I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

Visit Pass Extension / Exit

edited April 2017 in SG Guide and Tips
Kamusta po, may mga tanung lang po ako tungkol sa karagdagang ekstensiyon. Nabasa ko narin po yung sa e-extend kaso gusto ko rin malaman batay po sa mga nakaranas na nito. Dumating po ang kapatid ko noong Marso 29 at ang pagbalik nila dapat sa pilipinas ay Abril 7, 2017. Andito po sila para maghanap nang hanapbuhay. Mawawalan nang bisa ang kanilang visit pass sa Abril 28, 2017.

Visit Pass
1. Pwede lang po mag aplay nang karagdagang ekstensiyon, 3 araw bago mawalan nang bisa ang visit pass?
2. Return Ticket, kelangan po ba naka book na 3 araw bago i aplay yung ekstensiyon? papaano po ba dapat?
3. Gaano po katagal bago malaman kung aprobado o hindi ang ekstensiyon?
4. May mga payo po ba kayo sa pagsagot o kung ano po ang mga kadalasang katanungan nang mga opisiyal?
5. Kelangan po ba yung PR at Local ay kamag-anak?

Exit
2. Saan po mas ligtas na puntahang bansa ngayon?
3. Kung sakali po na hindi ma aprubahan ang ekstensiyon at mag exit po sila, ilan araw po dapat bago bumalik sa sg?
4. Kung sakali po na hindi ma aprubahan ang ekstensiyon at mag exit po sila, makakabalik pa po ba sila nang sg? hindi po ma tutuklasan nang io sa sg na hindi na aprubahan ang ekstensiyon nila?
5. Kung sakali po na pagbalik nila ay naharang sila nang sg io, agaran po ba na pabibilhin sila nang ticket pabalik nang pinas or pababalikin ba sila sa bansa kung saan sila nanggaling?
6. Kelangan po ba pag pasok nila sg may ticket sila ulit na pabalik nang pinas?

Salamat!

Comments

  • edited April 2017
    Hi @missingdev ,

    Isang mapagpalayang araw sayo. subukan kong bigyang linaw ang unang kalahati ng iyong mga katanungan dahil sa aking karanasan:

    Visit Pass
    1. Pwede lang po mag aplay nang karagdagang ekstensiyon, 3 araw bago mawalan nang bisa ang visit pass? dalawa ang paraan para sa ekstensiyon (online or personal appearance). Kailangan naipasa na online ang ekstension application 3 araw bago mawalan ng bisa. Mas maganda kung mas maaga upang me karagdagang panahon. Kapag rejected ang online, agarang pumunta sa opisina ng imigrasyon (katabi ng lavander mrt istasyon).
    2. Return Ticket, kelangan po ba naka book na 3 araw bago i aplay yung ekstensiyon? papaano po ba dapat? hindi ako hinanapan ng return ticket.
    3. May mga payo po ba kayo sa pagsagot o kung ano po ang mga kadalasang katanungan nang mga opisiyal? depende sa opisyal. me kups at me mabait. sa aking karanasan, Me kasama akong sanggol kaya ang usapan ay umikot lang sa karagdagang oras sa pamilya.
    4. Kelangan po ba yung PR at Local ay kamag-anak? hindi. ang sinama ko ay aking kaopisina na PR.
  • Maraming salamat kaibigang @kebs. Gaano po katagal bago malaman kung aprobado o hindi ang ekstensiyon?
  • @missingdev
    online - 1 day me resulta na
    personal appearance - on the spot result
  • @Kebs hi sir, ask ko lang kung ano mga documents para maipasa ung online extension?
Sign In or Register to comment.