I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

Employee Referral

Bakit po hesitant mag refer yung mga tao dito sa company nila? ano po yung risks sa magrerefer? baka po ba underperformer, underqualified or baka may criminal record? Gusto ko lang maintindihan kasi sa pinas naman willing tayo magrefer palagi if it means makakatulong tayo so ano po yung difference dito?

Thank you sa mga sasagot.

Comments

  • @DaleC hindi ganun kadali mag refer lalo n kung hindi kilala ang nirerefer. sbi nga nila pangalan mo nakataya jan..
  • tama po, medyo nagdadalawang isip po ang mga pinoy na mag refer ng hindi nila personally na kakilala, baka kasi magkaroon ng problema pati sila madadamay.
    Pangalawa po is job security (I know hindi maganda sa pandinig, but this is reality) kung sa tingin nila ay mas magaling yung irerefer nila baka sila pa mawalan ng trabaho at mapauwi sa pinas pag nagkaroon ng downsizing ng company.
  • just my opinion, there's nothing wrong to use referral if they knew you and vice versa
  • Nornally mga magrerefer ung mga hihingi ng kapalit. Magingat po tyo. Baka may modus na gawin sa inyo.
  • professionally kasi kailangan you can vouch for the person na ire-refer mo in terms of skills and personality, common sense yun, maglalagay ka ng tao sa company kung saan trusted na yung skills and credentials mo, eh papano kung yung pinasok mo eh mag dulot ng issue sa company or palpak sa trabaho.

    don't rely too much on referrals, kung confident ka sa skills mo you don't need it.
    and lastly hindi porket ni-refer ka ng kapwa pinoy eh may high chance ka na makapasok, hindi uso dito palakasan system.
  • whether we like it or not, mas may bearing talaga ang referrals kesa sa online application because there's already someone from the inside vouching for your character. I've reached out to people asking them what else I can do to help my application. Unanimously, they said I need to get my application right into the hiring manager's desk to increase my chances. Not all of them would take the risk which I totally respect. I just wanted to gain more understanding for consolation na din siguro after days and weeks of rejection.
  • @Admin sampolan mo nga ng mga common na kapalit na hinihingi ng ibang mahilig mag refer., dami kasi nabibiktima diyan na mga kababayan lalo na yung mga desperado at malapit na mag expire ang SVP, may mga diyan mga babae pa ang tinatarget.
    sa mga jobseekers, hindi porket kapwa pinoy nag volunteer tumulong at mag refer eh 100% trustworthy na, kilatisin din ang pagkatao, alamin ang ino-offer, at linawin ang kapalit, bago makipag kasundo o ibigay ang mga resume at contacts niyo.
  • edited March 2017
    parang hindi worth itaya mo pangalan at trabaho mo sa taong hindi mo nman kilala.
  • Syempre ako man, kahit may alam akong opening or vacancy, hindi ako magrerefer ng kung sino-sino.

    Mahirap mapintasan dito. Sabi nga nila kabuhayan ang nakataya.

    Saka ganyan talaga, wala kang aasahan pag andito ka na. Yung mga magagaling mong kakilala na nandito na tutulungan ka daw, mawawala yang mga yan once na nandito ka na at naghahanap ka na ng work. (Pinagtatawanan ka pa ng mga yan behind your back. Hugot. LOL.) What more yung hindi mo kakilala, hindi magsasayang ng panahon sayo yung mga yan para irefer ka or what.

    In the end, tumayo sa sariling paa. Proven and tested method. Mas masarap sa pakiramdam kapag walang manunumbat sayo. Or wala kang pagkakautangan ng loob.

    Kahit ano mangyari, at least nagawa mo lahat. No regrets. You tried.
  • referral samin after 3 months proB confirmation 400sgd :)

    pero sadyang walang quota samin sa ngayon
  • Sa amin referral for Junior position is $800 at $1500 naman pag senior. Pang display lang kasi lahat ng bagong headcount sa outsource company kinukuha. haiz!!!!!
Sign In or Register to comment.