I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

Employment Pass processing time

Hi, magandang araw s lahat ng myembro dito.

May katanungan lng sana ako tungkol s Employment Pass processing lead time.

Nag jobhunting po ako jan s SG last february, awa ng dios nkahanap ako ng employer within my 30days visit visa. Nakapag pirma na rin ako ng kontrata before ako nauwi. At dahil hindi na extend ang visit visa ko nagdesisyon na lng ako umuwi ng pinas kesa mag detour2 kung saan para antayin ang IPA ko. Mejo pabor na rin sakin ang naging desisyon kong umuwi muna kc hanggang ngayon di pa na approve ang EP ko. Mag iisang buwan na this April7.

Tanong ko po, normal lng po ba ganyan katagal ang processing ng EP ngayon panahon. Kc base sa website nla at mga sabi2 ng relatives ko na nanjan nagwork. Mahaba na dw 7days at lalabas na IPA ko. Mag iisang buwan na tlaga simula nang inaply ng company ko at gang ngayon macheck ko s online inquiry. PENDING pa rin status.

Ano kea posebleng dahilan at natagalan ang proceso sa IPA ko. sana may mkasagot at maliwanagan ako khit konti kc di ko maiwasan ang growing apprehension ko. Mejo malaki2 na rin kasi nagastos ko.

Salamat ng marami

Comments

  • edited April 2017
    normal yan, may mga personal akong kilala na umaabot ng 2 months, longest na kilala ko is 3 months inabot ang pending status, siya na ang sumuko at bumalik na lang sa Pinas.
    kung ganyan katagal most likely yung employer na yan, baka wala masyado sila maraming foreigner sa hanay nila.
  • Yun dn sabi ng kaibigan ko jan sir. Na bk s cmpany side yan. Bk dw s qouta nla. S katunayan. Marami clang foreigner pero ako pa lng unang pinoy na mahahire nla.
  • @bastienzeke wala naman quota ang Epass.. at walang levy monthly. kaya mahigpit sila sa screening ng mga aplikante kaya tumatagal. unlike sa spass may levy monthly at quota.

    Maging matsaga kalang sa paghihintay at pray narin..
  • Mga sir.. parang nag anyong anghel kayo.

    Kachechek ko lng para ipakita s inyo screenshot ng online status. Nang ito ang bumulaga sakin.

    Salamat s inputs ninyo. Praise God
  • @bastienzeke congrats.. meaning ep/spass inapply sayo ng company mo.. hindi kalang siguro pumasa sa Epass..
  • Ganun na nga cguro sir. Kya natagalan. Sa totoo lng. Ayos nmn cmpany ko. Open cla.. nag update2 palagi. Kitakits na lng kung magkataon
  • @bastienzeke sabihan molang kami kung kelan ka manlilibre :) sa ngayon isipin mo muna kung paano ka makakalusot uli sa IO pinas pag punta dito.. congrats and goodluck sau.
  • Heheh.. dito na lng cguro ako mag process sir para di na mahirapan s IO. Paano kea processing d2? May record na at member na rin ako ng owwa. 8yrs dn ako ofw. Kauuwi ko lng last november from middle east
  • @bastienzeke kailangan mo ng employment of contract original. ipapadala mo sa pinas. IPA. etc.. better narin na tumawag karin sa POEA.
  • edited April 2017
    @bastienzeke hello pano ka po nakahanap ng work? HR ang industry ko and just wanna ask for tips.. been here in sg working for 7 years, 3 months to go bago mag expire visit pass ko
  • @Vincent17, tumawag na ako s poea. wlang kwenta tlg kausap. nanghingi lng nmn ako ng pointers para dirediretso na pagpunta ko. ang hirap nla kausap, sabi pumunta ka d2 at dalhin mo contract+IPA+passport mo at d2 kana bibigyan ng requirements.

    @Admin maraming salamat po. simurpresa ako ni God
  • @bastienzeke may lane na for OFW kaya madali nalang siguro.
  • @Vincent17 oonga nmn.. pero mag ayos sana pag at least may over the phone na instruction kung ano kelangan iprepare para pagdatng ng IPA mag nagawa na ako.
  • @bastienzeke tawag kanalang uli.. sabihin mo taga Mindoro ka at ayaw mo ng magpabalik balik :) natapat kalang siguro sa walang wenta :)
  • kailangan ng original copy ng contract mo. dapat yung contract pasok ang mga requirements nila (esp repatriation in case of death). kapag wala yun pwedeng addendum na lang. kailangang ipanotarize ng company mo ang contract and send sa phil embassy in sg. tapos iaauthenticate ng embassy. after nun dapat isend sayo ng company ang authenticated contract para isend mo sa poea. it will take about 4 months bago marelease and permit mo. kailangan mo pa magpamedical and dapat doh accredited. tapos before ka umalis ng pnas aattend ka pa ng seminar na 2hrs. mejo mahabang process at malamang sa hindi more than a month ka maghihintay. kung willing ang company mo na hintayin ka, eh maigi. kung hindi mag detour ka at palabasin mo na magtotour ka sa ibang bansa (maigi na me kasama kang iba apra di halata na ikaw lang). mahigpit na sila ngayon, dinidiscourage na ang direct hire at pinapadaan na lahat sa poea
  • @alingnena, sariling experience mo ba ito maam? parang ang lupet nmn. mahirapan na yata maghintay sakin cmpany ko lalo na 1 mnth naging processing ng IPA ko. yun mga sinasabi mo nabasa ko rin yan s poea page tungkol s name-hire process. sabi dn ng pinsan ko s NZ, kc galing yun SG tapos na direct hire s NZ di na cya dumaan pinas. nung unang uwi na s pinas from NZ nag change company na lng dw cya at kumuha ng OEC tsaka yun, nkabalik na s NZ na wlang aberya s IO
  • hindi ako. pero ilang kaibigan ko na ang nakaranas. kaya mas maigi na kung naghihintay ng ipa eh sa ibang bansa na lang tumuloy at wag muna sa pinas.
  • di bale, mamaya isesend daw un IPA ko sabi ng cmpany ko.. bukas mag iinquire ako s POEA. kung talagang ganun kalupet ang proseso, magdetour na lng ako, thailand ako daan. di ko na ipoprocess d2. jan na s poea SG. kc tinatanong na nga ng company ko kung mkakabalik naba daw ako this weekend. sabi ko di pa kc iprocess ko pa s poea ang docs ko.
  • nais ko sana idiscuss ano pedi gawin ko at this point gusto ko lng sana maging one step ahead. at least may backup plan ako sakaling di uubra ang plan A. as @alingnena wrote about the reqts pag gusto mo dumaan s poea. sa tingin ko kasi di mkapaghintay cmpany ko pag lalampas 1month ang processing ni poea.

    knowing na mahirap na dumaan s IO going back to SG. naisip ko detour/transit na lng ako gaya ng ginawa ng isa kong kakilala.. nag thailand muna cya tas tahiland to SG na.

Sign In or Register to comment.