I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

What to tell the IO PH to avoid being offloaded

Hello! Ano po kaya magandang i-reason sa IO Ph para makalabas ng bansa? pero halos kadarting mo lang sa Pinas?
«1

Comments

  • @Cali kung same country destination mo for sure ma-interrogate ka. unless me kamag-anak ka for family purposes (which is also kahina-hinala na), hindi maniniwala sayo IO kung leisure/tour sasabihin mo.

    kung ibang bansa yan wala naman sigurong prublema kung pormang turista at kasama family or frendsters
  • pag wala po kasamang family or friends okay lang po ba yun?

    paano po pag unemployed? tas wala po mapapakitang company id sa io ph
  • @Cali

    Pag wala po kasamang family or friends okay lang po ba yun? - kung hindi same country ang pupuntahan mo, ok lang yan in general basta chill lang at pormang turista. Kung same country, red flag yan. Q&A yan for sure.

    paano po pag unemployed? tas wala po mapapakitang company id sa io ph - yari brad. Red flag yan. pag natapat ka sa IO na matanung.

    mas maganda state your exact case para makapag-advice kami ng lubos at nearest accurate answer.
  • Dear Calil
    The most probably answer is to tell them you have a lot of money to spend as do rich can do! if not, then listen to above advises.
  • The first thing the IO from MNL asked from me is my company ID. IAnd the day before I flew, a friend posted on FB that she was held for an hour by a male IO because she cant provide her company ID at first and then she needed to show payslips and prove that she is employed so the IO shut his mouth.
  • edited April 2017
    @Cali every pinoy have the rights to travel not unless meron ka hold departure order from the court dka basta basta pwedi pigilan ng IO...nsa batas ntin yan kahit tanong mo sa kakilala mong abogado..hehe
  • @Cali magtour ba kayo o maghahanap ng trabaho? kung magtotour, pakita mo lang itinerary mo pag hinanapan ka.kung maghahanap ng trabaho at wala kang trabaho sa pinas, malaki ang chance na madaming tanong sayo ang IO officer.Good luck!
  • sabi ni Pres. Duterte sampalin daw ang mga IO, kapag di ka pinayagan lumabas sampalin mo. lol!
    pwede ka din mag suot ng I <3 Duterte T-Shirt, ewan ko lang kung tanungin ka pa.
  • maglabas ka ng 20x 1000 pesos na bills... Tapos sampalin mo yung IO with said bills... Sabihin mo sa sobrang dami mong pera ginusto mo ulitin mag tour ang SG.
  • Bili ka ng ganitong passport holder:






  • Gagawin ko rin lahat ng nakalistang advice sa taas panigurado. Haha. Papa-ink pa ko sa noo ng I❤️Duterte.
  • alam nyo mga tropa peeps.. kahapon sa immigration pag labas ng pinas, meron silang waiver form na nakalagay "I will not hold BOI accountable should I be refused entry in destination country even though immigration suspects documentation presented is not sufficient" ek-ek na ganun... tinanong ko kung para saan yun.

    Sabi nya, kase ayaw naman nila talaga ipa offload mga tao na gusto mag hanap ng trabaho, lalo na kung meron sila pamilya na sasalo just in case things go wrong. Kase they also understand na meron din daw na gusto mag hanap ng trabaho...

    Ewan ko kung bagong policy ito....
  • @Suddenly_Susan is it existing or new policy ?
  • tignan nyo next time paalis kayo ng pinas, right underneath the camera that takes a picture of you.
  • Hello po mga kababayan. Medyo similar po sa topic yung question ko. Baka po matutulungan nyo ako, at thank you in advance na din po sa intuitive responses. Idedetalye ko po para malinaw. Pasensya na po sa abala.

    Mar22 this yr po ako unang lumapag dito sa SG as tourist (lumabas ng pinas as currently employed kuno w all supporting docs) and fortunately, nahire ako few days before maexpire yung SVP ko then nag-exit ako sa Malaysia, naghintay dun marelease IPA,and stayed there for 12 days., came back to SG together w my IPA and started working, but unfortunately, I got allergies to the nature of job, my doctor gave my employer a memo na nagsasabing pinagpapalit ako ng trabaho kasi nga di makakabuti sakin don, plus, illegalista po sa lakaran ang employer kaya no no talaga, so I decided to follow my doctor's advice and resigned last June12. So technically, cancelled pass ako as of now and will expire on July13th.

