka naman pumayag? sahod lang ba binago? how about ung work exp, etc?
    nagbayad kaba sa pagapply ng pass?

    http://www.mom.gov.sg/eservices/services/employment-s-pass-self-assessment-tool
    subukan mong sat.. kahit 5K pa ilagay mong sahod, spass parin ang bagsak. pero wala naman quota ung agency.

  • Sahod ad work experience...i just took the risk in the hopes na ma kuha nang pass...kaya nga mas lalo akong na confuse kasi feeling ko pag mag aapeal wala rin namn akong magawa. Kasi 3 weeks to a month eh pano kung may direct employer...
  • @geeco_yoga kung ano man ang binago sa work experience dapat alam mo, dahil sa susunod na application mo at kung hindi magkamukha ng una mong pinasa, magkakaproblema ang pass mo.

    at make sure na meron kang COE sa binagong experience pag hiningi ng MOM.

    Just to share lang.. ung mga renewal form ko dati tinatago ko un, para next time sa application form ko same din ang ilalagay kong taon exp, sahod etc..
  • edited January 2017
    pass extension is also handled by ICA, kaya kung may rejected pass extension request ka makikita agad yun.

    you took the wrong risk, kaya either come clean or panindigan mo na lang.

    never mis declare any info na pinapasa sa gov agency. never attempt to trick the system
  • @geeco_yoga naku patay tayo dyan. medyo stringent si MOM sa applications and nasisilip talaga nila yung previous submissions. anyway, good luck and sana balikan ka ni Employer 2 with good news!
Sign In or Register to comment.