I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

Open job for Retail Staff

Hello!
Sino po andito sa SG naghahanap ng work, meron po opening asap Retail Staff.

Comments

  • Hi, magkano po sweldo? May mairerefer po ako. Direct hire po ba? Andito na po sya sa SG.
  • Opo direct hire. Pakibigay po number nyo...Tatawagan ka po agad.
  • Message ko po kayo.
  • Hi Sir, interested po ako pano po ako mag aapply? thanks
  • ako din po... thanks...
  • Hi Nheynz, email sent po.HP# 9166 2124
  • Hello po @nheynz dito din po ako sa sg now. I would like to apply. Pm ko sayo number ko. Thanks
  • hello po @nheynz open pa po ba to? interested po ako.. hp # 97501014
  • anong pass po ang dapat hawak ng applicant? pwede po bang tourist?
  • 9327 1140. Kaycee Mendoza and Adrian Castillo po. Urgent po ba ito? 1 lang po ba kailangan?
  • good afternoon, paano po ba mag apply?
  • hello po, kindly send your resume to [email protected] lang po deritso, vacant pa po yung position.
  • @nheynz hello po okay lang po ba kahit nasa pinas pa eh magapply na po sa sinasabe nyo pong hiring? Thank you po
  • @nheynz email sent. hope to hear from you. Thanks
  • Hi @nheynz, salamat sa pag post mo ng retail staff hiring sa inyo. nag apply at tinawagan mo yun friend ko for an interview at natanggap nman sya sa position.
    Pinag start sya last 26 Sept, pero sa Oct 01 p daw iaapply yung s-pass nya, kasi dun palang daw mag kaka quota.
    dumating ang Oct 01, nag follow up ung friend ko sa pag apply ng s-pass at since ok nman ang performance nya, sinabi ng boss nyu na inapply na yun s-pass nya.
    pero nung nag check kmi online, "no record found" ang status, follow up ulit almost every day, iche check daw sa HR kung anu problema, after 1 week ng follow up sa pag apply ng s-pass, sinabi na lng ng boss nyu na wlang quota at pinag stop na din mag work yung friend ko. binigay din ang sweldo nya ng ilan araw sa buwan ng Sept at ung balance ng pinag trabaho nya sa October eh sa first week pa ng November ibibigay. sweldo nya na base sa $1600 na monthly. wala nagawa, wala naman kasi contract, nasayang yung 2weeks nya na sana pinanghahanap nya ng ibang trabaho...
    angdami nmin msgs sa email at whatsapp sayo pro "seen mode" ka lang...
    parang pinag part time lng yung friend ko ng 2 weeks, tpos nag post k ulit dito na vacant pa ung position eh di nman inaapply yung pass.
    sana lang tulungan tayo kapwa pinoy dito...kasi lahat nman tyo dumaan sa hirap ng pag aapply ng trabaho dito... salamat...
  • nagbayad po ba yung friend nyo? dun sa nangyari na parang nagging part time na lang since hindi naman sya naapply ng pass? or wala naman kinollect na fee sa kanya? tapos swenelduhan naman sya sa araw ng trabaho nya?
  • kaya sa mga job seekers, maging wais naman kayo, at sumunod sa regulation ng mom, bawal mag trabaho ng walang pass or kahit IPA man lang. kapag pinag simula kayo ng trabaho ng hindi pa approve ang pass (worst case dito eh ni hindi pa na-apply), huwag kayo pumayag, huwag kayo mag trabaho ng walang pass/IPA at walang kontrata kasi yun ang proteksyon niyo.
    dahil kasi sa desperation lumalabag kayo sa regulation, and resulta napapahamak or naabala kayo.
  • wag din kyo basta magtiwala khit pinoy agent kausap nyo or kumukuha sa nyo. minsan ang kalahi pa ntin magpapahamak stin..(sori for this pero totoo lang cnasabi ko)
  • @hanna.. alam mo ba may pinost ako dati na topic dito regarding sa paghingi ng tulong like in your scenario. Kasi yan din talaga ang naging situasyon ko dati. Tinawagan din nila ako sa IMP sa somerset kaya beware na kayo. Pinapastart na din ako dati agad2 tapos madami nagcomment at sabi illegal nga dw yon. At sabi din ni ate pag wala kang pass ndi pwede magwork. Tska if iggrab ko dw yon massayang lang ung 2 weeks ko na dapat naghanap nlng ako ng work. No assurance kc ee. Then ndi ko tinangap naghanap ako ulit. At luckily may work na ako at super ayos ang sweldo. Kaya sa iba wag nyo na iggrab ung mga ganyan. I know what it feels kung gaano kahirap maghanap ng work dito at super depressing talaga. I've been there. Pero wag nyo iggrab pagsabi2 lang. Most of the time not true talaga. :)
  • @Admin, can you close or delete this thread? Kawawa naman yung ibang magttry dito if same lang din mangyayari. Thanks.
  • @admin @jrdnprs para saken nman mas maganda wag delete para meron reference mga kabayan ntin.
  • @reyven, sabagay. Kaso may way ba na parang pwede iflag tao or whatever? Kasi may iba na hindi nagbabasa, magsesend na lang agad agad ng resume. Kawawa lang din kasi yung mga nabibiktima.
  • Is there any ine here na nag hahanap din ng work dito sa sg. Nandito ako ngayun as tourist po.thanks
  • Pacencya na ngyn ko lang napansin tong thread. Ill give @nheynz a chance to explain. Im going to contact her. Ayoko rin marami mabiktima pa.
  • I'm closing this thread for now.
This discussion has been closed.