    May malilipatan naman po akong trabaho, mas okay, at linya ko talaga sya, kaso Aug ang soonest date para ma-hire ako at ma-apply pass ko, kasi yung papalitan ko, still serving the notice period e yun na lang yung slot for a foreigner kasi karamihan talaga don pinoy.

    Ang tanong ko po, ano po kaya ang pinakamaganda kong gawin?
    -Mag-exit ulit sa Malaysia(2nd time)/ Indonesia/any nearby country at bumalik sa Aug kung may IPA na?
    -Mag-exit sa Pinas (kasi sa experience ko sa Malaysia e nakakatakot yung environment don at di talaga ako lumalabas ng hotel unless bibili ng pagkain for the whole day para isang labas na lang, e ngayon pa na mas matatagalan ako kung san mang labas ng SG, tapos ako lang mag-isa na babae) pero lalabas ulit ng Pinas as tourist at may kasama na isa (na galing din SG for a month, umuwi ng May16) derecho SG
    -Mag-exit sa pinas, lalabas ulit as tourist kasama pa din yung isa, then point of entry is diff country like sa KL muna then SG.

    Salamat po!
  • Uwi ka muna ng Pinas kasi ang tagal mo pa pala maghihintay.
  • uwi kanalang muna..

    then mag TH ka or HK.. invest kalang ng konti.
  • edited June 2017
    @Eirldiehl at your situation , better go back to Pinas and use your last option above.
  • hello. may concern po ako. nag book na ako ng flight to sg this october. yung binook ko was good for 28days plan ko kasi sana mag stay there for that long then mag aapply. however nung sinearch ko na yung about sa IO mejo nawalan ako ng confidence makapasok since solo traveler at female ako, never pa dn ako nakalabas ng bansa, this would be my first time if ever. pero may naisip akong isang plan i dont know if this works. what if mag aavail ako ng travel and tour agency na good foor 3d2n. pakita ko lahat ng papers and travel itinerary na provided ng travel agency. do u think they would let me travel? meron pa rn bang na ooffload sa mga nag avail ng travel and tours? thanks sa mga feedback
  • @levzzm I think mas maganda yan naisip mo meron ka papakita sa IO if magtanong sila..

    yung 28 days na booking mo medyo magdududa na IO ksi masyado matagal..pwedi mo gawin 1 week lang tas pag nsa SG kna rebook mo nalang..
  • @popoy thank you sa response. oo nga e, di kasi ako aware dito sa mga offload2x nato before ako nag book. kung nalaman ko lang to edi sana 1 week lang muna binook ko huhu. cguro mag travel and tours nlang tlaga ako pra mas higher yung chances na hndi ako ma offload. cross my fingers nlang tlaga
  • edited July 2017
    @levzzm meron ka ba work sa PH? ready mo lang bka hanapan ka company iD at kung wala ka nman work dapat handa Karin patunayan kaya mo magtour dba..
  • @popoy yun nga yung masaklap kasi freelancer lang dn ako. so wla akong ma pprovide na company ID. pro mag rready ako ng certificate of earnings from my client, tpos bank statement then yung card na ginamit ko sa mga bookings ko. so mag ttravel agency nlang tlaga ako pra atleast may ma pprovide yung travel agency na tour itinerary ko dun
  • try to bring some tickets like universal studio, night safari or booking ng hotels para mapakita nyo na magtotour talaga kayo.
  • Guys, itanong ko na rin baka kasi ma offload ako.
    Allowed ba maglagay ng laptop sa check-in luggage?
    Sa check-in luggage ko kasi ilalagay pati docs ko.
  • @nomad0430 okay lang nman kayalang medyo risky pwedi ksi masira or mawala lalo na meron docs..
  • Sobrang risky ba kung ihand carry ko ung laptop? Bakabma off load ako ah?Tapos un docs sa luggage, prone pa rin kaya mawala docs ko sa luggage?
  • @nomad0430 i can't say you can, however and I definitely wouldn't packed inside luggage due to handling issues (they way they care). i-hand carry mo nalang.
Sign In or Register to comment.