I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

Undergraduate looking for a job in SG

hi, plano ko po makipagsapalaran sa SG next month. Undergraduate po ako pero with 9+ years of experience sa call center, mostly back office (fraud). May chance po ba na maka-kuha ako ng work dyan? Meron po ba dito may success stories na mga undergrads. or meron po ba sa inyo currently naghahanap ng work dyan. pashare naman po ng experience nyo pls. Thank you in advance.

Comments

  • Hi @Valmont07 mag self assessment tool ka muna po bago ka magtake ng risk dito.

    SPASS/EPASS Eligibility

    https://services.mom.gov.sg/sat/satservlet
  • hello po @mariel89 thank you po sa help,

    "Based on the information you have provided,
    the individual is unlikely to qualify for either an Employment Pass (EP) or an S Pass.

    You are strongly advised NOT to put in an actual application as it will most likely be rejected."

    pero kahit po yung kaibigan ko na may degree ganyan din po lumalabas... ano po kaya ang qualifications? pareho kasi kaming hindi qualified kahit sya may degree...
  • @Valmont07 when are you going to Singapore? Punta ako next month.
  • @Valmont07 depende po sa input nyo sa salary, job position, work experience, college course.
  • Aw ok po. So ibig sabihin nun no chance na talaga? @mariel89
  • @cheskapot mga 3rd week po ng may... hopefully
  • @Valmont07 brad subukan mo taasan sahod sa assessment. Play around with it.

    Since 9 years experience mo, kelangan mataas sahod mo dito (taking consideration ang edad at experience).
    Example: 4 years ago, 8+ years call center experience ko nun sa pinas. 4.8k "unlikely" ako sa assessment for EPASS, pero 5k "likely" na.

    Let's say "likely" ka sa certain amount, keep in mind na yung company na kukuha sayo dapat ganun ang ipapasod. Otherwise, marereject lang

    Mangilan-ngilang barkada ko na inassist ko sa call center industry dito and not to discourage you pero it seems na kelangan degree holder to get at least an SPASS (I might be wrong to this). Sa 6 na inassist ko, 1 lang nagkaron ng work dito (work permit type: spass, salary: 2k plus, years of experience sa pinas prior: 4 years) Basta wag ka muna magreresign at napakahirap makahanap ng work sa call center industry dito.

    I'm speaking for call center jobs lang ha, I don't know for other industries.
  • @Valmont07 gaya ng sabi ni Kebs mababa ang chance, not zero pero mababa, one factor yung wala kang degree another factor yung 9yrs experience ka pero hindi senior/managerial ang role na hinahanap mo. dito kasi experience plays a big part, kung lateral movement lang ang experience mo for 9yrs at no niche and specialized skillset mahirap talaga, tapos hindi pa call center hub dito, mostly local customers ang sineserve which requires a third language.
  • Guys Im having anxiety na tuloy. Di ako makatulog. Ako merong degree sa Business Management tapoa 5 years+ experience sa BPO. Pero mga 1-2 years per company. Insurance. Billing, claims, sales admin. Possible kaya na makahanap ako ng work dyan? :'( naka book na ako to Singapore this May.
  • @cheskapot wala naman makakapagsabi dito ng iyong kapalaran. tuloy molang, basta prepare molang ung sarili mo kung hindi ka man makahanap ng work.

    Mahirap talaga makahanap sa ngayon, hindi dahil walang vacant kundi sa quota for foreigners sa mga company. and also ung hinahanap mong work ay kadalasan para yan sa mga local..

    Goodluck and godblessu
  • @cheskapot lahat nman meron chance makahanap ng work kayalang sa linya po ng work mo madami kakompitensya una npo mga local ditto. pero wag po mawalan ng pag-asa kasi meron nman ibang kumpanya mas prefer nila mga ibang lahi..
  • @Valmont07 wag ka mawalan pag-asa, meron ditto hindi graduate pero approved Spass, kinokonsider din ksi MOM years of experience..
  • @cheskapot sorry if you feel that way. basta hard work lang sa job hunting and God will do the rest. Ika nga ni Boss Vincent na walang makakapagsabi ng kapalaran mo. Good luck!
  • walang zero chance, laging meron no matter how slim, nasa sa inyo na lang pag assess ng risk at chances niyo.
    walang makakapag guarantee dito ng resulta niyo, always case to case basis, mapa-praning lang kayo kakahanap at kaka compare ng experiences ng iba sa magiging experience niyo.
  • @popoy boss kung ok lang, pede bang malaman sahod nung undergraduate? So high school diploma lang dineclare nya kasi din naman qualification ang undergrad status, tama ba?
  • @Valmont07 You never know what you can do till you try. I have some friends with same boat and they did.
  • @tambay7 , @Vincent17 , @popoy , @Kebs - Thank you so much po for the encouragement. Meron po ba kayong mga gatherings sa SG minsan? Iniisip ko baka malungkot lang din ako pagdating ko dun. Wala kasi ako kakilala dun eh. Haha.
  • @Kebs thank you po sa details sir!

    open din naman po ako kahit sa ibang work. hopefully makahanap :) salamat po uli
  • @tambay7 thank you po! icoconsider ko po yan :)
  • thank you po sa encouragement @popoy :smile: sobrang kailangan ko po yan ngayon
  • Magkakaiba po kapalaran ng bawat isa satin. Malalaman mo lang po yun kung gagawin or susubukan mo. Ika nga nila, Just always have a positive mindset. Good Luck po!!!
  • @AhKuan Correct! All in God's time and will.
  • helo @cheskapot ! i will travel ngayong June in Singapore para mghanap ng work. Sana mameet kita kc wla din akong kakilala dun.
  • Hi mga ma'am and sir, yung mga professional cetificate ba like Microsoft e nakakadagdag sa assessment ng S pass? 2 years college grad ako, with 5 years overall xp, (3 years tech support L2 and 2 years IT) And MCP certified by Microsoft. Try ko po kasi next year din magtourist
Sign In or Register to comment.